CHAPTER FIFTEEN

2.9K 70 17
                                    

CHAPTER FIFTEEN



WALA na ngang nagawa si Wazel nang magpumilit sumama ang ex-girlfriend niyang si Zyrah. Siyempre, magkakasama ngayon silang apat sa loob ng sasakyan. Natural na ang asawa niya ang nasa kanyang kanan. At ang mag ina ang nasa likod.

"Saan ba tayo pupunta? Saan mo ipapasyal ang anak ko, Wazel?" tanong ni Zyrah na nakasimangot. Nakasoot ito ng maong at naka puting crop top. Para ba itong isang modelo kung titingnan. Pulang pula rin ang labi nito.

Saan nga ba sila pupunta? Saglit siyang napaisip nang biglang umimik ang kanyang asawa.

"Hey Sky." ani Doniella sabay lingon sa bata.

"Y-yeah?" naga-alangang sagot ng bata sabay tingin sa mommy nito bago ibinalik ang tingin kay Doniella.

"Saan mo gustong pumunta?" nakangiti ang asawa niyang nakatingin sa bata. Napangiti rin tuloy siya. Natutuwa talaga siyang makita ang asawa na nakangiti sa kanyang anak.

"A-amusement p-park?" Sagot ng bata. "I r-really wanna g-go there."

"Okay! So sa amusement park tayo." Nakangiti nitong tugon sa bata. Nawala rin ang ngiting iyon ng lingunin siya nito sabay sabing, "Amusement park, hon."

"Sure! Let's go!" sagot niyang nakangiti. Nakita naman niya ang pagsimangot ni Zyrah mula sa rear view mirror.

Sa isang sikat na amusement park nga sila dumeretso. Alas kwatro na ng hapon kaya naman nagsisimula na rin isindi ang mga makukulay na pailaw mula sa ibat ibang rides at booths. Napapangiti siya dahil minsan na rin siyang nangarap na balang araw ay magpupunta siya dito kasama si Doniella at mga magiging anak nila.

Saglit siyang nalungkot dahil oo nga at nandito na sila, pero hindi sa paraang pinapangarap niya gabi gabi. Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon wala pa silang anak at dahil iyon sa kagagawan niya at ng babaeng kasama rin nila ngayon.

"Are you okay Wazel?" napalingon siya kay Zyrah. Nasa pilahan sila ng bilihan ng mga tickets. Natulala na pala siya.

"Yeah. I'm fine." Sagot niya.

Napatingin siya sa kanyang asawa at nakatingin rin ito sakanya. Hindi niya pa rin mabasa ang iniisip nito. Kay Sky lamang kasi ito ngumingiti. Pagdating sakanya, parang walang emosyon na pinapakita. Ni hindi nga rin nito tinitingnan si Zyrah. Oo nga at ngumingiti ito pero hindi iyon yung totoong ngiti na hinahanap ng mga mata niya. Parang may kulang.

"Okay na?" Tanong ng asawa, tinutukoy nito ang mga tickets. Tumango naman siya. Nabili na niya lahat ng tickets para sa mga rides na gusto ni Sky. "Let's go!"

"Are you excited baby?" tanong naman ni Zyrah sa anak.

"Yes mommy!" nakatawang sagot ng bata kasabay ng pagningning ng mga mata nitong tumingin sakanya. "Thank you, daddy."

Dahil natutuwa siya sa bata ay binuhat niya ito.

"So anong unang pupuntahan natin?"

"Carousel!" sigaw ng bata.

"Okay baby!"


***


HABANG pinagmamasdan ni Doniella ang batang si Sky na nage-enjoy sa pagsakay ng mga pambatang rides, tila ba nakakaramdam siya ng tuwa. Para bang awtomatiko ang mga labi niyang napapangiti kapag nakikita niya itong tumatawa at humahagikgik.

"Napaka swerte naman ni Zyrah." Aniya na siya lamang ang nakakarinig. Ngumiti siya ng mapait.

Nakaramdam siya ng kirot ng makitang masaya ang asawa niya habang kasama si Zyrah at Sky na nagkukulitan. Bagay na bagay ang tatlo bilang isang pamilya. Gusto niyang makita ang asawa na nakangiti at nakatawa ngunit hindi sa ganitong paraan. Lalo na at hindi siya ang kasama nito.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon