"Siyam na buwan",
'Yan ang palagi mong sambit.
Siyam na buwan mo akong bitbit.
Mabigat, gaya ng saad mo sa 'kin.
Ipinagdarasal na sana'y hindi kita pahirapan.Walang mapagsidlan,
ang tuwa mo no'ng maramdaman mo ang aking pagsipa.
Ang sabi mo'y magkarugtong ang puso nating dalawa.
Kapag nalulungkot ka ay nalulungkot ako.
Kapag masaya ka'y masaya ako.Bawat ire, unang iyak ko ang inaabangan.
Tiniis ang sakit,
ligtas lang akong mailabas.
Noong masilayan mo ang mukha ko,
ang sabi mo'y ikaw ang pinakamasayang tao.Tuwing gabi ay napupuyat ka kababantay sa 'kin.
Hindi ininda ang puyat at pagod,
maalagaan lang ako.
Mailayo sa mga lamok na gustong lumapit sa 'kin.
Tinitimplahan ng gatas kahit anong oras,
at binibihisan para maging malinis.Unti-unti akong lumaki,
ginagamot kapag nagkakasugat sa kalalaro.
Magagandang damit ay ipinapasuot,
Dahil sabi mo ako ang prinsesa mo.
Tinalian ang buhok para di mainitan.Nagdalaga na ako,
pero pinapabaunan mo pa rin.
Mga kaklase ko'y naiinggit minsan sa 'kin.
Sabi nila, masyado mo raw akong mahal,
na kahit malaki na ay ipinaglalaba pa rin.Ngunit ako'y nagkaisip,
Natutong mamili,
Natuto sa kung ano ang tama at mali.
Taliwas sa gusto ko ang gusto ko,
Doon ay nasabi mong nag-iba ako.Pansin ko 'yun.
Pansin ko ang pag-iiba ng ugali ko.
Natuto na rin akong sumagot sa 'yo.
Minsan ay naririnig kitang humihikbi,
Dahil sabi mo wala na akong respeto sa 'yo.Hindi ako kasing-sama ng iniisip mo, ma.
Aminado akong nagkakamali ako.
Sa tuwing sumasagot ako,
Ay libo-libong pagsisisi ang nadarama ko.
Libo-libo paghingi ng tawad ang ginagawa ko.Sa tuwing naririnig kitang umiiyak,
Iniisip ko na wala akong kwentang tao,
na dapat ay hindi mo nalang binuhay sa mundo.
Nagsisisi ako sa tuwing napapaiyak kita,
at alam kong nararapat lang din talaga.May isip din ako, ma.
Marunong akong magpakumbaba.
Hindi man ako kasing-lambing ng iba,
Pero hindi ako nagtatanim ng sama ng loob.
Kahit na minsan ay nasasaktan niyo na 'ko.Pero bakit sa tuwing gusto kong makipag-ayos,
gusto kong humingi ng tawad,
Ay laging wala akong natatanggap?
Akala ko ba pakikipag-usap ang paraan,
Para magkapamilya ay magkapatawaran.Nasasaktan ako sa tuwing naiisip mo 'yun.
Sa tuwing binibiro mo kami tungkol sa kamatayan,
Nililihis ko ang usapan.
Nililihis ko sa sarili ko ang tungkol sa usapin na 'yan,
Kaya naman nagagalit ka.Bakit ba ang hirap mong inintindihin?
Sa tuwing binanggit mo 'yan,
Pinagdarasal ko na sana ako nalang ang mauna.
Ayokong maiwan, ma.
Takot akong maiwan.Sa tuwing ako'y nangangarap para sa atin,
Tila ba ay wala kang tiwala sa 'kin.
Tingin mo'y wala akong utang na loob,
Na kapag nakapagtapos ay pababayaan kayo.
Hindi ma! Hindi ako ganoon.Kayo ang dahilan bakit ako nagsisikap,
Pero bakit iniisip niyong makasarili ako?
Dinidiktahan niyo 'ko sa magiging pagkatao ko.
Ginagawa ko naman ang lahat,
Kahit madalas ay masakit na.Nag-aral ako nang mabuti,
Na sa sobrang pag-aaral,
Ay pressure ang binigay sa 'kin.
Trauma at takot na baka malamangan.
Dahil alam 'kong ako'y inyong mapapagalitan.Maging normal na estudyante ay pinangarap ko.
Ngayon na college na 'ko,
Sa dami ng awards na natanggap ko,
Pinaramdam mo sa 'kin na mas proud ka kung honor ako.Bakit ma?
Di pa ba sapat ang buong buhay kong pagsisikap?
Bakit hindi ka makaramdam?
Kahit hindi ko kagustuhan ay pinasok ko para lang makapagtapos ako.
Pinili ko ang gusto niyo.Palagi niyo nalang akong pinapangunahan,
Kapag nakapagtapos ako ay inyong iiwanan.
Masama ba talaga ako sa paningin mo?
Gusto kong magkaayos tayo,
Pero bakit sa akin ay ika'y lumalayo?Araw-araw ay iniiyakan ko,
Pati sarili ko ay pinapagalitan ko.
Wala na akong naggawang tama sa paningin mo.
Pero sana ma,
Pagkatiwalaan mo naman ako.Bilib ko sa sarili ko'y nawala.
Iniisip ko, wala na rin akong kwenta.
Hanggang sa unti-unti ko ng kinukulong ang sarili ko.
Nagising na lamang ako,
Nasa madilim na pala akong kwarto.Ayokong maging madrama,
Pero hinihiling ko nalang na sana,
Sana ay 'di na 'ko magising pa.
Para lang maipadama ko sa 'yo na ako,
Ako ang katuparan ng kagustuhan mo sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Thirty Cups
AléatoireThis is a compilation of my 30 short/one shot stories. Enjoy reading! [2020]