ELIZA GISELLE
Nagising ako dahil sa liwanag na pumasok sa kwarto namin. Dahil nawala na antok ko ay tumayo ako at binuksan ang kurtina ng malaki
"RISE AND SHINE GIRLS!" sigaw ko at syempre excited dahil panibagong araw na naman ito. Narinig ko mga ungol ng dalawa na parang ayaw pa nila gumising kaya napatawa na lang ako
Pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal para sa aming tatlo. Iba room namin at sa boys, syempre magiging chaotic kapag kasama namin sila. Isa pa, para privacy sa amin kapag may girls time kami
Nagluto ako ng itlog, hotdog, tsaka garlic rice. Kung andito lang sana si Xavienna magiging completo sana kami kaso wala siya. De bale na susunod naman iyon sa amin.
Si Xavienna na kaya iyon, tatanggi pa ba iyon lalo na gustong-gusto yun sa mga travel at mga damit. She's the walking spender sa gropo "Good morning" napabalik ako sa realidad nang marinig si Cassandra na mag salita
"Si Sachiko?" tanong ko at kumuha ng bowl para doon ilagay ang rice since tapos na ako mag luto
"Tulog pa, mga 5 minutes pa daw" saad niya kaya napatango ako tsaka nilagay sa lamesa niluto ko. Napatigil ako nang maramdaman yung sakit sa tiyan ko at agad naman siya lumapit "okay ka lang?" tanong niya
Agad naman ako tumango "gutom na ako eh" saad ko at napatawa kaming dalawa. Pinuntahan niya si Sachiko habang nag hahanda ako sa table setting namin
"Good morning , Oy thank you Eliza" saad ni Sachiko na karating lang habang humihikab. Halatang sarap ng tulog dahil sobrang gulo pa ng buhok niya
Kumain na kaming tatlo at sa gitnaan nang kainan session namin ay nagring yung cellphone ni Sachiko kaya tumayo siya para kunin ito "Si Xav seguro yan" saad ko at bumalik na si Sachiko dala-dala cellphone niyang naka landscape ang form
"Si Xav" saad niya at nilagay ito sa harap ng isang vase na maliit para makita kaming tatlo
[Hello! na-miss ko kayo, kamusta?]
"Eto, si Eliza nagluto. Ang sarap nga ng garlic rice eh, Pwede na siya mag culinary soon" natawa ako sa sinabi ni Cassandra pati si Xavienna
[Eliza, kapag andiyan na ako lutuan mo pa rin ako ng garlic rice ah. Baka naman gusto niyo ako bigyan ng welcome gift]
Napairap naman si Sachiko dahil sa sinabi niya kaya napatawa ako "Hay nako sayo Xav, hindi mo ba nakikita dami na nasa cabinet mo tas dadagdagan mo pa. Bigyan kita ng scrunchie nalang" saad ko at nakita ko naman siya napangiti
[Sure, I'll treasure that. Anyway, gumala kayo mamaya para naman makapag enjoy kayo hindi gaano stay lang sa hotel room niyo]
"Yes, mother" asar ni Sachiko kaya napatawa kami sa reaction ni Xavienna. Yung naiinis na siya sa pinsan niya at gusto niyang sapakin pero hindi niya magawa
"Makakabawi ka rin, Xav, kapag andito ka na" sambit naman ni Cassandra kaya imbes na makipag kwentuhan kami ay nauwi na ito sa asaran
****
"Let's go!" Saad ni Cassandra kaya nagsinglabasan na kaming tatlo sa room namin
Nakasalubong namin si tito Zack sa hallway kaya kumaway kami sa kanya "Hi po tito!" Bati namin kaya napangiti siya
"Hi girls, where are you girls going?" Tanong niya sa amin kaya napatingin ako kay Cassandra since idea niya at kay Xavienna na lumabas kami ngayon. Para daw kasi ma enjoy namin stay namin sa Hawaii
"Sa mall po tito, eenjoy namin stay namin dito" sagot niya naman
"Oh I see, sege na enjoy kayo. There's a lot of stores outside, for sure mag eenjoy kayo doon. Don't forget to bring extra money baka need niyo yan lalo na madaming magagandang bagay sa labas " saad niya kaya kumaway na kami at umalis na. Duman muna kami sa room ng boys at kumatok
YOU ARE READING
Gangsters Chaos 1: Love in us
Fanfiction[Book1] In a world where aspiring gangsters undergo rigorous training in two elite departments, nine girls dream of joining the Heiress department, one of the most renowned in the Philippines. However, only four of them complete the training, embod...