CHAPTER 4

41 1 0
                                    

Jino Pov

Nakakunot ang noo ko papasok sa loob nang J4..

Ano bang problema nang babaeng yun? hindi man lang ba talaga ako naging mahalaga sa kanya? napangiti ako nang malungkot..

Dapat pala matagal ko nang alam yun dahil hindi siya normal na babae kaya ata mas lalo ko siyang minahal..

Nakilala ko siya nung may mga lalaking nag bully sa akin at tinulungan niya ako..

Hindi ko alam kung tanda niya pa ba ang araw na yun pero ako hindi ko yun makakalimutan dahil yun yung unang araw na naamaze ako sa isang babae..

Kung totoosin hindi siya maganda nung araw na yun dahil sa sugat sa mukha niya at parang lalaking makapagsuntukan..

Pero mukhang nakuha niya ang puso ko sa unang segundo ko pa lang siya nasilayan..

Nawala ang kunot sa noo ko nang marinig ko ang tawanan sa loob nang J4 at mukhang nag sasaya sila..

"Jino.. bakit ngayon ka lang?" napangiti ako nang tanungin ako ni Janeille..

"Bakit namiss mo ba ako??" nakangiti kong sabi sa kanya na ikinasimangot naman ni Jhonny..

"Hoy!! Jino! wag mo nga ngitian si Janeille baka sapakin kita ei.." sabi sa akin ni Jhonny na halos umabot na sa akin ang labi niya dahil sa pagkakanguso..

ang sarap talaga asarin nang abnoy na to..

"Saan ka galing??" tanong sa akin  ni Julius, katabi niya naman si Megan na nakahiga sa may lap niya..

Ang J3, masaya ako sa kanila dahil sa wakas successful na ang love life nila..

Magdala na din kaya ako nang magandang babae rito?  sa tingin niyo? ikaw pwde ka ba? 

oo ikaw na nagbabasa..! oy.. ngumiti siya pumayag siya. ano date na tayo?

"Tinatanong ka ni Juluis kung saan ka galing kaya bakit ngumingiti ka lang diyan na parang baliw??" napalingon ako kay Joven nang marinig ko yung boses niya..

"Matagal na yang baliw kaya dapat dinala na yan sa mental.." bulong ni Jhonny na rinig na man nang buong mundo..

"abnoy!" mahina ko ring sabi pero siguradong maririnig niya at dahil nga isa siyang abnoy kaya nag react siya..

Tumayo siya at pabiro akong sinakal..

"Patayin kita ei, wag mo akong matawag-tawag na abnoy.." kita niyo na? guilty kasi..

Natatawa na lang ako at itinulak siya..

"sinisira mo ang ka gwapohan ko.." sabi ko sa kanya habang inaayos yung tshirt ko dahil nakumot nang sakalin niya ako..

"saang anggulo??" sabi naman ni Joven kaya nagtawanan silang lahat maliban kay Janeille..

"Cute naman talaga si Jino noh.." pagtatangol sa akin Janeille..

"Cute daw, gwapo naman ang pinaguusapan.." sabi ni megan at sinabayan pa nang malakas na tawa..

Samantalang nuon hindi ko siya napapatawa tapos ngayon tumatawa siya na parang tanga ei wala naming nakakatawa.. ako yata ang mababaliw sa kanila ei, ako daw ang korny? ei sila tong OA..

Napakamot ako sa batok ko at tiningnan si Janeille..

"Anong tingin mo sa akin aso??" nilangkapan ko yung boses ko na parang naghinanakit ako pero ang totoo gusto ko nang tumawa sa naging reaksiyon niya..

Bigla nawala ang ngiti niya at tumingin pa siya kay Jhonny..na parang sising-sisi talaga siya dahil tinawag niya akong cute..

"Hindi yun ganun..cute ka naman talaga kasi para kang bata kaya nga gwapo ka.." natatarantang paliwanag niya sa akin..

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon