CHAPTER 14

34 0 0
                                    

*Mafia Ripuchi is approaching*

Lalaine Pov

Napabilis ang paglalakad ko nang may makita akong familiar na mukha..

Nasa isang mall kasi ako ngayon ..

Kumunot ang mga noo ko at napokpok ko nang mahina ang ulo ko..

nagugutom na ba ako? kaya kung ano-anong bagay na ang nakikita ko?

Bakit ko naman siya makikita rito? tsk.. dapat na ata akong kumain. 

Makauwe na nga..

"Sandali lang miss..." napalingon ako nang may humawak sa balikat ko..

Napatitig ako sa mukha niya, para akong nakakita nang anghel sa katauhan nang babaeng to..

Napakaganda niya..

Nasa malapit siya kaya kitang-kita ko na walang gasgas ang mukha niya, at kahit wala siyang make up,

para pa rin siyang modelo sa mukha niya at katawan niya..

"Bakit??" matagal bago ko naitanong sa kanya ang salitang yan..

"Sayo ata to., nahulog mo nakita ko kasi na galing diyan sa pocket mo.." napatigin ako sa wallet na hawak niya at hinablot agad yun..

"Salamat.." mabuti na lang at ibinalik niya..

"Your welcome.." nakangiti niyang sabi sa akin..

Kahit hindi ako lalaki napakurap pa rin ako nang ngumiti siya, natotomboy ako sa ngiti niya..

Ang ganda-ganda niya talaga ..

"Sige, alis na ako.." nakangiti niya pang sabi at patakbong umalis..

Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya..

"HOY!!!!!!"

Nagulat ako nang may humawak sa akin at nakita ko ang mukha ni Bernard..

Tiningnan ko siya nang masama at ibinalik ang tingin ko dun sa babae na kasalukuyang pumipili nang damit habang kausap ang sales lady

nakangiti pa rin siya, napatingin naman si Bernard sa kung saan ako nakatingin..

Kumunot ang mga noo niya at parang bigla nagbago ang expression sa mukha niya,

Wag niyang sabihing naiinggit siya sa ganda nang babaeng yun?

Baka naman gusto niya din maging maganda?

O_O

"Sinusundan mo ba ako??"

Napatingin siya sa akin at bigla nawala ang kunot dun sa mukha niya at ngumiti siya nang matamis..

"Hindi ahh, sadyang tadhana lang talaga natin ang magkita.. do you believe in faith??" nakangisi niyang sabi..

napangiti ako dahil sa sinabi niya, ang lalaking to masyadong pasaway kaya tuloy hindi ko mapigilan ang ngumiti..

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon