Chapter 28: Jealous

45 4 1
                                    

SACHIKO REESE

Kinabukasan ay pumasok na kami. "Lalalala" kanta ko habang naglalakad papunta sa locker area. Madami akong kailangan i-cope up dahil hindi ako nakapasok kahapon

Tumigil ako sa locker ko at binuksan ito. Kinuha ko libro ko tsaka isinara ng tapos ko nang makuha kinakailangan ko

"Sachi.."

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko tsaka nakita si Nathan dala-dala isang portfolio "Yes? Why?"

Napakunot ako ng noo ng may inalok siya. Yung hawak-hawak niyang portfolio na kulay blue "Sinabi kasi ni Kier sakin, kaya ka absent dahil tinulongan mo barkada ko nung lasing sila"

Nagdadalawang isip parin ako pero tinanggap ko ito tsaka tinignan laman "Notes yan sa kahapon na lesson, tsaka nag quiz kami kahapon. Don't worry sabi ni Sir yung mga absent raw kahapon bibigay ka lang daw ng excuse letter para alam niya at ma inform niya rin ibang teachers "

Nanlaki mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil medyo tumawa siya, sarap sana batokin kaso mas matangkad pa siya sakin. Napailing ako dahil bakit daming nangyari noong wala kami sa klase tapos kung nasa klase kami panay discussion lang

"Thank you nga pala dito" pasalamat ko sa kanya. Napatingin ako sa orasan ng tumunog ang bell "sabay nalang kaya tayo, parehas lang naman tayo ng subject diba?" Tanong ko at tumango naman siya

Sabay na kaming pumasok tsaka umupo na ako sa pwesto ko. Nilagay ko bag ko sa likod ko at napatingin ako kay Kier na nagcecellphone at binalewala lang na dumating na ako sa classroom

Binuklat ko ang portfolio tsaka nagbasa muna sa notes. Agad kong tinabi ang portfolio nang pumasok si Sir

"Good morning, Class. Let us have a oral recitation. Don't worry madali lang 'to" Anunsyo ni Sir kaya napatingin ako kay Kier na kalma lang nagbabasa sa libro niya. Napatingin ako kay Nathan tsaka napakunot ng noo dahil tinapik niya upuan katabi ng upuan niya

"Para maturuan kita, sit here, wala naman katabi ko" bulong niya kaya kinuha ko bag ko tsaka aalis na sana sa pwesto ko nang hinawakan ako ni Kier sa kamay

"Where do you think you're going?" Tanong niya tsaka hinila ako pabalik kaya napaupo ako sa upuan ko

"Ano ba, Kier?" Inis kong tanong sa kanya at tatayo na ulit pero hinawakan niya kamay ko "argh, let me go!" Mahina kong sigaw at napatingin kay Sir nang tinawag niya pangalan ko

"Sachiko Shimotsuki seems to be ready, okay here is the question"

Napatayo ako ng maigi tsaka sinamaan ng tingin si Kier bago tumingin kay Sir

"What is Biological Hazards? Just state your own idea "Tanong niya kaya nanlaki mata ko dahil absent ako sa araw nag discussion siya nito. Bwesit kasi tong si Kier, gusto kong tumabi kay Nathan dahil matuturuan niya ako eh ano ginawa pinabalik ako ayan tuloy ako tinawag "Ay naalala ko wala ka pala kahapon, any volunteer? Hati kayo sa twenty poin—"

Napatingin ako sa nagtaas ng kamay at sina Kier tsaka Nathan ito. Napafacepalm ako dahil sa lahat ng pwedeng sumagot sila pang dalawa

"Si Nathan po sir" saad ko at nakita ko ang sama ng tingin ni Kier sakin. Bagay lang sa kanya pinahiya niya ako kanina eh

"Okay Mr.Gutierrez, tig 10 points kayo dalawa. Again, What is Biological Hazards?" Tanong ni Sir kaya tinignan ko si Nathan na ngumiti sakin bago sumagot

"A biological hazard, or biohazard, is a biological substance that poses a threat to the health of living organisms, primarily humans" sagot niya kaya pumalakpak naman ako ng mahina tsaka agad umupo. Tinapik ako ni Nathan sa likod kaya tinignan ko siya, inangat-baba niya kamay niya kaya napakunot ako ng noo

Gangsters Chaos 1: Love in usWhere stories live. Discover now