My Hot Professor In Physics

71 4 1
                                        

"Sir Lumba, di po talaga ikaw ang Physics namin?" Tanong namin sa teacher namin dati sa Chemistry.

"Hindi nga!" Sambit nito dahil sa kakulitan namin at tumawa saka pumasok sa katapat naming classroom.

Second semester na kasi kami at sa second sem namin matatake ang Physics. Knowing sa mga private school na kulang ang teachers, kahit ano tinuturo ng teacher kahit na hindi niya naman major 'yun.

Dahil napalapit na rin kami sa Chemistry teacher namin, mas gusto na naming siya nalang din Physics teacher namin. Mataas din magbigay eh. 98 ba naman ako ron! Lol!

"Bagong hired daw Prof natin sa Physics." Sambit ng kakapasok lang na kaklase kong si Kazumi sa classroom.

"Lalaki or babae?" Tanong naman namin.

"Ewan." Nagkibit-balikat nalang siya.

Maya-maya pa'y sabay-sabay kami ng mga kaklase kong napatingin sa pintuan nang bumukas ito. Lahat kami't nanlalaki ang mata sa nakitang napaka-hot at napaka-yummy na lalaki, habang ako'y nakatikom lang ang bibig.

Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa teacher's desk sa harap. At dahil nakaupo ako sa harap, naamoy ko ang napakabango niyang pabango.

Inikot niya naman ang paningin niya sa amin na para bang kilala niya na kami kahit hindi pa.

"Ok, good morning class?" Patanong niyang bati sa amin.

Sabay-sabay rin kaming nagtayuan at bumati sa kaniya saka umupo.

"Ok class, I will be your Physics 1 Professor for this sem. I am Llynton Hernandez." Napatili ang mga malalandi kong kaklase. Sige, sabihin ko nalang ding napatili na rin ako sa kaloob-looban ko.

Sino ba naman kasing di mapapatili na magiging teacher mo ang isang hot na katulad niya? Napaka-yummy at napaka-gwapo pa? Sigurado akong may abs to dahil bakat sa polo niya ang mga pandesal.

"I'm from the college department. I am an Electric Engineer and nagtatake palang ng LPT." Pagpapakilala niya. Kami naman, todo titig lang sa yummy niyang mukha.

Shookt! Jackpot ang girlfriend nito kung meron man dahil Engineer na nga, teacher pa. Double income!

"Katulad ng usual na ginagawa kapag first day of meeting, magpapakilala ako saka kayo na. And since tapos na ko sa introduction ko, kayo naman, before I will proceed to our course outline." Sabi ni Prof kaya nagsimula ng magpakilala ang mga kaklase ko. At nang ako na'y tumayo na ko.

"Good morning Sir, I am Queenie Louise Martayulet, 16 years old. I will take Civil Engineering in college, Sir in UP. At kung di papalarin, dito ulit ang bagsak." Pagpapakilala ko at natawa sa huli kong sinabi.

"Uyy, UP. Nagtake ka na ng exam don?" Tanong niya.

Interesado si Ser! Ayieeeeee, #teacherstudentlove na this!

"Opo, Sir. Pero no chances sa tingin ko kaya malakas kutok kong dito na naman ako bagsak." Sabi ko sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

Tumawa naman si Sir at di na nagtanong pa kaya umupo na rin ako. Alangan namang magpakabida-bida ako. Tatayo buong klase!

Matapos ang pagpapakilala namin ay diniscuss naman ni Sir ang magiging topics namin sa Physics 1 saka yung grading system niya.

"Any question?" Tanong niya nang matapos niyang idiscuss ang topics at may natitira pang sampung minuto for orientation.

"Yes?" Turo niya sa kaklase kong nagtaas ng kamay.

Thirty CupsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon