"Sa tingin mo ba boss, papayag talaga si Mnemosyne?" Hindi ko alam kung bakit kami naglalakad pero hindi ko alam kung saang parte na kami ng universe o kung nasa universe pa kami. Pero mukhang nasa maaliwalas kaming lugar na puno ng sakto lang na mga dahon at iilang puno na magkakalayo.
"I don't even know why sinasamahan pa kita. Ako ba yung boss o ikaw?" Inis na naman siya.
"Obvious ba? Ako nagpapalamon sa'yo." Parang gusto niya akong sikuhin sa sinabi ko. Nag-peace ako. Joke lang 'di mabiro. "Alam mo, baka magkawrinkles ka, minsan try mo ngumiti."
Hindi lang ako pinansin ni Chronos pero sa tingin ko nabasa niya sa utak ko na gutom na ako kaya nagulat ako nung may pinatas siya sa nadaanan naming parang malawak na gubat. Inabot niya sa akin ang isang hindi ko maexplain na prutas, pero mukhang hindi ito kilala ng mga tao at wala itong pangalan.
"Ah, anong gagawin ko rito?"
"Bobo ka ba? Malamang kainin mo." Tigas naman ng bulbol na 'to magsalita. "Ang bastos ng utak mo talaga, Hylia." GG niya.
"Eh ano muna tawag dito? Malay ko ba kung lason 'to?"
"Wala kang tiwala?" Naningkit na ang mata niya.
"Ano muna po tawag dito? Mamaya kasi ito pala yung forbidden fruit tapos ikaw pala si Eve edi nagkasala ako?"
"Patawa ka ba? Isipin mo nga, Greek gods saka bible sa iisang kwento? May gano'n ba?"
"Di ko nga alam, kaya nga nagtatanong. Hindi ba naituro sa'yo na educate the ignorant to make a better world?"
Tiningnan niya nalang ako at naupo siya sa isang malaking bato sa tabi ng isang malaking puno kung saan niya binunot ang prutas na hindi ko alam ang pangalan.
"Didn't you know that the man has no knowledge about good and evil before Eve ate the forbidden fruit?" Pinakinggan ko lang siya habang tiningnan ko ang prutas na hawak, hindi ko maexplain ang prutas na ito, gusto ko iexplain ang itsura niya pero parang habang nakatingin ako rito ay nabablanko ang utak ko kung paano ididescribe ito.
"Alam ko naman yang part na 'yan kaya nga siya nahiya nung narealized niyang nakahubad siya eh," napahinto ako roon at napatingin sa prutas na hawak ko. 'Wag mong sabihin na ito na 'yon. Pinapayagan na ako ng mga higher gods pati ni Mnemosyne na maalala ang totoong nangyari sa akin noon?" Medyo shocked ako na parang di makarecover. Charot lang dramatic mo naman sis.
Tiningnan lang ako ni Chronos sa mata niyang nakakaadik talagang tingnan. Nakipagtitigan din ako sa kanya.
Nice, boss, gwapings ka talaga walang kupas! Baka naman pwede makahingi ng pangkabuhayan package?
"Even the sound of your mind is the same as your actual voice." Inis na naman siya gusto kong matawa pero napansin kong hindi niya pa rin ako sinasagot sa tanong ko.
"So ito na 'yon? Kakagatin ko lang 'to ta's lulunukin, maalala ko na? Game na ba?"
Napapikit si Chronos at sumandal sa malaking puno.
Oh, hindi ikaw si Eve at hindi ako si Adan. Ikaw yung serpent na nag-alok kay Eve ng prutas at ako si Eve? Tama ba?
"Can you stop with the Eve and Adam thing? That's gonna be axisixas' another story."
"Huh, pinagsasabi mo?"
"Just eat the damn thing! Parating na dito ang Ministry of Foreign Souls Affair!"
Sa taranta ko at mabilis kong kinagat ang prutas dahil sa inutos niya. Mabilis ko ring nilunok naubos ako dahil nabilaukan pa ako. Parang gusto akong tawanan slash kawawaan ni Chronos dahil nachochoked na ako! Yung ubo ko parang kambing na nakawala na. Pinagtatawanan na ako ni Chronos sa itsura ko. Naramdaman ko ang luha sa gilid ng mata ko. Help, potacca, tawa ka muna eh no?
Nang nagulat ako nang nawala ang maaliwalas na balat ng paligid at parang napalitan ng galaxy. Napatakbo ako kay Chronos at kumapit sa kanya dahil napansin kong pati ang lupa ay nauubos na rin at biglang nasa galaxy na ata kami.
Mas lalong dumiin ang kapit ko kay Chronos nang biglang nabingi ako at sumakit nang sobrang tindi ang ulo ko. I gasped for air at hinawakan ko ang leeg ko dahil hindi ako makahinga. Iniwasan lang akong tingnan ni Chronos. Naawa naman siya sa akin.
Mamamatay na ba ako?
"It won't kill you, side effects lang 'yan weakling."
Naghihikahos na ako sa paghinga hanggang sa hindi ko na kaya ay naramdaman kong kinuha ni Chronos ang katawan ko at niyakap niya. Para naman akong nagkaroon ng protective barrier nang makita ko ang mga MFSA na may matutulis na dalang armas.
Napapikit ako dahil hindi na ako makahinga at parang sumabog ang utak ko in billion light years.
+++++
Raw
ty :)

BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasyShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...