*Imagination*
Lalaine Pov
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko..at kinurap pa yun nang medyo naging malabo ang paningin ko..
Napahawak ako sa balikat ko nang kumirot yun at napatingin sa lalaking nasa harapan ko..
"ayos ka na ba? kumusta na ang pakiramdam mo??"
"Bernard.." mahina kong banggit sa pangalan niya..
tinuro niya pa ang sarili niya...
"Oo tama ako nga. hay salamat at okay ka na.."
Napatingin ako sa may right side ko at nakita ko si matheo na prenteng nakaupo at natingin sa akin na nakakunot ang mga noo..
"Anong nangyari??"
"Hindi mo naalala? na baril ka.." sabi naman ni Bernard..
"Alam ko.., ang ibig kong sabihin paano niyo ako nakita? at asan ako?"
"Nakita ka ni matheo sa may gitna nang trasilvinia na parang isang hayop na itinapon, buti na lang nakita ka niya, nasa bahay ka niya.."
Bahay ni matheo? napailing ako at nilibot ang paningin sa loob nang kwarto..
Marami talagang bagay ang itinatago nang isang matheo, bakit siya nag titiis sa isang masikip na lugar kung may isang palasyo pala siya..
"Wala ka ba talagang naaalala sa mga nangyari?" seryosong tanong ni matheo..
Natigilan ako, bakit ko naman makakalimutan yung nangyari?
Na halos sumabog ang puso ko nang barilin ako ni boss,
at ang makita ang mga matang yun..
Pero paanong nangyari na andun siya? hindi kaya nagmamalikmata lang ako?
Hindi kasi ako makapaniwala sa nakita ko.. or maaring nag kamali lang ako or kapareho lang nang mga mata niya yung lalaki..
Pero bakit pati boses kaparehong-pareho sa kanya?
"Buti na lang natanggal ni matheo yung bala sa balikat mo.."
Napatingin ako kay Bernard bago tumingin kay matheo..
"Ikaw ang tumanggal nang bala sa katawan ko??"
"Bakit? sino ba sa tingin mo ang nag tanggal nang bala Lalaine? may ibang tao ba ang tumulong sayo??"
"Ha? wala.." sabi ko sa kanya na iniwas ang mga tingin ko..
Ibig sabihin nag mamalikmata nga lang ako..
Dahil ang totoo si matheo ang tumulong sa akin at hindi siya..
"Alam mo bang masyado mo kaming pinag alala, halos maisip na nga namin na dalhin ka sa ospital buti na lang napigilan ko si matheo.."
"Sana dinala niyo na lang ako sa ospital, naistorbo ko pa tuloy kayo.." padabog na tumayo si matheo mula sa kinauupuan niya..
BINABASA MO ANG
*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)
Misteri / Thriller"Everyone of us wear a mask." Everything that is happening to you will reveal who really you are in the END. Who is the real devil behind everything ?