CHAPTER THIRTEEN

2.5K 66 16
                                    

CHAPTER THIRTEEN



MALALIM ang iniisip ni Doniella ng araw na iyon. Tahimik lamang siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa hardin ng kabahayan. Naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay nila. Siyempre, araw araw pumapasok ang asawa niya sa trabaho. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong bumalik siya sa bahay nila ng asawa.

Habang pinagmamasdan ang hardin. Napapaisip siya, kung sana may anak na sila ni Wazel, edi sana hindi lang siya ang nagmamasid ngayon sa mga magagandang bulaklak. Sana kasama niya ang anak niya. Muli ay isang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata pababa sa kanyang pisngi. Agad din naman niya iyong pinunasan.

Hanggang kailan ba mawawala ang sakit? Hanggang kailan ba niya makakalimutan ang lahat ng mapapait na nangyari sakanilang mag-asawa?

"Doniella?"

Napapitlag siya ng may marinig na doorbell kasabay ng pagtawag sakanyang pangalan. Boses iyon ng ate Andreana niya kung hindi siya nagkakamali. Dali-dali niyang tinungo ang daan papunta sa gate at binuksan iyon. Malapad na ngiti ang sumalubong sakanya. Kasunod ay ang mahigpit na yakap. Tama siya, ang ate Andreana niya nga iyon.

"Ate Andreana!" aniya na may malapad rin na ngiti sa kanyang mukha. "Pasok ka ate. Want some coffee?"

"Huwag kana mag-abala pa. How are you Doniella? I'm happy na nandito ka na ulit sa bahay niyo." Anito ng makapasok sila sa terrace ng kanilang bahay.

"I'm okay, ate. Nagkaayos na rin kami ni Wazel." Nakangiti niyang sagot. Nangunot ang noo niya ng may maalala. "Nasaan pala ang mga bata?"

"Nasa daddy nila. Actually, sa market lang talaga dapat ako pupunta. Pero Wazel told me last week na bumalik ka na sakanya so na excite ako kaya dumaan na ako. Ngayon lang rin kasi ako nagkaroon ng oras." Natutuwa siya dahil nakikita nga niya ang excitement sa mukha ng kanyang bilas. Sobrang ganda talaga ng ate Andreana niya, talagang hindi maipagkakailang dati itong sikat na modelo noong dalaga pa. "Alam mo bang namiss kita?"

"Namiss din kita ate. Kumusta na pala sina ate Melisandre?" tanong niya. Hindi pa kasi niya nakikita si Melisandre simula noong umuwi siya rito. Naninibago lang siya dahil walang kontrabida na umaaligid sakanya.

"Si Melisandre, naging busy yun lately. Ewan ko ba kung ano pinagkakaabalahan nun ngayon." Anito. "Anyways, hindi rin ako magtatagal. Dumaan lang talaga ako."

"Thank you sa oras mo ate." Aniya.

"Ano ka ba! Wala yun 'no. Sana ay tuluyan na nga kayong magkaayos ng asawa mo. Simulan niyo na ulit bumuo ng anak." Natigilan siya sa sinabing ito ng ate Andy niya. Sa totoo lang, may trauma na siyang magbuntis ulit.

Nung nakaraan nga ay nagpa check up siya kasama si Wazel. Gusto na rin kasi ni Wazel makabuo muli sila ng anak. At ang rekomenda ng doctor ay dapat manatili siya sa bahay at pahinga lang. At iyon nga ang ginagawa niya.

Sa totoo lang, nababagot siya sa bahay. Gusto na rin niyang mag trabaho ulit. At isa pa, parang takot na ulit siyang magbuntis dahil takot na ulit siyang mawalan.

"Ate talaga."

"Why? Mag-asawa kayo—"

"Natatakot na ako ate. Natatakot na akong mawalan ulit." Putol niya. Hinawakan naman ng ate Andy niya ang kanyang mga palad. Kitang kita niya ang pag aalala sa mga mata nito. "I am not ready, yet."

"I understand." Tatango tangong sagot ng ate Andy niya. "Hihilom rin ang sakit na nadarama mo Don."

"Sinusubukan ko namang maging okay ate." Ito na lamang ang naisagot niya. Sobrang hirap sakanya para kalimutan ang lahat. Pero dahil gusto niyang magkaayos sila ni Wazel, kinakaya niya ang maging okay sa mata ng iba.

MORRISON SERIES #2:DONIELLA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon