"Oh, Jang nandiyan ka na pala. Nasaan report card mo?" Bungad sa akin ni mama pagkapasok ko palang ng bahay.
Nabuhay na naman ang kaba sa puso ko nang banggitin niya sa akin ang tungkol sa progress report ko.
Maayos at matataas naman ang grades ko, pero alam kong mas mataas ang grades ng ate ko. Laging 'yun ang bida sa kanila eh.
"Nasaan na? Nakita na namin 'yung sa ate mo." Tanong din sa akin ni papa. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o sasaktan ko na naman ulit sarili ko sa pagpapakita sa kanila ng grades ko. Hindi naman nabibigyan ng credit kahit na mataas at pasado naman ako kapag nandiyan si ate.
"Ahm..." Nagdadalawang-isip pa rin ako at nag-iisip ng magiging excuse para hindi na nila makita pa.
"Amin na. Alam naming bigayan din ng card sa inyo since pareho lang naman kayo ng school na pinapasukan." My mother is giving me pressure now...well lagi naman e.
"...in my bag." Sambit ko nalang at nilapag na ang bag ko sa sofa. Kinuha ko naman ang report card ko sa bag at inabot ito sa kanila.
"As usual, 89 na naman average mo. Di man lang naka-90 para makaakyat man lang kami sa stage." Kumento ni papa nang makita niya na grades ko. "Ate mo highest honor e, 98 grades. Gayahin mo siya oh. Ikaw Mayeng ayusin mo pag-aaral mo ah, ikaw susunod na abogado sa pamilya," baling niya sa ate ko. Binalingan ko naman si ate na pasimpleng lang na tumango kay papa.
"Akyat muna ako sa kwarto pa, napagod ako sa training," paalam ko kay papa.
"Quit ka na kaya sa volleyball and focus on your studies?" Sambit ni mama na nagpatigil sa 'kin sa pag-akyat.
"Sa college nalang po siguro, Ma. Enjoy ko po muna and malapit na rin po kasi UAAP." Yes, kasali ako sa UAAP Juniors and the Captain of our team. "Akyat na po ako."
Nagugutom talaga ako dahil galing sa training pero since nakumpara na naman ako kay ate, nawalan ako ng gana.
Ayokong huminto ng volleyball. Doon lang ako nakakakuha ng medal para maipon ko tapos malamangan ko si ate. Kaso 'di pa rin maappreciate ng mga magulang ko.
"Bukas 'yan!" Sigaw ko mula sa loob nang makarinig ako ng katok. Bumukas naman ang pinto kasabay nang pagpasok ni ate sa loob. Agad naman akong tumalikod at nagkunwaring may inaasikaso dahil ayoko siyang makausap.
"Dinalhan kita ng pagkain, Jang." Sambit ng ate ko at naglapag ng pagkain sa higaan ko. "Pasensya ka na ulit sa parents natin ah. Mataas naman grades mo, sadyang mataas lang talaga expectations nila. Anyway, kapag need mo ng tulong katok ka lang sa kwarto ko ah, tulungan kita."
"Pinapamukha mo talaga sa 'kin na kailangan ko pa ng tulong mo para tumaas grades ko samantalang ikaw you do it on your own without even needing our help." Prangkang sabi ko sa ate ko.
BINABASA MO ANG
Thirty Cups
RandomThis is a compilation of my 30 short/one shot stories. Enjoy reading! [2020]