In Relationship With My Professor

45 2 1
                                    

"Saan ka na mag-aaral niyan?" Tanong sa akin ng kaibigan ko sa dati kong school sa video call.

"Hindi ako pumasa sa FLU. Di ko rin alam kung saan ako mag-aaral. Dalawa nga scholarship ko, wala naman akong school." Sagot ko sa kaibigan ko.

Pinipilit kong maging ok sa harap ng mga kaibigan ko pero ang totoo niyan, hirap na hirap na ako sa pagdedesisyon para sa buhay ko.

Tinatawagan ako ng parents ko lagi para humingi ng updates sa kung saan ako mag-aaral.

I am a government scholar and this scholarship is only applicable for those State Universities.

Unfortunately, di ako pumasa sa tatlong paaralan na pinag-exam-an ko.

I also have a scholarship offered by our sister-university kung saan ako gumraduate ng Senior High. Hindi kasi pwede rito ang government scholarship kung kaya't may sarili silang scholarship na inooffer.

I am stuck in the middle of deciding whether to grab that government scholarship dahil malaki ang stipend eh o doon sa available university kung saan ako nag-aral din dati.

"Sa RTU nalang ako." Sambit ko sa kaibigan ko.

"Sabay tayo pa-enroll." Sabi niya pa.

Gaya ng napag-usapan namin, sabay kami nag-enroll sa RTU. I gave up my government scholarship and hoping God na hindi ako bumagsak dahil kapag nagkataon ay malaki ang babayaran ng mga magulang ko, and we don't have money to pay for my almost a hundred thousand tuition fee.

"Nakapag-enroll ka na anak?" Tanong sa akin ng ina ko through video call.

"Ma..." I paused for a minute. "...sa tingin mo ba, mamemaintain ko ang scholarship na ito? Dahil...alam---"

"Anak, alam naming kayang-kaya mo 'yan. Hindi ka babagsak niyan. Tiwala lang. Kung sakali mang bumagsak ka at kailangan naming bayaran ang tuition mo, kaya kong tumulong sa papa mo para magtrabaho nang sa gayon ay mabayaran natin 'yang tuition mo. Basta ang gawin mo lang, gawin mo ang makakaya mo." 'Yan ang palaging sinasabi ng magulang ko sa akin.

Napepressure ako dahil sa taas ng expectations nila sa akin. Takot akong biguin sila kung kaya't nagsumikap ako para maging class valedictorian ng batch namin na naging dahilan kung kaya't nabigyan ako ng full scholarship ng RTU.

Ilang araw nalang at pasukan na at kailangan ko ng mamili ng mga gamit sa paaralan.

"Kailan tayo magbabayad sa dorm, Ghe?" Tanong sa akin ng dorm-mate ko.

"Ah Win, w-wala pa kasi akong pera. P-pwede pautang muna? H-hindi pa kasi nagpadala ang mga ma---"

"Sige sige. I'll take care of it." Then she winked at me. I smiled and thank her about that.

My family wasn't able to send me money dahil na-ospital ang kapatid ko at ayokong humingi muna ng pera sa kanila. Gagastos pa sila para sa kapatid ko.

Araw na ng pasukan ngayon at nangutang lang muna ako sa kaibigan ko para makabili ng gamit sa eskwelahan dahil wala pa ang stipend na ibibigay nila sa aming scholars.

"Babayaran nalang kita rito, ah." Sambit ko sa kaibigan ko.

"Ano ka ba, ok lang yan. May pera pa naman ako rito, bigay nila Mommy. Don't worry." Sabi nito sa akin.

Minsan naiinggit ako sa kanila. Naiinggit ako dahil kahit bumagsak siya, may pampa-aral niya pa rin sila. Ako, kapag bumagsak, hihinto nalang ang natatanging choice.

"Miss Ghe, I'm amazed on what you did earlier. May I ask you if you are willing to join our organization?" One of my Professor in my major subject ask me.

Thirty CupsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon