CHAPTER 18

23 1 0
                                    

*Bodyguard*

Lalaine Pov


Napahinto ako sa paglalakad at nakasimangot na tumingin kay Bernard, para siyang aso na kanina pa nakabuntot sa akin..

Sarap niya nang sakalin *......*


"Hindi ka ba talaga titigil sa kakasunod sa akin??"


"Sinong may sabing sumusunod ako??"


"Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo??"


"Sinasabayan kita hindi sinusundan.." nakangiti niyang sabi sa akin..


"Hay ewan ko sayo.."


Naglakad na ako ulit , nasa market ako para bumili nang makakain..

Marahas ulit akong napalingon sa kanya nang may initsa siya sa lagayan nang grocery..


"Ano ba yan??" pagtatanong ko.


"Spaghette.." nakangiti pa rin siya..


"Alisin mo yan diyan, ayaw ko niyan.."


"Pero gusto ko nito ei, magluluto tayo mamaya.."


"tatanggalin mo ba yan o ikaw mismo ang tatanggalan ko nang mukha??"


"Whoooaaa.. ang cool mo talagang babae, oo na tatanggalin ko na.."


"Wag ka ngang magulo sa akin akala ko ba nakikisabay ka lang kaya bakit feeling close ka naman??"


"close naman talaga tayo ei.."


"ang——"



"Lalaine..." sabay kaming napalingon ni Bernard sa taong tumawag sa akin..


"anong ginagawa mo rito??" tanong ni Bernard kay alexa kaya napatingin ako kay bernard na parang natatanong kung bakit niya kilala si alexa?


"Ahh siya ba??*sabay turo kay alexa* nakita ko kasi siyang kasama si matheo yung time na——"


"Yeah i know him.." singit ni alexa sa usapan..


"Bakit ka narito??" tanong ko kay alexa, malayo naman kasi tong market sa bahay nila or sa J4 place..


"Friday kasi ngayon at may free test, dito ako palagi kapag free test kasama si Matheo.." naging malungkot ang boses niya nang banggitin niya si matheo kaya naiintindihan ko..


"Ah ganun ba.." 


"Kasama ko si Jino.."

*BOYS OVER FLOWERS* Series 4 ( MY GANGSTER GIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon