CHAPTER TWENTY-THREE

2.7K 73 20
                                    

CHAPTER TWENTY THREE


"ARE you really sure about your decision?" habang umiinom ng tubig ay napalingon si Doniella kay Andrew. Nakasoot na ito ng uniform ng pizza house nito. Ibinaba niya ang baso at hindi agad siya sumagot. Ano ba ang tinutukoy nito? "About the annulment."

Napabuntong hininga siya. Anim na araw na rin ang lumipas simula noong sinimulan niyang asikasuhin ang papeles tungkol doon. Buo na ang desisyon niya. Buong buo na.

"Of course. There's no turning back. As soon as the papers come out, all I need is Wazel's signature. " Aniya.

Patuloy pa rin si Wazel sa pagtawag sa kanyang telepono. Pero hindi niya ito sinasagot. Pati sina Melisandre at Andreana ay tinatawagan siya ngunit hindi rin niya ito sinasagot dahil ayaw muna niyang makipag usap sa mga taong ka-ugnay ng kanyang asawa. Baka kasi pag kinausap niya ang mga ito ay bigla nalang maglaho ang lakas ng loob niya upang hiwalayan ang asawa.

"Eh ano na ang plano mo kapag wala ng bisa ang kasal niyo?" tanong muli ni Andrew. Napaisip siya. Ano nga ba? Basta, sa ngayon ang gusto lamang niya ay ang mawalan ng bisa ang kanilang kasal.

"I don't know. Siguro lalayo ako." Sagot niya.

"Aalis ka tita?" nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ni Teddy. Sa mga nakaraang araw ay napalapit na rin siya sa bata. Napakalambing nito at masunurin.

"Teddy, anong sinabi ko sayo?" Si Andrew. "Huwag makikisali sa—"

"Usapan ng matatanda." Pagpapatuloy ng bata sa sinasabi ng ama nito. Napangiti siya dahil doon.

"Always remember that. Okay?" dagdag ni Andrew.

"Oo na daddy. Pero dad, pwede ba natin puntahan si Sky?" hirit nito sa ama. Napatingin naman sakanya si Andrew. Sabay silang napailing at tumingin sa bata.

"Anak, hindi pa natin pwedeng puntahan si Sky." Si Andrew ang sumagot.

"But why?"

"Ah baby, huwag kang mag-alala kapag okay na ang lahat, promise ko sayo, everyday kayong makakapaglaro ni Sky." Dagdag niya sa sinabi ni Andrew. Nangako siya sa bata kahit alam niyang malabong mangyari iyon.

Bahala na, siguro naman darating din ang araw na magiging okay ang lahat. Sana...

"Talaga tita?" tanong ng bata.

"Oo naman." Tumango tango siya. "Go to your room muna, okay? Mag-uusap lang kami ng dad mo."

"Yes tita!" nakangiting turan nito bago pumasok sa kwarto.

"Nakikita kong isa kang mabuting ina kapag nagkaroon kana ng sariling anak." Nakangiting komento ni Andrew. Ngumiti rin siya.

"Pero hind nga lang biniyayaan." Aniya.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa."

"Hindi na rin naman ako umaasa. Kapag hiwalay na talaga kami ni Wazel, parang wala na akong balak mag-asawa pa. Siguro matutulad nalang ako sa mga ate ko na tumandang dalaga." Nawala ang ngiti niya sa sinabi niyang iyon. Ayaw na niyang magmahal ulit. Ayaw na niyang makahanap ng lalaking mangangako sakanya tapos ay hindi naman tutuparin.

Pagod na pagod na ang isip at puso niya para doon. Tatanggapin nalamang niyang hindi na talaga siya tatanda na may kasamang anak at asawa.

"Huwag kang magsasalita ng tapos, Doniella." Ani Andrew kaya ngumiti nalamang siya.

"Oo na." sagot na lamang niya. "By the way, I'm going home. I'll just get some stuff there."

Gusto na sana niyang kunin lahat ng gamit niya pero nahihiya naman siyang itambak ang mga iyon sa bahay ni Andrew. Kaya uuntiin na lamang niya. Balak na rin naman niyang mangupahan nlang ng matitirhan. Nahihiya na rin kasi siya kay Andrew. Ilang araw na rin kasi siya doon.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon