*J4 is the TARGET*
Jino Pov
"Oh hi alexa.." pag bati ko kay alexa, nasa empire university ako may klasi kami ngayon at hindi ako nakasabay sa pagpasok sa J3 kasi
naglambing sa akin si bunsoy na samahan siyang mag breakfast at dahil mahal ko siya kaya hindi ako makahindi..
Nagtaka ako nang nilagpasan niya lang ako at parang zombie na naglakad, tulala siya..
Ano naman kaya ang nangyari sa kanya?
May problema ba sila ni Joven kaya ba hindi siya kasama nang J3? at kaya ba para siyang zombie ?
Hinabol ko siya at hinawakan ..
baka mamaya maisipan niyang pang lumundag sa rooftop ..
"Hoy!!!!"
"ha? ha?" kumukurap niya pang sabi..
"Anong nangyayari sayo? bakit mukha ka nang zombie? waaaaaaaa!! baka nga zombie ka na!!!" napahawak pa ako sa katawan ko na parang takot na takot..
Sinapak niya ako kaya napapout na lang ako..
"Isip bata ka talaga, hindi kasi ako nakatulog kagabi.." humawak siya sa mukha niya na parang naghilamos..
Tumingin ako sa paligid at bumulong sa kanya..
"Gumawa na ba kayo nang baby ni Joven.."
ouch.. sinapak niya po ako ulit..
Bakit ba lagi na lang nila akong sinasapak, gwapo naman ako ahh..
"puro ka talaga kalokohan.."
"Yow!!!" sabay kaming napalingon sa J3 at tumingin nang masama kay Julius..
May pa Yow Yow pa siyang nalalaman , ang feeling talaga nang pervert na to..
"Bakit kayo magkasama??" tanong ni Joven na kumunot ang noo..
Ayan na naman ang tingin niya..
pareho talaga silang dalawa ni Jhonny, pati ang gwapo kong mukha lagi nilang pinagseselosan..
Para namang type ko ang mga girlfriend nila..
Pero crush ko si Janeille. *o*
wag kayong maingay, wag niyo ko isumbong kay Jhonny baka mamaya hindi na ako makapananching kay Janeille..
joki joki lang.. :)
"waaaaaa. anong nangyari sa mukha mo alex??" napatingin ako kay savior janeille nang sumigaw siya..
"hindi kasi ako nakatulog.." sabi naman ni alexa..
Lumapit naman sa kanya si Joven at hinawakan ang muha niya..
"May problema ka ba??" umiling naman si alexa kaya hinalikan siya ni Joven sa ulo..
Napailing ako..
BINABASA MO ANG
*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)
Mystery / Thriller"Everyone of us wear a mask." Everything that is happening to you will reveal who really you are in the END. Who is the real devil behind everything ?