S, Simula nang matutunan ng isip kong umintindi,
U, umaga ay tila walang pinagkaiba sa gabi.
I, Iniipon sa talukap ang likidong mapait,
C, cameo sa umaga ang ngiti sa nararamdamang galit.
I, Isang imahe ang sa isip ay gumuhit,
D, Dinadayo sa tuwing nakapikit,
E, Estatwa ng sarili'ng nakasabit.Sa dinami-rami ng tao sa mundo,
napapatanong ka kung bakit sa 'yo nangyari ang lahat ng ito?
Tingin mo ay tuluyan ng natatakpan ng dilim ang liwanag,
Tila ba ay wala ka ng pag-asang naaaninag.May mga panahong masaya ka,
pero mas madalas pa na ika'y lumuha.
May mga panahon na ika'y nakakangiti,
pero tuloy ang paghikbi sa gabi.Nagbibigay ka ng liwanag at tuwa sa iba,
pero sarili mo'y hindi mo mapasaya.
Nagdadala ka ng pag-asa sa ibang tao,
pero sarili mo'y 'di mo mabuo.Minsan ay sumasagi sa isip mo ang lumisan,
iniisip mo na tumawid nalang sa kaparangan.
Ngunit wala sa kaparangan ang sagot,
Sa dilim na sa buhay mo'y bumabalot.Huwag mong sayangin ang iyong buhay,
maraming tao ang sayo'y naghihintay.
Kung sa tingin mo'y wala ka ng pag-asa?
Isipin mo na sa isang bilyon may isa pa rin na sayo'y magluluksa.
BINABASA MO ANG
Thirty Cups
RandomThis is a compilation of my 30 short/one shot stories. Enjoy reading! [2020]