Lalaine POV
Bumontonghininga ako bago ako nagpasyang pumasok sa loob. .
Nakatalikod si boss at para bang slow motion pa yung pagharap niya.
Kumunot sa simula yung noo niya at bago ngumisi nang nakakatakot.
"Hindi ko akalaing may katigasan kang taglay Lalaine Gu, sa kabila nang nangyari sayo nagkalakas loob ka pa ring magpakita sa akin."
"Matagal na ako sa mundong ito kaya bakit ako matatakot sa maaaring mangyari, at isa pa walang magagawa ang isang katulad mo sa tulad ko baka din nakakalimutan mong
isa ako sa importanteng alas na hawak mo, kaya mo ba akong bitawan dahil sa nalalaman ko?"
Nagulat ako sa biglang paghalakhak niya nang malakas.
"Pinapanhanga mo ako sa kayabangan mo, ganun ba kalakas ang loob mo para sabihin sa aking isa kang importanteng tao?"
"Hindi ba?" Nanghahamon ko namang sabi sa kanya.
Tumalim ang tingin niya sa akin bago siya umiling.
"Kung hindi lamang dahil sa KANYA baka matagal ko nang kinitil ang buhay mo, swerte na rin ata at malaki ang kapit mo sa mafia haji. Pasalamat ka at isa
ka sa taong pinahahalagahan niya."
Biglang umarko ang kilay ko, mas lalo akong na curious sa kung sino man ang tinutukoy nang hayop na ito.
Wala akong ibang taong naiisip kung sino ang boss nang mafia haji at naging mahalagang tao pa ako.
Subrang gusto ko nang malaman ang katotohanan.
"Gusto mong malaman?" nakangisi naman siya sa akin.
Tinawanan ko siya.
"Mukha bang gusto kong malaman, I dont even care who is that devil you are talking about, just tell me who kill my parents?" parang bored na sabi ko sa kanya na para
bang wala akong paki alam sa taong tinutukoy niya.
"What if, sabihin ko sayong kapag nakilala mo na ang taong nasa likod nang mafia haji, kapag nakilala mo na ang taong subrang duwag ipakita ang mukha niya dahil
sa tulad mo, makikilala mo na rin kung sino ang pumatay sa pamilya mo. Dahil ang taong yun ang pumatay sa pamilya mo.." tapos ngumisi na naman siya.
Napatagis ako nang bagang ko.
Pinagloloko niya ba ako sa sinasabi niya!
Paano mangyayaring ang taong tinutukoy niya na pinapahalagahan ako ay ang taong pumatay sa pamilya ko.
"Ayaw mong maniwala?"
"Huwag niyo akong paglaruan!!"
"Oh Lalaine, I never play a game here, I am always serious."
BINABASA MO ANG
*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)
Mystère / Thriller"Everyone of us wear a mask." Everything that is happening to you will reveal who really you are in the END. Who is the real devil behind everything ?