Chapter 9: Clash

79 5 5
                                    

Credits to : PXRADISE_LXST for the amazing cover

AZAEL TRAVIS

Buong araw hindi ako makafocus sa klase. Iniisip ko lagi nangyari kay Austin dahil impossible madami ang kalaban na isa lang naman nakita sa laptop ko

Seguro hindi ko nakita dahil walang cctv sa labas ng academy, na hack ko cctv pero medyo natagalan ako. Sabi ni Austin madami sila so, sino sila?

At sabi ni Austin may 'boss' silang tinatawag kaya nalilito parin ako dahil wala pa kaming alam

could it possibly be Lala's family? Since mafia pareho ang pamilya niya.

Hindi naman ako pwede mag pinpoint dahil wala kaming ideya sino kalaban namin. Mismong si Austin nga walang alam dahil sa mga hood at maskara ng mga kalaban

Ang tinataka ko lang kung bakit nasama si Eliza. Ito pinakalitong parte sa ginawa namin, parang isang puzzle na hindi namin alam paano siya buohin

Is she a member of Monsta Queens?

Pero impossible din naman dahil hindi pa namin  personally na nakilala or nakita man lang ang Monster Queens

May namention din si Austin na may sinabi si Eliza tungkol sa pera. Baka nga may galit ang boss nila sa pamilya ni Eliza. We never know.

Gusto sana namin malaman document ng Monsta Queens pero ang hirap ihack ang security ng Heiress Department.

"Azi, you're not Listening again!" Reklamo ni Krisha kaya napabalik ako sa realidad at tinignan siya

Naalala ko andito pala kami sa garden at kasama ko siya dahil may isasabi siya sakin

"Ano, may sinabi ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil sa totoo lang iniisip ko talaga yung nangyari

Napairap siya tsaka napadaing  "You're not even listening to me grr, how would I— fine I'll just repeat it" reklamo niya tsaka inayos buhok niya

Tinignan ko siya para maisip niyang nakikinig ako sa kanya "Have you made up your mind tungkol sa sinabi ni Dad?"

Damn that agreement.

Why would I agree Krisha to be my girlfriend? I mean, Krisha is a package and a lot of men would want her because she's pretty and smart. She has the beauty and brain, but why me?

Sa lahat ng lalaking kakilala ni Krisha bakit ako? Bakit ako na ang hiling ko lang ay makita ko muli si Nini.

I promised Nini that she'll be the only girl I'll marry but I think promises are meant to be broken.

Napabuntong hininga ako at tumayo "It's too early for that, Krisha. Maybe we'll talk about it soon. Mauna na ako ah" sabi ko at umalis na

If only God knows how I really miss Nini so much.

Pumasok ako sa lobby tsaka umakyat sa hagdanan. Hinayaan ko sarili kong mga paa na maglakad dahil wala talaga akong alam saan ako pupunta

Napatigil ako sa library kaya naisipan kong pumasok. Bumugad sakin ang malamig na hangin sa aircon, finally some peace of mind.

Pumunta ako sa shelf tsaka naghanap ng magandang libro na pwede basahin. Kinuha ko ang libro tsaka maghahanap na sana ng table ng makita ko si Xavienna umuupo mag-isa at may binabasa

"Xav" mahina kong tawag sa kanya at napatingin siya sakin. Lumapit ako sa table niya "may umuupo ba dito?" Tanong ko kaya tinuro niya isa pang upuan

"Dito ka lang, kasama ko kasi si Sachi" sabi niya kaya umupo ako sa sinabi niyang upuan. Napahawak siya sa ulo niya, yung parang may masakit

Gangsters Chaos 1: Love in usWhere stories live. Discover now