CHAPTER 15

34 0 0
                                    

*Mafia Repear?*

Jino Pov

"Kuya Mike....!!!" sigaw ni Jeane sa lalaking kararating lang ..

Inabot ko sa kanya ang kamay ko at nagkamay kami..

"Kumusta ka na??" pagtatanong ko sa kanya..

"Perfectly fine.." nakangiti niyang sabi..

"Bakit ngayon ka lang pumunta rito kuya mike??" tanong ni Jeane na yumakap pa sa bewang ni mike..

Hinawakan naman ni mike ang mukha ni Jeane..

"Lumaki kang maganda ha.." nakangiti niya namang sabi kay Jeane..

Kung close kami ni mike close din siya kay Jeane, mukha ngang mas close silang dalawa ei..

He is Mike Jun.. anak siya nang kapatid nang papa ko na si Tito Roman..

Mag kasing edad lang kaming dalawa pero matagal na ring panahon na hindi kami nagkita..

Siguro yung last time na nagkita kami ay nung highschool pa ako hindi ko na maalala kung kelan talaga yun nang umalis siya sa pilipinas nang mamatay ang pamilya niya..

"Lumabas kaya tayo.." sabi sa akin ni mike na tinapik pa ang balikat ko..

"Hindi ka ba napapagod?? " tanong ko sa kanya..

Umiling siya..

"May usapan kasi kami nang J4 ngayon kailangan kung pumunta dahil hindi ako nakasama nung isang araw.." nagkunwari siyang malungkot..

"Kapag J4 talaga lagi mo akong pinagpapalit.." nakanguso niyang sabi, napangiti na lang ako..

"Oo nga naman kuya, ngayon na nga lang natin nakasama si Kuya mike ei kaya sumama ka na muna sa amin.." sabay kaming napatingin ni mike kay Jeane..

At sabay pa kaming nagsalita..

"Sinabi ba naming sasama ka??" nakangisi pa kaming dalawa niyan, napakamot naman sa ulo si Jeane..

"Eh.. gusto ko sumama.." nanghihimotok naman niyang sabi..

Ginulo ko ang buhok ni Jeane tapos kumunot ang mga noo ko nang mamutla siya.

Oh? ano naman ang nangyari sa kanya at namutla siya bigla nang guluhin ko buhok niya..?

Hinila niya kaming dalawa ni mike palabas nang bahay..

"Gusto ko sa jollibe.."

"Jolibbe???" sabay naman na sabi naman ni Mike..

Tumango naman si Jeane at hinihila na kami papasok sa may Jollibe..

Pambihira naman, ano namang kakainin namin diyan?

Fries at burger?

tssssss..... :) ayaw ko nang jollibe ei nagiging bata ako tingnan . hindi bagay sa akin *_*

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon