Muse and Escort

25 0 0
                                        


"Hi! I'm Safara Kiana Gilles, but you can call me Fara, 18 years old. Hope to be friends with you all." Pakilala ko sa sarili ko para sa 'introduce yourself' session lagi kapag bagong pasukan.


"Hello! I'm Giovannie Akijer, tawagin niyo nalang akong Gio, 18. Hope to be friends with Fara, too." Napalingon ako nang banggitin nito ang pangalan ko. Nakangiti naman ito sa akin.


Nagsipag-'ayiee' naman ang mga kaklase ko. Ngumiti nalang din ako dahil ayokong magmukhang suplada. Pangit yun na first impression nila sa 'kin. Maya-maya lang din ay natapos na ang pagpapakilala.


"Ok, we will vote now for Muse and Escort." Sabi ng teacher namin. Uso pa pala 'yun sa senior high?


"Ma'am," Nagtaas naman ng kamay 'yung Gio kanina. "I nominate Safara for the position of our class-muse." 


Napakunot naman ang noo ko dahil trip ako ng lalaking 'to. Kanina pa ko napapansin. May iba pang nanominate pero ako ang nanalo. Role ko rito?


"Ma'am," Napalingon na naman kami nang magtaas na naman ng kamay si Gio para sa posisyon ng escort. Don't tell me trip niya rin inominate sarili niya? "I nominate myself." 


At gaya ng kanina nagsipag-ayiee na naman ang mga kaklase ko. Napapayuko nalang ako sa hiya. Center of attention pa nga.


Nanalo din naman siya kaya ending kaming dalawa ang magkatabi sa front para sa speech eme na 'yan. Ganap naman namin dito?


Recess na kaya tumayo na ko para sana bumaba na sa Mezzanine nang biglang lumapit sa akin si Gio. Nilingon ko naman ito at pinilit na huwag mainis dahil kanina niya pa ko trip. Hinihintay ko lang siyang magsalita nang ngumiti ito bigla.


"Mezza ka?" Tanong nito na tinanguan ko naman din, baka saabihin masungit ako eh.


"Sabay na tayo?" Aya niya kaya conscious akong napatingin sa paligid at ganun nga eksena na naman kasi nakatingin sa amin ang mga kaklase namin.


"Yun oh, may magjowa agad kakasimula palang ng klase." Kantyaw ng mga kaklase ko sa amin.


Nilingon ko naman ito na nakangiti pa rin kaya nginitian ko nalang din, as a sign of friendship at tumango na rin.


Days passed at nagiging close na rin kami ni Gio. Araw-araw siyang nagchachat sa akin tapos minsan nagrerequest ng video call para magpaturo sa akin sa schoolworks. Ang daldal niya sa chat at laging kinukwento ganap niya sa bawat araw. I also do the same sa kaniya. I remember opening up my problems to him and I was so amazed on his words of wisdom, galing mag-advice.


"Ma, kaibigan ko po, si Gio. Gio, nanay ko nga pala." Pakilala ko kay Gio kay mama. Nasa bahay namin kasi kami since kami partner sa activity na pinapaggawa ni Sir. Dito nalang din kami gumawa since malapit lang daw sa school bahay namin kesa sa kanila.


"Kaibigan lang ba? Hindi boyfriend?" Asar naman ni mama sa amin kaya umiling kaagad ako.

Thirty CupsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon