Chapter 5: Campus Bitches

91 6 0
                                    

SEVEN CAMERON

Andito ako sa dorm naaalala parin ang nangyari kay Cassandra tsaka kay Almira

Oo, alam kong masakit masipa sa mukha pero alam ko din naman reason ni Cassandra eh, napuno lang siya ng galit dahil nasaktan si Sachiko

Alam ko din na walang respeto kapag sinipa mo mukha ng isang tao unless may battle kayo or kalaban. Gets ko din naman hindi niya sinadya iyon kaya binalewala ko lang. Nakita ko siyang uniiyak kaya niyakap ko siya

*Flashback*

Tumigil ako ng makarating kami sa soccer field. Humarap ako sa kanya pero naka yuko lang siya

Wala akong pake kung may mga players or mga naka upo sa bench at makita kami pero gusto ko marinig panig niya

Nilalaro niya daliri niya at alam ko ang gesture nayan, kinakabahan siya sa anong masasabi ko

"Cass, Alam mo naman diba masakit masipa sa mismong MUKHA pa" diniin ko yung salitang mukha

Tinignan niya ako at pilit hindi maiyak "S-sorry" naiiyak niyang sabi tsaka dahan-dahan hinawakan dalawang kamay ko "I'm really s-sorry"

Medyo ginulo ko buhok ko dahil hindi ko gets nararamdaman ko ngayon.

Kahit matagal na kaming break ni Almira stranded pa rin ako sa kanya, nalilito nga ako kung mahal ko paba siya or hindi na "Cass, Alam mong medyo masakit sa part ko na ex ko sinaktan mo pero bakit mo ba ginawa yun?"

"I swear, Seven. H-hindi ko sinadya iyon, nadala l-lang ako sa galit, D-dahil a-ayaw kong maramdaman ni Sachiko n-naramdaman ko.. y-yung sinaktan tapos wala man lang tumulong"

Bigla akong nanlambot "Shh, hey, hey wag ka ng umiyak" sabi ko tsaka kinuha panyo ko at pinunasan mga mata niya

"Hindi naman ako galit, medyo nasaktan lang ako dahil si Almira sinaktan mo, Shh wag kana umiyak, Tahan na"

Umiling siya sakin "A-alam ko galit ka dahil ex mo sinaktan ko, please f-forgive me"

Niyakap ko siya tsaka hinayaan umiyak "Please don't cry, I forgive you now kaya tahan na, Cass. Tsaka ano pala ibig mo sabihin na ayaw mo maramdaman ni Sachi naramdaman mo"

Lalo siyang umiyak kaya niyakap ko siya ng mahigpit "okay, Okay don't mention it kung ano nangyari noon wag mo na imention, Tahan na"

*End of Flashback*

Dahil seguro sa past ni Cassandra kaya niya nasipa si Almira. Kawawa din naman si Almira biglang sinipa wala man lang pasabi si Cassandra, kung sinabihan man ay kawawa pa rin siya

"Hay nako"

napatingin ako sa biglang pumasok sa dorm at agad humiga si Kier sa kama niya "Ewan ko talaga sa mga babae minsan , mga topakin" reklamo niya kaya medyo napatawa ako

"Bakit? ano ba nangyari,Kier?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin "Teka, tungkol ba kay Lala?" pang-asar ko sa kanya at lalo akong natawa ng pinakyuhan niya ako

"Hindi siya, Si Sachiko kasi parang ewan kanina masaya tapos biglang nag bad mood tapos ngayon ayon gusto akong saktan" reklamo niya tsaka umupo "topakin talaga ang babaeng yun"

"Ayieee! Ikaw ah sino ba mas magulo si Lala or si Sachi?" natatawang tanong ko at napatawa ng malakas ng inirapan niya ako "Chill, biro lang naman eh"

"Sachi.." Nagkatinginan kami kaya napakunot ako ng noo "Honestly, kahit topakin si Sachiko ramdam ko mabait siya"

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Malakas na sunod-sunod na katok "Oo eto na! Teka, Sandali lang!" Binuksan ko ito tsaka nakita si Sachiko na sobrang sama ng tingin"Oh, Si Kier ba hanap mo?" Tanong ko

Gangsters Chaos 1: Love in usWhere stories live. Discover now