Chapter 12

11.6K 260 45
                                    

"Gusto mo bang umuwi?" tanong ni Aiden habang nagmananeho.

Dumating siya kalahating oras matapos umalis sila Leyton. Dali-daling sumakay ako sasakyan niya at nakasalubong pa namin ang dalawang search and rescue na sasakyan.

Well, good luck kung may mahanap kayo. I felt oddly satisfied imagining them looking for someone who was not there.

"Umuwi?" pag-ulit ko sa tannong niya.

Sinulyapan niya ako ng bahagya at umiling. "Oo, sa bahay niyo. Saang uuwi ba ang iniisip mo?" may bahid ng irita ang boses na sabi niya.

I bit my cheek. "Aid-"

He sighed. "Shit, don't mind me Tin, okay? I'm just being an asshole. I don't want to stress you out. Di mo kailangang mag-explain, okay?" natatauhang sabi niya. "Sonia was right. We were friends first. I love you as a friend and always will. I guess I just haven't moved on from how messed up your situation is."

"Ayokong umuwi sa bahay," pag-iiba ko ng topic. "Can you drop me off at a hotel?"

"Sinasaktan ka ba ng asawa mo? Bakit ka umiiyak sa tawag kanina? Are you in danger?" sunod-sunod na tanong niya. "Tin, pwede kong kausapin si papa-"

Umiling ako. "Aid, hindi. Okay? Mali ang iniisip mo. Basta, ayoko muna pag-usapan," sabi ko. He looked like he was going to say something but I cut him off. "I appreciate you helping me, Aid. I thought I lost you for good," malungkot na dagdag ko.

"Syempre hindi kita pababayaan, Tin pero wag mong ibahin ang usapan. Makakatulong si papa kung sinasaktan ka niya. Umamin ka lang. Hindi ako natatakot sa asawa mo," matigas na sabi niya.

May mataas ang rangko sa pagiging pulis ang papa ni Aiden. I believe him when he said his father would help. He probably thinks he can go against Leyton, too. Pero hindi niya kilala ang asawa ko.

"H-he cheated on me," nanliliit na sabi ko. "So, you don't have to worry about anything. He's not hurting me the way you think." I gave him a weak smile.

Ilang minuto siyang napatahamik. "Were you crying because you already love him?" he asked quitely.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Hindi sumagi sa isip ko 'yon.

Yes, I have feelings for him. Or atleast my body wants him. Pero hindi ko naisip na posible ko siyang mahalin.

I got hurt because I felt small. With him seeing other women for the world to see. Hindi na siyang namili ng lugar, pati sa wedding ng anniversary ng magulang niya ay nagawa niya pang...

Ipinilig ko ang ulo para iwasang maalala na naman ang nangyari.

"You never cried, you know?" pag-putol ni Aiden sa iniisip ko. "The only time I saw you cry was when you found out about Karina's condition. Pero hindi ka na umiyak pagkatapos 'non," sabi niya.

"Of course, I cried. I always cried. Hindi niyo lang ako nakikita," sagot ko.

He gave me a sad smile. "Exactly. Hindi ikaw ang tipo na nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao. Kahit na sa amin ni Sonia. It was the first time I heard you sobbing on the phone, too," sabi niya. "Whatever it is, Tin, be careful okay?"

I gave him a small smile. "Does this mean we're friends again?"

He laughed, "This means I'm back to being a fuck boy. Hinintay pa kita ng isang taon, sa iba ka pa rin pala mapupunta," nanunuksong sabi niya.

I laughed for the first time of the day.

Nag-joy ride kami kung saan-saan. Nag catch up kami and nag reminisce konti ng mga college escapades namin.

Forcedly Yours [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon