SACHIKO REESE
Hindi ako makatulog ng maayos dahil hindi pa umuuwi si Eliza. Ano kaya nangyari sa kanya? Alam kong matapang siyang babae pero the fact na wala siya dito parang hindi ko makalma sarili ko
Hindi kami pumasok dahil sinabi namin kay Tita Trina nangyari samin. Bago kami pinayagan ay pinagalitan muna kami bakit daw nilabag namin ang curfew
"Hindi siya macontact" saad ni Xavienna habang paulit-ulit tinatawagan si Eliza pero walang sumasagot
"Baka naiwan niya cellphone niya kaya hindi niya masagot" sambit naman ni Cassandra
Tama! May point siya. Si Eliza yung tipong tao kahit unknown number sasagotin niya parin ang tawag
Baka sila Kier may alam kung nasaan pumunta si Eliza. Baka lang kasi nakita nila siya bago siya nawala
"Hello?" Tanong ni Cassandra kaya napakunot kami ng noo ni Xavienna. She mouted 'Master Erisa' kaya agad kaming lumapit sa kanya
[I tracked Eliza's phone pero pinapakita dito na nasa labas ng school niyo ang cellphone niya. Prolly naiwan niya but don't worry I am looking for her ]
"Lola, may tanong po ako. Sino po yung mysteryosong taong minsan nasa school namin tuwing gabi?" Tanong ni Xavienna
[For that question, I need you to investigate him. Andito ako sa boracay kasama si Master Serina-]
"Lola/Master Erisa naman eh!" Sabay naming sambit dahil hindi namin alam nasa boracay pala siya. Kailangan din namin ng summer vibes noh "Lola naman eh, sana sinabi niyo para kasama kami"
[Hep hep ! Makaka-boracay din kayo soon but for now kailangan niyo muna focus sa mission niyo. Sege na ibababa ko na ang tawag]
Napanguso kami dahil gusto rin namin maligo ng dagat. Binaba niya ang tawag kaya kinuha ko laptop ko
Kinuha ko headset tsaka kinnonect sa laptop at naglaro ako ng online games. Itinaas ko isang paa ko sa upuan dahil comfortable ako sa posisyon na ito
Wala akong pake kung may pinag-usapan ba sila or wala basta focus lang ako sa game. Isang shooting game nilalaro ko, madami kami sa laro at kailangan makapasok ako sa survivor list kung hindi ay talo ako
I need time to relax myself from all that's happening right now"yes go go! Ayon woh-" sisigaw na sana ako pero tinangal ni Xav isang piraso ng headset ko
"Gaga, maya na muna yang laro mo, makinig ka muna sakin" saad ni Xavienna pero binalik ko headset ko
"Last round na to, Pinsan. Teka lang kasi tataposin ko muna to promise makikinig ako"
Kung kelan last round na doon na siya mag-iingay. Promise ko naman sa kanya papakingan ko siya pero wag muna ngayon
Last round na ito ibig sabihin top 10 nalang, syempre magaling Sachiko niyo nasa top 6 ako
Napangisi ng makapasok ako sa top 5. Maliit nalang ang circle sa map which means safe zone. Kinakabahan ako dahil lima nalang kami either tig-dalawang member ang dalawang gropo or silang apat magkasama, solo lang kasi ako. Maganda tong online games , nakakawala ng stress maliban lang kung talo
"Ayon!" Sambit ko dahil nakapatay ako ng kalaban. Dalawa nalang kami. Medyo nakakakaba
Zinoom ko yung scope ko at nakita yung kalaban nagtatago sa bush kaya walang paligoy-ligoy ko siyang binaril
"Yes I won!" Sigaw ko sa saya at tinanggal headset ko tsaka humarap kina Xavienna at Cassandra pero wala na sila "hoy mga tukmol?"
"Nini! Cass!" Tawag ko sa kanila pero wala talagang sumagot. Tumayo ako at lumabas para hanapin sila
YOU ARE READING
Gangsters Chaos 1: Love in us
Fanfiction[Book1] In a world where aspiring gangsters undergo rigorous training in two elite departments, nine girls dream of joining the Heiress department, one of the most renowned in the Philippines. However, only four of them complete the training, embod...