*Shocks*
Joven Kang Pov
Napalibot ang tingin ko sa J4 palce, at napabuntonghinga ako nang malalim,
ang planong mag dinner hindi natuloy dahil lahat kami hindi mapakali..
Nakaupo ako sa may isang sulok habang pinagmamasdan lang si Jhonny na kanina pa pabalik-balik sa kakalakad..
Nahihilo na nga ako sa kanya ei..
Si Janeille naman nakaupo habang nakayuko ang mga ulo na parang umiiyak pero alam kung hindi naman siya umiiyak..
Baka mamaya nga aangat na ang ulo niyan at ngingiti na , ganyan naman si Janeille ei dinadaan lahat sa ngiti at hindi nga ako nagkamali,
umangat ang ulo niya at ngumiti..
"Hoy abnoy tumigil ka na nga sa kakalakad mo baka mamaya tumumba ka na diyan dahil nahilo ka na.."
"Tumahimik ka!" sigaw naman ni Jhonny..
Hay ang dalawang abnormal..
Bumaling naman ang tingin ko kay Julius na tahimik lang, ano naman kaya ang iniisip niya?
Nasa tabi naman niya si Megan na parang takot na takot pa rin habang kagat-kagat ang dulo nang daliri niya,.
Kahit ako naman masyado rin akong na shock sa nangyari..
Nilingon ko si alexa na nasa left side ko nang marinig ko ang pag singhap niya..
Pinagmasdan ko lang siya, kanina pa siya tahimik habang nakatingin lang sa semento nang J4 place, or baka naman may nakikita siyang kayamanan diyan..:)
Pero alam kung sa aming lahat si alexa ang mas naaapektohan sa mga nangyari..
Hindi ko inakalang may side na ganun si Matheo..
Sabi sa akin ni alexa 10 years na silang magkaibigan kaya siguro nagulat talaga siya sa nalaman niya..
Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang matagal mo nang kaibigan ay isang mafia repear?
Tinanung namin si alexa kanina pagkarating pa lang namin sa J4 place
kung anong nangyayari kay matheo..
"Isa siyang mafia repear.." yung mga salitang yun alam kung nagpasabog sa puso niya..
Mafia Repear?
Tss.. hindi ko inakalang nag eexist pala talaga yan ..
anong malay ko sa mga mafia repear na yan, pero kapag naririnig ko ang salitang yan..
isa lang ang pumapasok sa isipan ko..
Isa silang masasamang tao..
Si Lalaine, alam niya kaya ang tungkol kay Matheo?
Alam ko na isa lamang simpleng gangster si lalaine pero possible naman na alam niya ang tungkol kay Matheo dahil nasa iisang mundo sila..
Pero kung alam niya bakit wala siyang sinasabi..
"Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.." narinig kong sabi ni alex kaya nilapitan ko siya at niyakap..
"Wag ka nang mag isip nang kung ano, kilala mo si matheo alam mong hindi siya masamang tao alex.." sabi ko sa kanya..
"Pero isa siyang mafia repear, kung isa siyang mafia mas may alam siya tungkol kay Sarah pero bakit wala siyang sinabi at mabuti na lang andiyan si lalaine.."
Napakunot rin ang mga noo ko..
Bakit nga ba? nung mga panahong nawala si Alexa dahil sa kagagawan ni sarah hindi nagpakita sa amin si matheo ni hindi nga siya tumulong..
Ei mas may lakas naman siyang tumulong..
"Hindi kaya magkakampi sila??" biglang sabi ni Julius..
Tiningnan ko naman siya nang masama..
"Masyadong cliche yang naiisip mo.." sabi sa kanya ni Megan na sumimangot..
" Kung hindi siya masamang tao, may binaril siya at napatay niya yun.." sabi naman ni alexa sa mahinang boses..
Naalala ko yung nangyari, yung pagbaril ni Matheo sa lalaking nagtatago pala sa isang puno..
Panu niya kaya nalaman na may tao dun..
At tsaka sino yun at bakit siya sinusundan ?
Para na kaming nasa isang movie dahil sa mga nangyayari..
Kinikilabutan tuloy ako.. "_*
"Si Jino asan??" biglang sigaw ni janeille kaya napatingin kaming lahat sa kanya..
"Nagpaalam siya kanina sa atin na hindi siya makakasabay dahil may dinner sila nang kapatid niya, bakit naman bigla mo siya naisingit sa usapan??" -Jhonny
"Bakit?" tanong ko sa kanya..
Tumayo pa siya..
"Baka mapahamak siya, baka nasa panganib ang buhay niya.." Nagpapanick niya namang sabi..
Kumunot tuloy ang mga noo ko..
"Panu mo naman nasabi na nasa panganib siya ei wala nga siyang alam sa nakita natin baka tayo pa ang nasa panganib.." sabi ko sa kanya..
Napakamot naman siya sa may bangs niya at ngumiti nang tabingi..
"Hindi ko rin alam kung bakit naisip ko yun ei, bigla ko na lang nasabi.." nakangiwi niyang sabi.
*PAK*
"aray! ano ba abnoy ka! ano bang problema mo..at nanapak ka.." sigaw ni janeille kay Jhonny..
"Para ka kasing baliw diyan ei kung ano-ano pinagsasabi mo na walang kwenta.." pinalakihan pa ni jhonny nang mata si janeille..
Napailing na lang tuloy ako..
Sasabihin kaya namin to kay Jino?
Baka mamaya mas lalong mag init ang ulo nun kay Matheo..
Diba nga nagkainitan pa lang silang dalawa nung engagement party?
Tanungin na lang kaya namin si Lalaine tungkol dito?
Baka sakaling may isasagot siya sa amin..
BINABASA MO ANG
*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)
Mistero / Thriller"Everyone of us wear a mask." Everything that is happening to you will reveal who really you are in the END. Who is the real devil behind everything ?