CHAPTER SEVEN

2.9K 115 6
                                    

CHAPTER SEVEN



"SO paano mo nalaman na may anak ako kay Zyrah, ate?" Tanong ni Wazel sa kanyang kapatid. Walang sasakyan si Melisandre na pumunta sa condo ni Zyrah kaya ihahatid niya ito sa bahay nila. Habang nagda-drive ay hindi mai-alis sa labi niya ang ngiti, talagang nag-enjoy siyang kalaruin si Sky.

Sa kabila non, naalala niya rin niya ang nangyari sa pagitan nila ni Zyrah bago dumating ang ate at Sky. Muntik ng may nangyari sakanila. Paano nalang kung hindi siya nakapagpigil kanina? Madadatnan na lamang ba sila sa ganoong pwesto?

"After you and Don get married." Sagot ng kapatid kaya kumunot ang kanyang noo. Naisip niya rin, kung nabuntis niya si Zyrah, bakit hindi agad ito tumawag sakanya noon? Oo, hanggang ngayon ay nagdududa parin siya kung anak ba talaga niya ang batang si Sky. Pero dahil malambing ang bata, napakagaan ng loob niya rito. At hinahayaan nalang na tawagin siyang daddy kahit hindi pa siya sigurado.

"Then why didn't you tell me right away?" tanong niya. Ngumisi naman ang ate.

"Because it's your wedding. And Zyrah said that she was okay and she doesn't need you. Na kaya na niyang buhaayin ang bata, without your support. But now, it is Sky who is trying to see you. " aliwanag ng kapatid. Talagang wala nang balak si Zyrah noon na ipakita ang anak? At dahil sa hiling ng bata, kaya sila nandito? "So what are your plans? Will you tell Doniella about Sky? "

"I don't know ate. A-ayokong mabigla ang asawa ko." Napasapo pa siya sa kanyang ulo. Habang kasama niya kanina si Sky ay nakalimutan nga niya ang asawa. Masyado siyang nag-enjoy. Sigurado siyang nag aantay na naman ang asawa sa sala.

"You know what may annulment naman—"

"Ate hindi ko iiwan si Doniella! Mahal ko siya at magkakaroon na rin kami ng anak." Putol niya.

Talagang si Zyrah ang gusto ng kapatid para sakanya. Saka, bakit naman niya iiwan ang asawa dahil lang sa may anak siya sa iba kung sakali? Magkakaanak na siya kay Doniella at mahal na mahal pa niya ito. Kaya naman ni minsan hindi sumagi sa isip niyang hiwalayan ang asawa.

"Kaya please ate, huwag ka ng makekealam saamin ni Doniella."

"Paano si Zyrah at Sky? Kitang kita ko kung paano ka naaliw kanina doon sa bata." Saad ng ate niya. Totoo namang naaliw siya. Bukod sa mabait at malambing ang bata, napaka bibo pa nito.

"Magsususento ako sa bata at kapag may oras ako ay dadalaw dalawin ko siya." Aniya. Ganun naman talaga ang tama hindi ba? Hindi man siya sigurado na anak niya si Sky, gagawin nalang niya ang responsibilidad bilang ama dahil siya naman ang kinikilala ng bata bilang ama. Sana, totoo talagang anak niya ito at hindi siya niloloko ni Zyrah.

"Okay."

Hindi na umimik pa ang kapatid. Hanggang sa nakarating na sila sa kanilang old house at ibinaba na nga doon ang ate.

"Thank you sa paghatid Wazel." Saad ng ate. Tumango lamang siya bago pinaandar muli ang sasakyan paalis.

Nang makauwi si Wazel, nadatnan nga niya si Doniella na nakahiga sa sofa. Naalimpungatan pa ito pagdating niya. Nilapitan niya ang asawa at niyakap. Yakap na ngayon lamang niya nagawa matapos ang ilang araw na hindi niya ito masyadong kinakausap.

"Where have you been?" tanong nito.

"Sorry, hon. M-maraming akong pasyente kanina kaya hindi na ako nakatawag at n-nakapag text sayo." Pagsisinungaling niya. Ilang beses na ba siyang magsisinungaling sa asawa?

"Ah. Ganun ba. Kumain kana?" tanong pa nito at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.

"O-oo tapos na kanina." Nauutal niyang sagot. "Bakit gising ka pa?"

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon