CHAPTER FOUR

2.9K 122 14
                                    

CHAPTER FOUR



HABANG nagluluto si Zyrah para sa dinner, nag-ring ang kanyang cellphone. Hindi muna niya sinagot ang tawag, tinapos niya muna ang pag luluto ng sauce ng spaghetti. Hinayaan niya munang mag-ring ang cellphone.

"Oh! Hello Melisandre, what's up?" Pagkatapos, dinampot na niya ang cellphone mula sa ibabaw ng lababo, napangisi pa siya ng makitang si Melisandre ang kanina pa tumatawag. Sinagot nga niya ito.

"Nasaan ka ba ha?" tanong agad ni Melisandre. Napailing nalamang siya, habang tumatanda ang kaibigan ay lalo itong sumusungit. Ano naman kaya ang sasabihin nito at mukhang iritado?

"Why? Do we have a schedule for a walk today or something? " she asked. Ini-loudspeaker pa niya ang cellphone. At habang kausap ang kaibigan, isinasalin niya ang pasta at sauce sa pinggan.

"Nothing! But I just want to let you know that Doniella is now pregnant." she was stunned by what Melisandre said. Hindi siya kaagad nakasagot

"What? Is that true?" tanong niya.

"So, now what? Wala ka pa bang gagawin? Hahayaan mo nalang ba si Wazel kay Doniella?"

Sumeryoso bigla ang mukha niya. Hindi maaaring mag-karoon ng anak si Wazel at Doniella dahil parati niyang ipanagdadasal na sana hindi iyon mangyari. Paano na niya mababawi si Wazel kung buntis na si Doniella?

"Totoo ba talaga ang sinabi mo?"

"Do you think I'm joking, Zyrah? I thought you would do anything, bumalik lang sayo ang kapatid ko?"may inis sa tono ang boses nito. Alam niyang magkasalubong ngayon ang kilay ni Melisandre at ganun din naman siya. Napainom pa siya ng tubig ng dahil sa nalaman. Pinakalma niya ang sarili. Hindi dapat niya ipakita na mahina siya.

"Don't be excited, Melisandre." Umpisa niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Nakakaramdam siya ng matinding selos sa asawa ni Wazel, lalo pa at magkakaron na nga ng anak ang mga ito. "Because right now, I can see in my mind that makakabalik kami ni Wazel sa dati."

Sa totoo lang, matagal naman na niyang plano ang agawin si Wazel. Pero humahanap lamang talaga siya ng magandang tiyempo. At ang balita nga ni Melisandre ay ang hudyat na dapat na niyang umpisahan ang kanyang plano.

"Make sure of it, Zyrah. I really don't want Doniella for my Wazel. Two years is enough seeing them together. Hindi sila bagay, mataas ang tingin ko sa kapatid ko. Pagkatapos ay sa isang anak lang ng farmer naming siya mapupunta?" saad ng kaibigan. She knows Melisandre's standards are high when it comes to her brother's marriages. Matapobre. Siya lang talaga ang kaisa-isang naging nobya ni Wazel na nagustuhan nito.

"I understand." Aniya.

"I'll hang up na, nandito kasi ako sa bahay nila Wazel kasama ang kuya and Don's Family. They're having a celebration para sa pagbu-buntis ni Doniella." Paalam pa nito. So, nagkaroon pa pala ng celebration para sa pagbubuntis ng babaeng iyon? Napairap tuloy siya ng wala sa oras. Siguro nga, malalim pa rin ang nararamdaman niya kay Wazel. Kaya nga itinuon niya halos lahat ng oras sa pagpapaganda upang kapag handa na siyang agawin ito mula sa asawa nito, madali nalang.

"Don't worry, inihahanda ko na ang sarili ko for Wazel. Hayaan mo muna silang magsaya." Sagot niya. Pinipilit niyang kumalma. Naging matagal ang relasyon nila ni Wazel noon at hindi biro iyon dahil habang nagsasama sila noon, ramdam niyang totoo ang pagmamahal ni Wazel para sakanya. Nagloko lang kasi siya kaya sila naghiwalay. Nasaktan niya ito at pinagsisisihan niya iyon. "I'll call you soon. Bye!"

Matapos ang tawag ay inihain na nga niya ang dalawang plato sa mesa. At pinuntahan niya ang kanyang anak sa kwarto nito. Napangiti siya habang naglalakad papunta sa kwarto ng bata. Nadatnan naman niya ang anak na naglalaro sa ibabaw ng kama nito.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon