Chapter 21: Kiss

62 5 0
                                    

AUSTIN SMITH

Nagising ako dahil sa alarm ng ewan kaninong cellphone. Napabangon ako at napatakip saglit ng mata dahil sa sinag ng araw

Aga-aga ang ingay ng cellphone niya. Maingat ako naglakad dahil natutulog pa si Kier at Seven sa floatable bed na nasa sahig , baka masagi ko sila at magising. Nilapitan ko ito "kanino ba kasi to.." tinignan ko ang cellphone sa desk "ay putek. Azael!" Tawag ko kay Azael tsaka kinalog siya

Kinuha ko cellphone niya at inilapit sa tenga niya. Nakita ko naman kinuha niya ito tsaka tinignan saglit, nang mapatay niya ay natulog siya ulit

"Hirap mo talaga gisingin, bahala ka na nga diyan" sambit ko tsaka pumasok sa banyo para maghilamos

Napatingin ako sa mga tuwalya na may sticky note na 'for the four of you from: Devina'

Napangiti ako dahil ang bait talaga ng ina ni Xavienna. Isipin niyo binigyan kami ng tuwalya para magamit namin. Naghilamos na ako at kumuha ng isang tuwalya para ipunas sa mukha ko

Pagkatapos ko ginawa ang morning routine ko ay tinignan ko muna ang boys na mahimbing pang natutulog bago lumabas. Paglabas ko ay timing rin lumabas si Eliza sa kwarto niya

"Good morning!" Bati ko sa kanya kaya napalingon siya sakin at ngumiti

"Good morning, gusto mo breakfast? Ipaghahanda kita" tanong niya sakin kaya umiling ako

"Kape, Sabay nalang tayo gumawa ng kape natin" suggest ko kaya napatango siya "sila mga kaibigan mo, Gising na ba?" Tanong ko sa kanya at bumaba na kami

"Ewan ko sa tatlong yun ang hirap gisingin, kahit sa school napilitan lang sila gumising dahil may pasok" kwento niya kaya napatawa ako. Dumiritso kami sa kusina at kumuha siya ng baso pang kape

Binigay naman niya sakin ang isa. May binuksan siyang cabinet tsaka kumuha ng sachet ng kape

Nakakaaliw siyang tignan, parang sanay siya sa mga trabaho. Nakakahiya nga nakatayo lang ako sa counter hinihintay siya

Lumapit siya sakin "ayan, 3in1 na kape" sambit niya tsaka binigay sakin isang sachet

Kukunin niya na sana ang thermos pero agad ko itong hinawakan "ako na, nakakahiya parang pinagsisilbihan mo ako" sabi ko at napatawa siya

"Hindi ah, tsaka ganito talaga ako" sambit niya at binuhosan ko ng mainit na tubig mga baso namin

Ngayon ko lang naalala na siya sana leader ng group nila pero dahil gusto ni Master Erisa magtulongan sila ay hindi na natuloy pagiging leader niya

Hindi ko rin maintindihan bakit siya parang matured ng apat instead si Xavienna, hindi ba't si Xavienna ang oldest?

"Austin, yung mainit na tubig"

Napabalik ako sa realidad at napatingin sa kanya. Tinuro niya ang tubig gamit labi niya kaya napatingin ako sa tinuro niya

"Ay!" Agad kong ibinalik ang thermos sa lalagyan niya. Kumuha agad ako ng tissue "sorry, napaso ka ba?" Tanong ko sa kanya at agad pinunasan ang tubig na natapon

"Hindi naman, pero yung tubig sa sahig baka kasi may madulas" saad niya kaya napalingon ako sa bawat sulok baka may mop

"Ayon!" Turo ni Eliza kaya napatingin ako sa tinuro niya. Great! May nakita siyang mop

Aalis na sana siya nang bigla siyang madulas, agad ko naman siyang sinalo. Nagkatinginan kami saglit

Ewan ko ba bakit biglang nag slow motion paningin ko ng masalo ko siya "ay sorry!" Napabalik agad ako sa realidad ng may nagsalita

Gangsters Chaos 1: Love in usWhere stories live. Discover now