Chapter 21

9.7K 205 34
                                    

Dumating kinabukasan ang isang babaeng bodyguard sa bahay. Bahagyang nagtaka pa ako nang makita siya. Nagpakilala siya bilang si Glenda, isang retired army at isa sa mga oncall bodyguards ng pamilya nila Leyton. Matangka siya at halatang batak ang katawan. Siguro ay nasa mahigit trenta na rin ang edad niya.

She had a permanent serious expression on her face and was so formal when she introduced herself to me. Pinapasamahan daw kami ni Leyton sa kanya sa Paris para may magbantay sa amin.

"Marami pong sex trafickers sa Europe. Talamak ang kidnapping lalo na sa mga airport kung saan maraming mga walang kaalam-alam na bakasyonista ang nadudukot," pagpapa-alam ni Glenda sa akin nang tinanong ko siya kung kelangan ba talaga namin ng bantay.

Bahagyang kinwento niya rin na sinamahan niya noon si Silver sa Paris sa unang isang taon na nakatira iyon doon.

Well, I guess, Leyton really keeps his word. He told me he would keep me safe, after all. I can't help the warm feeling in my chest as I fully understood his insistence for us to be accompanied by a bodyguard.

Hinatid ng mga magulang ko si Karina sa bahay para sabay na kaming aalis papuntang airport.

Binigyan ko din sila ng tour sa bahay dahil first time nilang pumunta. Lagi ko silang iniimbitahan pero naging busy sila pareho sa trabaho. Si papa, sa construction firm at mga deadlines ng projects nila. Si mama naman ay sa mga shifts niya sa ospital. Ilang beses na siyang sinabihan ng tatay ko na tumigil na sa pagtatrabaho pero mahal niya ang ginagawa niya kaya kahit nakakapagod ay nagtatrabaho pa rin siya.

"Wow, ate, parang sa mga pinterest mo lang ah," natatawang sabi ni Karina. "This is so your style!" sabi niya habang inilibot ang mata sa kusina at glass doors papuntang patio.

"Buti naman at hinayaan ka ng asawa mo na mag-renovate, nak," dagdag pa ni mama.

Natawa ako. "The house was built this way ma, wala akong binago," saad ko na bahagyang ikinagulat ni mama at Karina.

Abala naman si papa sa pagsusuri sa mga technicalities at details ng pagkakagawa ng bahay.

"Wow, talaga?" nakataas ang kilay na sabi ni mama. "If I didn't know better, I would think he had this made for you," she said giving me a pointed look.

Naisip ko rin 'yon, but there's no way Leyton would have known about my preference. Sure, it was pretty obvious how I love the color blue but he had no reason to build his home according to how I like it.

Tiningnan din nila ang malawak na pool at garden area. Sinuri ni mama ang mga tanim kong gulay at bahagyang nasorpresa nang makita niya ang malulusog na bunga. Pinagpitas ko siya bago kami bumalik sa loob ng bahay.

Nagluto ng hapunan sila manang at kumain muna ang mga magulang ko bago sila umuwi, pasado alas otso na ng gabi.

Karina and I departed from the country at 2 AM in the morning. Bahagya pa akong nasorpresa nang malaman kong first class seats ang tickets namin. Nagkatinginan kami, parehong hindi makapaniwala at excited na pumasok sa eroplano.

"My god, ate! Kuya Leyton really loves you, I swear it! Pustahan tayo," bulalas ni Karina nang maupo kami sa kanya-kanyang seats namin.

I wish.

May division and upuan namin at maliit na tv. May mga complimentary toiletries din at towels. Sa sobrang komportable ng upuan ay nakatulog kami pareho ng maayos bago kami nagising nang mag lay-over ang plane. We were both wide awake and planned to explore the city as soon as we arrived.

And that's what we did. Naglakad-lakad kami at nag-try ng croissant sa isang sikat na pastry house. We also decided to have a quick trip to the Eiffel Tower and had dinner in a nearby restaurant after.

Forcedly Yours [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon