AUSTIN SMITH
Naglalakad lang ako sa hallway ng may narinig akong kumakanta.
Cause you are the piece of me I wish I didn't need~
Ang ganda ng boses niya pero parang familiar sakin boses na yon. Pumunta ako sa music room at napansin medyo nakabukas ang pinto kaya pala umabot sa labas ang boses
Sound-proof ang music room pati ang dance studio room para hindi makagambala sa mga may klase. Bukas rin ito sa lahat maliban lang kung may section na gagamit
Mahina akong pumasok at nakita si Eliza nakacellphone habang kumakanta. Ang ganda ng boses niya, medyo deep pero kaya ang matataas na notes
Chasing relentlessly, still fight and I don't know why~
Pumasok ako tsaka umupo sa isang bench. Hinanda ko muna boses ko para sa next lyrics dahil alam ko kinakanta niya
If our love is tragedy, why are you my remedy?~
Kita ko gulat ng mukha niya, hindi niya inexpect sasali ako sa pagkanta niya, pero sino ba naman hindi madala sa maganda niyang boses
"Austin" tawag niya sa pangalan ko at ngumiti ng nakakahiya "kanina ka pa andiyan?" Tanong niya
Umiling ako "Hindi naman, kapasok ko lang tsaka narinig ko kasi boses mo sa labas kanina kaya nakisali ako, ang ganda ng boses mo"
Napahawak siya sa bibig niya "Oh my! Sorry, ang laki talaga ng bunganga ko"
Natawa ako sa sinabi niya, hindi naman malakas boses niya sadyang naiwan niya lang bukas ang music room "Naiwan mo kasi nakabukas ng konti ang pinto kaya ayon tsaka wag kang mag-aalala ayos lang"
Umupo siya sa isang upuan at napabuntong hininga, she looks sad. Lumapit ako sa kanya at tumabi "may problema ba?"
"Namiss ko lang kumanta" sagot niya tsaka tumingin sakin "Nga pala, pansin ko kanina ang ganda ng boses mo, kumakanta ka rin noh?"
Tumango ako sa tanong niya. Bigla ko naalala pagiging trainee ko sa REntertainment, halos araw-araw kami kumakanta at sumasayaw
Mula pagsilang ng araw hanggang sa paglubog ang araw nasa dance studio kami or kaya nasa music room. Kasama ko si Seven sa trainee days ko, siya pinakaclose ko sa companyang iyon. Minsan akala ng iba magkapatid kami dahil sa closeness namin
"Oo, pero hindi na gaano ngayon" sagot ko sa kanya. Dahil kasi sa inggit ng ibang member sa kapwa members ay umalis kami ni Seven
"Weh? Kanta ka nga, ibang kanta naman"
Napatingin ako sa kanya "Ayaw ko nga" natatawang sagot ko sa kanya at nakita ko naman napairap siya "Joke lang eto naman"
"And when the lights start flashing like a photo booth and the stars exploding we'll be fireproof" kanta ko at kita ko naman napangiti siya
Parang nagslow motion ang lahat ng makita ko yung ngiti niya. She really looks so cute kapag ngingiti siya. Her V shape face with cute face features, heart shaped lips, at medyo makapal at mahaba na pilik mata
"Maganda boses mo pero bakit hindi ka na kumakanta?" Napabalik ako sa realidad dahil sa tanong niya
Sinuklay ko buhok ko gamit kamay ko "Noon kasi habang nasa REntertainment pa ako ay halos araw-araw may vocal practice tas dance practice pero umalis ako eh" kwento ko sa kanya
"Ay sayang" sagot niya at napatingin sa akin "so paano yung naiwan?" Dagdag niyang tanong
Nagkibit balikat ako "ayon bagong banda pero konti lang kinuha nila para sa bagong boy group"
YOU ARE READING
Gangsters Chaos 1: Love in us
Fanfiction[Book1] In a world where aspiring gangsters undergo rigorous training in two elite departments, nine girls dream of joining the Heiress department, one of the most renowned in the Philippines. However, only four of them complete the training, embod...