'Isang sasakyang nahulog sa bangin ang nakita rito sa Irasaw mountain, dito sa Punyales City kaninang alas onse ng umaga. Sakay nito ang isang ginoo at isang ganang na kinikilalang mag-asawa, at ang dalaga na anak nito.~'
Napaluha na naman ako nang maalala ko na naman ang balitang narinig ko paggising ko ng gabi.
Ilang buwan na ang nakalipas mula no'ng mangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ng mommy at daddy ko na siyang kinabulag ko rin.
"WAAAAAAAAAH!"
"Diyos ko! Ma'am Khey." Agad ko namang naramdaman ang paghawak sa akin ng nag-aalaga sa akin ngayon.
"Bakit hindi nalang ako namatay? Bakit binuhay pa ako kung pagising ko, parang nakalubog ako sa lupa? Bakit binuhay pa ako kung mabubuhay lang din naman ako sa dilim? BAKIT?" Umiiyak kong sambit habang nakaluhod.
"Ma'am---"
"What is this again, Khey?" Mabigat ang paghinga ko nang marinig ko ang boses ng tita kong bumubuhay na sa akin ngayon. "Kahit magwala ka riyan, we cannot change the fact na bulag ka na. Stop it Khey, please."
Nakahiga, nakaupo, dinadalhan ng pagkain sa kwarto, lalakad ng may alalay. 'Yan ang buhay ko na ngayon.
I can't paint anymore. I can't be a writer anymore. And I can't take pictures, which I usually do when I still have my vision.
"Can you leave me for a minute, ate Gina?" Magsasalita pa sana siya pero tunahimik din.
"Dito ka lang ija ah." Tumango lamang ako.
I hate it when they treat me like a child na oras-oras kailangang bantayan.
Nakaupo ako sa paborito kong upuan dito sa park. Dito ako pumupunta sa tuwing gusto kong makarinig ng ibang tunog, tulad ng tunog ng mga ibon at ng hangin.
How pity? Tanging tunog nalang ang nagpapabuhay sa akin dahil wala na akong kakayahang makakita ng mga anyo.
"Are you crying?" Pinahid ko agad ang luha ko nang makarinig ako ng boses ng lalaki.
"Why do you care? Leave me alone. I don't need you here." Sambit ko at yumuko.
"Sometimes, it's good to talk to strangers. It is sometimes good to tell your problem to a stranger, co'z they don't usually judge you. They listen first before they judge you." Napausog ako nang maramdaman ko itong tumabi sa akin.
"I don't need someone to talk to." I said to him.
The next day, I went to the park again dahil natatakot akong baka mawala ang sense of hearing ko kung hindi ako makakarinig ng tunog sa labas.
"Hey, it's you again." Napakunot ang noo ko nang marinig ko na naman ulit ang boses ng lalaking nakausap ko noong nakaraang araw.
"What do you need?" Tanong ko na rito.
"Ang sungit mo." He chuckled. Napakunot naman lalo ang noo ko.
"Sayang naman, di mo makikita kagwapuhan ko---"
"Shut up." Singit ko rito.
"Sorry." He whispered. "Bakit ka pala pumupunta rito?"
Bumintong-hininga muna ako bago ko sagutin ang tanong niya.
"Wala naman akong ibang mapuntahan. Nakakarinig ako rito ng ibang tunog bukod sa mga tunog na naririnig ko sa loob ng kwarto." Lumingon ako sa kaliwa kahit hindi ko siya makita. "Ikaw?"

BINABASA MO ANG
Thirty Cups
RandomThis is a compilation of my 30 short/one shot stories. Enjoy reading! [2020]