Lalaine Pov
Ano bang ginagawa ko rito? naiinis kong tanong sa sarili ko, nababaliw na ata ako. wala ako sa lugar na to dapat, ang dapat umuwi na ako hanggat wala pang nakakapansin sa akin.
Pinukpok ko pa yung ulo ko..
Tatalikod na sana ako palabas nang may matigas na bagay akong nabangga..
Napaangat ang tingin ko dahil mas matangkad siya sa akin nang kunti..
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakangising tanong sa akin ni Matheo..
"Umalis ka diyan.." naiinis kong sabi sa kanya..
"Narito ka na kaya bakit mo naman tatangkain na umalis? bakit hindi mo na lang eenjoy yung party.."
"Sabi nang alis.."
Hinawakan niya lang ang balikat ko at ihinarap ako ulit sa mga tao..pinilit kong makawala pero malakas siya kaya wala akong nagawa kundi tingnan lang siya nang masama..
Ngumuso siya sa kinaroroonan ni Alexa at Joven na kasalukuyan nang nakatingin sa direksiyon namin at nakangiti pa si alexa..
"Kita mo? kaya bakit ka pa aalis? kung alam na nilang andito ka?"
"Bitawan mo na ako.." matigas kong sabi sa kanya..
Binitiwan niya naman akong may ngiti sa mga labi.. ngiting sarkastiko, napailing na lang ako, kung titingnan mo si matheo hindi mo iisipin na isa rin pala siyang demonyo..
Dahil sa harap nang ibang tao especially kay alexa para siyang isang kawawang anghel na inaapi nang isang devil pero ang totoo naman siya ang devil na nangaapi nang isang anghel.. kahit alam kong hindi niya intensiyon na lokohin si alexa pero yun na ang nangyayari.. ang kilalang matheo ni alexa ay malayong-malayo sa totoong matheo..
Dahil isa si matheo sa mga taong nag tatago sa isang magandang mascara nakakadisappoint lang at isa siya sa mga taong yun..
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin??" tiningnan niya ako nang masama na para bang wala akong karapatang tingnan siya tulad nang ginagawa ko ngayon..
"Bakit??" tanging tanong ko sa kanya, kumunot naman ang mga noo niya..
"huh??" tumingin ako sa direksiyon ni alexa ..
"Bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang totoo mong pagkatao??"
Tumingin rin siya sa direksiyon kung saan ako nakatingin..
"Dahil ayaw kong malaman niya dahil ayaw ko na yun pa ang maging dahilan at matakot siya sa akin, malayo na ang agwat namin sa isat-isa pero ni minsan hindi niya yun inisip dahil para sa kanya isa akong mabait na kaibigan , natatakot akong kapag nalaman niya ang totoo mawala siya sa buhay ko.." napatingin ako sa mga mata niya dahil nakaramdam ako nang lungkot sa boses niya nung magsalita siya..
Naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin siya sa akin..
Bigla na lang nawala ang lungkot na makikita mo sa kanya..
Si matheo? sa tingin ko magkapareho kaming dalawa.. isa siyang masamang taong tulad ko pero sa kabila nang kasamaang yun nakatago ang lungkot at pangungulila.. napakurap ako nang maging mabagsik ang tingin niya..
"Wag mo akong tingnan na parang naiintindihan mo ang nararamdaman ko.."
"wala akong sinabing ganun.." nagkibit ako nang balikat..
ilang minuto kaming natahimik..
"Pero darating din yung araw na malalaman niya rin ang totoo.." mahina kong sabi..

BINABASA MO ANG
*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)
Misterio / Suspenso"Everyone of us wear a mask." Everything that is happening to you will reveal who really you are in the END. Who is the real devil behind everything ?