CHAPTER 1

101 0 0
                                    

Lalaine Pov

*Nightmare*

"Gusto ko niyan ate.." nakangiting pag kausap sa akin ni Shaina..

Tinuturo niya yung ice cream na ube flavor.

"Talaga? so mukhang idol mo si ate dahil kung anong gusto ko gusto mo rin??"

Ngumiti lang siya sa akin at nag thumbs up..

Kulit lang nang lahi..

Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo yun sumimangot naman siya dahil sa ginawa ko at tinampal ang kamay ko..

"Kainis ka naman ate ei, sinira mo ang hairstyle ko.." tumawa lang ako habang siya nakasimangot pa rin,

pabiro kong hinimas yung kamay ko na tinampal niya..

"Para sa isang 8 year old na bata bakit ang bigat na nang kamay mo??"

"Bakit ba? si Shaine din naman ahh mabigat din ang kamay niya.." nakabusangot pa rin siya..

Shaine is her twin brother..

Shaina and Shaine are my angel in life..

"Gusto mo pa ba nang ice cream??"

"Opo.." tumatalon niyang sabi..

"Pabili po .." sabi ko dun sa tindera..

pagkatapos abutin ni shaina yung ice cream hinawakan niya ako sa kamay at hinila at dahil malaki na ako hindi niya ako mahila-hila..

"Bilis naman ate, ang bagal mo.."

"Pwede naman kasi akong maglakad kaya bakit mo pa ako hinihila??"

"Ei kasi gusto ko painggitin si Shaine dahil binilhan mo ako nito, alam mo bang favorite niya din kaya to, pati nila mama at papa.."

Sus, kaya naman pala ..

sige na pagbigyan na natin..

Nasa Echanted Kingdom kami para sa family bonding at dahil hinila ako ni Shaina kaya napahiwalay kami kina mama, papa at Shaine..

Nakangiti kami habang tumatakbo papunta sa isang ride dahil andun sila at hinihintay kami,

panigurado nakabusangot ngayon si Shaine kapag benelatan siya ni Shaina habang may hawak na ice cream..

At sasabihin niyang..

"Ang daya mo talaga ate bakit ako walang ice cream.."

Pero napahinto ako sa pagtakbo at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Shaina..

Dahil sa mga sigawan nang tao na nagtatakbohan at halos walang pakialam na binabangga kami..

"Ate, ano pong nagyayari??" natatakot na sabi ni Shaina..

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa maliliit niyang kamay..

"Sunog!Sunog! Sunog!" narinig kong sigawan nang mga tao..

Pero hindi ako umalis na kinatatayuan ko at unti-unti kong naramdaman ang pang-iinit nang aking mata /..

"Ate.. alis na tayo.." narinig kong sabi ni Shaina..

Pero napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko..

Nasa isang rooler coaster ang pamilya ko habang magkayakap, at nakikita ko sa kinatatayuan ko ang pag iyak ni Shaine, at ang takot sa mga mata niya..

Lumalaki na yung sunog..

Halatang tumigil ang ride kaya nanatili sa taas ang pamilya ko, hindi lang pala sila, maraming magpapamilya ang nakasakay..

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon