Episode 8

86 15 1
                                        

Warning: Gore

Hindi ako marunong lumangoy! Depungal! Napamura talaga ako. Sinarado ni Chronos ang bibig ko at halatang inis na inis ang itsura dahil nilubog na nga kami ng tubig at lumubog na yung nabasag na yung sinasakyan namin.

Tangina men! Takot na takot talaga ako nagpagaspas talaga ako sa tubig, kaso pakiramdam ko hinihila ako ng tubig tangina. Naiiyak na rin ako nang hinawakan ni Chronos ang kamay ko at inangat niya talaga ako!

Marunong siyang lumangoy, feel ko umiiyak na ako dahil nang makita ko ang tubig sa baba ay sobrang dilim, para akong hihimatayin sa takot. Nakita ko ring wala siyang kapangyarihan na ginagamit, sinubukan niya pero hindi gumana.

Alam mo yung feeling na hindi ka marunong lumangoy tapos nasa sitwasyon ka na kailangan marunong ka kundi patay ka? Walang halong pag-iinarte depungal gusto ko matae sa takot.

Nang bigla nalang kaming nakaangat sa tubig dahil sa hila ni Chronos ay halos gusto ko nang higupin ang lahat ng oxygen sa mundo.

Tangina 20 seconds nga lang na hindi humihinga para na akong mamatay eh. Paano pa yung tinagal namin doon?

Kumapit talaga ako kay Chronos, naramdaman niya siguro yung panginginig ko sa takot, tapos pinigilan ko gumawa ng tunog gawa nang hindi ko mapagilan ang maiyak sa takot.

"I got you, wag ka na matakot." Yung simpleng sabi niya no'n para akong naassure na hindi lang ako mag-isa sa lahat ng ito.

"Ok.. okay, matapang ako." Sa malalim kong boses, yung salitang yon parang niloloko ko ang sarili ko pero sapat na iyon para palakasin ang loob ko.

Narinig kong napangisi siya kasi nasa likod niya ako. Lumangoy kami papunta doon sa isang mahabang bridge na parang nakakaloko yung lapad. Nakaahon kami at sumampa kami doon sa babang parte nung bridge at parang may lugar pa doon.

Pula ang sahig at makipot ang ceiling nun, sa itaas noon ay ang bridge. May mga kadena at nakayuko kaming dumaan doon kasabay nung mga nakaligtas.

Bumitaw na ako kay Chronos at napatingin din siya nang mapansin nga. Nauna na siyang maglakad. At parang unti-unting nagiging tunnel ang lugar na ito.

Nang bigla ba namang may isang nilalang ang lumitaw, ang hugis nito ay parang hindi normal. Napahilamos ako ng mukha.

"Sa tingin mo nasaan ang hikaw ni Mnemosyme?"

"Sa tingin ko nasa tiyan nung halimaw."

Nagsisigaw ang mga tao nang sumuka ng kung anong likido na sobrang masangsang. Nagulat ako na parang metal ito na kung ano. Nagulat ako nang ang isinuka nito ay isang tao na meron pang laman, kalahating katawan lang nito ang buto pero hindi ata nagustuhan ng halimaw ang lasa nito.

Gusto ko masuka sa itsura at sa masangsang na amoy ng bituka nito pati na ang itsura ng laman loob ng tao.

I can still feel Chronos' hands on mine pero sinantabi ko iyon kasi bakit ba nasa harap na nga ng kamatayan sumesegway pa yan?

"Wala akong kapangyarihan."

"Aware ako, pero paano?" Kasi si Chronos talaga ang pinakamakapangyarihang god sa lahat, ang alam ko nga eh anak niya si Zeus, at iba pa. Pero siya ata yung reincarnation version, para bang nagpapahinga yung original at ito parang niilkha siya nung original para siya ang magtrabaho.

"There's a reason why some of the gods can restrain my powers."

"Bakit?"

"I told you I will tell you after all this."

"So paano nga?'

"Get in that monster's stomach and get it yourself."

Natatawa ako na naiiyak sa sitwasyon niya. Tiningnan ko siya at wala siyang halong pagbibiro. Tiningnan ko siya kung seryoso ba talaga siya at tumango siya. Ako naman dahil problema ko ito at nahihiya na akong inaabala at nagiging pabigat sa kanya ay hianrap ko na nga ang halimaw. Nang ibinuka nito ang bunganga nito at maraming ngipin. I hold my breath in dahil ayoko nang aamoy ang pinagbabawal na amoy ng halimaw.

Jusko nagpadausdos talaga ako sa dila at sa lalamunan niya dahil napansin kong parang ngunguyain niya ako tangina! Ano bang pumasok sa utak ko?! Nagpapakamatay na ba talaga ako?

Halos matakot ako dahil parang asido ang loob niya! Tangina pano nga nadidigest ang pagkain? Sobrang acidic naman ng putanginang to! Ito pa ata papatay sa akin!

Nang nagulat ako nang mahulog ako doon ay bigla nalang nagyelo ang tyan niya, unti-unti. Paano nangyari iyon?!

Pero hindi na nga ako nagpatanga-tanga dahil may nakita akong kumikinang na bagay! Mabilis kong hinablot iyon at nalapnos pa ng asido ang kamay ko hanggang sa mabilis na naging yelo ang buong sikmura ng halimaw na ito.

Hindi ko na nga rin masikmura at niyakap ang hikaw ni Mnemosyme na purong ginto at may malaking dyamante at maliliit sa paligid nito. Pinunasan ko ito ng damit ko at nalusaw ito. Grabe ang tindi!

Nang bigla ko nalang narinig na parang nagcrack nang unti-unti ang halimaw at nagulat ako na naging yelo na talaga siyang tunay ay nabasag siya na parang pinggan. He looks like a diamond in pieces pero nandoon pa rin ang masangsang na amoy.

Para akong nagkaroon ng pag-asang mabuhay muli nang makalabas na nga ako. Hinarap ko si Chronos at nagulat ako nang makita ang isa pang Greek God. Si Boreas, ang alam ko powers niya malapit sa winter gano'n.

Nakangiti ako nang malawak nang ipakita sa kanila ang hikaw!

"Nakuha ko na! Ang galing! Hindi ako namatay!"

Nang bigla ba namang tinapat sa akin ni Boreas ang kamay niya at parang umikot ang snow at parang nilinis ako ng snow. I felt cleansed at napansing ang baho ko pala gawa nung nangyari.

Tuwang-tuwa ako at nakatingin lang sa akin si Chronos nang hindi ko mabasang ekspresyon. Hindi ko na siya inintindi at nagpasalamat ako ng bigtime kay Boreas.

"Kung may kailangan kang tagalinis ng igloo mo! Tawag ka lang ha? Tutulong ako! Maraming salamat po!" Ang saya-saya ko talaga kasi finally!

Maibabalik na ang memorya ko. Maalala ko na kung ano ang nangyari noon. Kung bakit talaga ako nagdudusa ngayon!

"So paano tayo babalik? At paano mo natawag si Boreas?"

"Pinadala siya ni Mnemosyme kasi alam niya kung anong mangyayari. Hindi niya naman alam na kaya mong ibuhis ang buhay mo para sa memorya mo." May inis sa boses niya.

"So tinetesting niya lang ako?"

"Ano pa nga ba? Nakita niyang puro ang intensyon mo at walang halong kagustuhang maghiganti. Kaya niya piandala si Boreas."

"Eh paano mo nalaman?"

"Telepathy. Kaya tara na."

Malungkot akong napangiti. Ako? Pure ang intentions ko? Pagkakakilala ko sa sarili ko masamang tao na medyo may pagkaganid at hindi matanggap ang pagkamatay. Paanong naging puro ang pagkagusto kong maibalik ang memorya ko? Ako lang ba o mali sila ng pagkakakilala sa akin?

Di bale na ang mahalaga, malapit na ako sa katotohanan.

+++++

unedited :)



Chaos with the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon