CHAPTER NINE
PATULOY ang paghagulgol si Wazel sa labas ng kwarto ng asawa. Pinagtitinginan na rin siya ng mga nurse at pasyente na napapadaan sa hallway kung nasaan sila. Kasama niya roon ang ate Melisandre at ang kuya Matt niya.
"Kuya Matt, wala naman kasalanan si Wazel sa nangyari kay Doniella. It just happened na mahina ang pag-iintindi ni Doniella. Pinuntahan lang niya ang anak niya kay Zyrah, kuya! Kung nakinig lang sana siya kay Wazel, hindi mawawala ang magiging pamangkin natin!" ang ate Melisandre niya.
"Melisandre, how coud you say that? Just shut up, will you? Hindi ka nakakatulong." Suway ng kanyang kuya, habang siya ay tahimik lang. "Oo, sabihin na nating may anak ang kapatid natin kay Zyrah, pero may nangyari din sakanila ni Zyrah. And it made it worse! Our brother cheated. Kung ikaw si Doniella, matatanggap mo ba?"
Natahimik naman ang kanyang ate sa sinabi ng kuya.
"N-natukso lang ako kuya." Umiiyak niyang depensa. "I n-never meant it."
"Kahit na, Wazel! Dapat nagtiis ka! Dapat mas nagpakalalake ka at inisip mo ang asawa mo at magiging anak mo." sermon pa nito. "Ni minsan hindi ko naisip kay Andreana na gawin ang bagay na yan, Wazel. Because for me, Andreana is more than enough. She's my entire world. I don't want her to get hurt."
Hindi siya nakaimik. Tama ang sinabi ng kuya niya. Nagpadala siya ng kanyang libog. Nahulog siya sa patibong na si Zyrah ang gumawa. Nahulog siya at ito ang dahilan kung bakit unti-unti pa rin siyang nahuhulog sa malalim na bangin. Kung saan walang Doniella na humihila sakanya paitaas.
"Nung binata ka, ayos lang na dala-dalawa ang babae mo, Wazel. But now, you already have a wife! You shouldn't have done that. Look! You have lost your child again. And worst, your wife is so mad at you." Dagdag pa ng kuya.
Aminado siyang napaka bilis niya magpalit ng babae noon. Pero noon lang iyon. Nang makilala niya si Doniella, huminto siya sa ganoong gawain.
"A-anong gagawin ko kuya? Should I just die?"
"Don't say that. Yes, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. But don't give up on your wife." Payo ng kuya at tinapik-tapik pa siya sa braso. Humagulgol lang siya ng humagulgol.
"P-pakiramam ko, mamamatay na ako sa bigat ng nararamdaman ko kuya. W-we lost our baby. Galit na galit saakin ang asawa ko. Galit rin ako sa sarili ko." Aniya. "I don't know what to do anymore."
"Be a man. Magpakalalake ka at harapin ang problema. I know you can do it, bro."
***
TWO MONTHS LATER
"DONIELLA, kumain kana anak. Ang payat mo na." pumasok ang kanyang ina sa kanyang kwarto kung saan nakahiga lang siya at nakatulala sa labas ng bintanang nakasara. Matapos makalabas sa hospital ay hindi siya umuwi sa bahay nila ni Wazel. Pinili niyang tumira sa dati nilang bahay.
"Wala akong gana, nay." Walang kabuhay buhay niyang sagot. Simula noong nawala na naman ang magiging anak sana niya, tinamad na siyang mabuhay.Tinatamad na siyang huminga. Tila pinaparusahan siya araw araw.
"Si Wazel, nasa sala. Hindi mo na naman ba siya kakausapin?" sumama ang tingin niyang ibinaling sa ina.
"Ayoko siyang makita, nay." Matigas niyang tugon. Araw araw rin siyang dinadalaw ni Wazel at pati na ang pamilya nito. Pero hindi niya pinapansin isa man sakanila.
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETED
Romance[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #2 Wazel Blake Morrison and Doniella Salazar DATE STARTED: JULY 26, 2020 DATE FINISHED: APRIL 6, 2021