SACHIKO REESE
"Lola, sa resthouse kami magbibihis para walang makakakita na naka gown kami" sabi ko kay lola habang kausap siya sa cellphone
[Okay, See you soon. Mag-ingat kayo ah. Sege na bye na] saad naman ni lola tsaka pinatay na ang tawag
Napatingin ako sa notifications ko bago binalik sa bulsa ko baka kasi may notif ako na hindi ko nabasa
Agad akong umiwas ng akmang susuntokin ako ni Kier "Baliw ka ba?!" Inis kong tanong. Mabuti nalang mabilis reflexes ko kaya agad ako naka iwas
"You're quick" saad niya kaya napangiwi ako ng tumawa siya "Galing umiwas ah" dagdag pa niya
"Kailangan mo na ata magpatingin sa doctor eh, bigla-bigla ka nalang nanununtok" inis kong sambit sa kanya at aalis na sana ng hinawakan niya kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin
Parang may naramdaman akong kuryente nung hinawakan niya kamay ko.
"Wait, Sachi sorry na pero pwede mo ba ako samahan?" Tanong niya at binitawan ako kaya napatingin ako sa kanya tsaka napakunot ng noo
"where?" tanong ko sa kanya tsaka tinignan ang relo "dali na, may pasok pa tayo" dagdag ko pa
Pwede naman ata mamayang uwian na puntahan eh pero dahil mapilit siya ay why not? Tsaka maganda kaya baka importante talaga
"Basta, hindi ito prank ah" sambit ko sa kanya tsaka napatawa naman siya "kundi sasakalin kita"
"Hindi naman ito prank, promise" saad niya tsaka ngumiti. Ang gwapo niya lalo na ngingiti siya. Ang sarap pinsilin mga pisngi niya
Sana bata pa si Xavienna para mapinsil ko pisngi niya. Ngayon kasi napaka arte parang tigre kapag may pipinsil sa pisngi niya
Naglakad na siya kaya sinundan ko siya. Pumunta kami sa dorm nila kaya napakunot ako ng noo "May ibibigay sana ako sayo" sabi niya at pumasok kaya pumasok na rin ako. May kinuha siyang box na may purple na wrap tsaka ibinigay sakin
Ang cute ng purple wrapper dahil may zigzag ito na design
"Alam kong hindi tayo minsan nagkakaintindihan, eto oh para sayo bale peace offering ko na " natatawang saad niya sabay bigay sakin ng box
"Para sakin?" Tanong ko sa kanya tsaka kinuha ito ng tumango siya "what's inside?" Dagdag ko pa tsaka nilapit sa tenga ko at iinalog
Baka lang alam ko ibibigay niya. Pero ang sweet kasi kahit hindi special day ngayon pero may binigay siya sakin
"Kung gusto mo buksan dito, ayos lang sakin" sabi niya kaya napangiti ako at tinangal ang wrap pero napakunot ng noo nang makita isa pang box na brown
"Ano laman nito?" Curious kong tanong sa kanya bago binuksn ang box. Tinangal ko ang takip at napatingin sa laman. Nagulat ako at sobrang saya ko sa laman ng box
"Sana magustuhan mo, wala kasing complete volume kaya yan na lang muna" saad niya
Dalawang maliit na libro tungkol sa codes at ciphers part 1 at 2 lang. Baka may stock na sa susunod na buwan pero kahit ganun ayos lang sakin kasi pwede naman magprint kung may pdf na eh
Hindi lang yan, may phone case na red at black ang color tas may panda na design tsaka isang maskara kulay violet na pang masquerade
Napakunot ako ng noo dahil bakit may maskara? "Teka para saan 'to?" Tanong ko sa kanya tsaka pinakita ang maskara
"tinanong ko si Xav ano hilig mo eh sinabi niya cosplay kaya ayan" paliwanag niya kaya napangiti ako at lumapit sa salamin para makita ano itsura ko kapag sinuot ko ito
YOU ARE READING
Gangsters Chaos 1: Love in us
Fanfiction[Book1] In a world where aspiring gangsters undergo rigorous training in two elite departments, nine girls dream of joining the Heiress department, one of the most renowned in the Philippines. However, only four of them complete the training, embod...