CHAPTER 16

27 1 0
                                    

*Kapahamakan*

Lalaine Pov

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito sa bahay ko ??" naiinis ko nang sabi, akala ko tapos na ako sa pag proproblema kay Jino pero

ito na naman po siya sa harapan ko, ano bang gusto nang lalaking to?

Gusto niya na ba talaga mamatay nang maaga?

Naiinis na talaga ako sa kanya..

"mag usap tayo.." seryoso niyang sabi sa akin..

kaya napatanga ako, napapatanga talaga ako kapag kinakausap ako ni Jino sa seryosong tono para bang may mangyayari na namang hindi maganda..

"ano na naman ba ang pag uusapan natin? paulit-ulit na lang tayo dito Jino ei hindi ka ba nagsasawa sa pangungulit mo?"

kumunot ang mga noo niya..

"hindi ako pumunta rito para sa kung ano pa man, hindi ikaw ang sadya ko may gusto lang akong malaman.."

Tumawa ako nang sarkastiko..

"talaga? hindi ka mangungulit tungkol diyan sa lintik na pagmamahal mo? ano naman ang ibang bagay na maari pa nating pag uusapan??"

Tumawa rin siya nang sarkastiko kaya napakunot ang mga noo ko..

Para kasing hindi si Jino ang kaharap ko ngayon..

Para siyang ibang tao..

"Wag kang masyadong assuming Lalaine Gu, akala mo naman talaga seryoso ako sa mga pinagsasabi ko sayo.." umiling-iling pa siya..

natahimik ako sa sinabi niya..

Hindi seryoso?

ano bang pinagsasabi niya?

"Wag kang mag alala. ni minsan hindi mo na maririnig galing sa labi ko ang mga nasabi ko nuon sayo, masyado lang ata akong nadala nun sa pagiging isip bata ko at hindi nag isip na

hindi ka karapat-dapat mahalin, dahil isa kang hopeless at walang kwentang babae kaya bakit naman ako mag aaksaya nang oras sa isang tulad mo??"

Kumirot ang puso ko pero tumitig lang ako sa kanya na parang balewala at wala akong pakialam sa mga sinabi niya..

Na para bang sinasabi ko sa mga titig ko sa kanya na -im-not-asking-and-the-hell-i-care..

Napakibit siya nang balikat niya at tumingin sa akin anng seryoso..

"Ano ba ang gusto mong sabihin at may gagawin pa kasi ako, dalian mo lang dahil----"

"Alam mo bang isang mafia repear si matheo??" napatigil ako sa tanong niya at mabilis ko siyang nahila sa loob ang bahay..

"Bitawan mo ako.." mariin niyang sabi kaya binitawan ko siya nang marahas pagkatapos kong maisara ang pinto..

"Ano sa tingin mo ang mga pinagsasabi mo!!?"

"Im just asking kung may alam ka bang isa siyang mafia repear??"

Nawalan ako nang imik..

Panu niya nalaman ang tungkol kay matheo?

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon