ELIZA GISELLE
Nagising ako dahil sa konting ingay sa dorm. Napadilat ako tsaka tinignan saan galing ang ingay
"Sachi.. a-anong oras na?" Tanong ko sa kanya dahil inaantok pa ako. Ang aga naman niyang gumising, napatingin ako sa bintana pero medyo madilim pa "get back to—"
"Gising na Liezel, pupunta tayo sa Elite Department, wag kang mag-aalala may sasama satin" sagot niya kaya napakunot ako ng noo. Nang marealize ko sinabi niya ay agad akong napabangon
"Ano?!" Hindi ako makapaniwala dahil pupunta kami sa Elite Department. Napatayo ako tsaka agad pumasok sa banyo para maghanda
Pero teka bakit ngayong araw kami pupunta "Bakit ngayon? may pasok tayo"
"Basta, bilisan mo na lang" saad niya pa kaya napilitan akong magmadali. Pagkatapos ay agad akong lumabas tsaka kinuha uniform ko at sinuot ito. Kinuha ko bag ko tsaka nilagay cellphone ko pati wallet
Napatingin kami ng may kumatok sa pinto. Napakunot ako ng noo habang tinitignan siya dahil wala kaming alam sino kumatok since alas kwatro pa ng umaga "Ako na" saad ni Sachiko tsaka binuksan ang pinto. Pumasok naman si Xavienna tsaka si Cassandra na naka uniform din "Oh Xav, napaaga ka?"
"Kailangan kasi namin tumakas dahil curfew pa, remember alas singko ang end ng curfew" saad ni Xavienna kaya sinuot ko na bag ko
"Tara na?" Tanong ni Cassandra kaya tumango kami. Binuksan niya ang pinto tsaka sumilip muna "let's go" saad niya kaya sabay na kami umalis
Paglabas namin sa gate ay bumugad samin ang boys na naka simple outfit. Hindi sila naka uniform "Let's go" saad ni Azael ay nagsimula na kami maglakad
"Nagpaalam na ako kay Tita Trina na aalis tayo, kung walang pumasok sa inyo okay lang daw basta may excuse letter" saad ni Cassandra sakin kaya napatango naman kami
Pansin ko ring hindi nag-uusap sina Kier at si Sachiko, parang may kung anong energy sa kanila na hindi ko gets. Tahimik lang sila na parang may sariling mundo
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay naman sila tumingin sakin. Napatingin si Sachiko sa kanya saglit bago tumingin sakin
"Oo naman" sagot ni Kier tsaka naglakad nang mabilis para tumabi kay Austin. Medyo lumapit ako kay Sachiko dahil parang may hindi pagkakaintindihan ang dalawa. Ayos lang sana kung away aso't-pusa pero iba ngayon, parang ayaw talaga nila ang isa't-isa
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya at napangiti naman siya tsaka ngumiti
"Oo naman" saad niya kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa Elite Department ay biglang napatigil si Xavienna kaya napatingin ang lahat sa kanya
"May problema ba, Xav?" Tanong ni Seven sa kanya at napakunot naman ng noo si Xavienna habang sinusuri ang lugar
"Azi, diba dinala mo'ko noon dito? Tas sabi mo takpan mo eyes ko at baka may makita akong pandesal- ba iyon? " Tanong niya samin kaya napatingin ako kay Azael na napakalmot ng batok
"Woah woah, dinala ka niya rito?" Tanong ni Austin at napatango na siya
Hindi ko alam dinala pala niya dito si Xavienna, kung nalaman na sana namin ay for sure tatanongin namin siya ano feeling makapasok dito. Bawal kasi ang outsider dito unless under Elite department ka, si ate Yeeza pinayagan dahil nag-usap ang dalawang masters. Trainees and official Elite ganagters lang makakapasok
"Oo, Elite Dept nga" sagot ni Azael tsaka umuna na. Kita namin nanlaki mga mata ni Xavienna dahil hindi niya seguro akalain
"Let's go girls" saad ni Austin tsaka pumasok na. Pumasok kami sa elevator tsaka hinintay dumating kami sa floor. More on black and silver ang department nila.
YOU ARE READING
Gangsters Chaos 1: Love in us
Fanfiction[Book1] In a world where aspiring gangsters undergo rigorous training in two elite departments, nine girls dream of joining the Heiress department, one of the most renowned in the Philippines. However, only four of them complete the training, embod...