Episode 2

138 29 2
                                        

So, nakabalik na nga ako sa lungga ng God of Time. Sobra akong naistress kakahanap ng E19ME. Sobrang stressful maghanap ng timeline. Kaya naiintindihan ko si Chronos eh kung mabibwisit siya at wasakin ang isang timeline na magulo.

Nang makabalik ako ay alam kong tapos na rin sila boss Chronos sa meeting niya sa council. Sobrang tagal ko sa kabilang building, mga limang oras ata kung sa oras ng tao, pero kasi dito walang oras.

Walang oras sa lugar na to.

Walang araw o gabi, kung hihilingin naman ng mga Gods kay Chronos na gawing umaga, kailangan pa magpaappointment sa Ministry of Time, mahabang proseso pa. Nakadepende pa rin ang gabi o umaga kay Chronos. Pero laging maliwanag dito ayaw niya kasi ng gabi aantukin yon.

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si boss Chronos sa may bintana niya. Medyo nagulat ako dahil makulimlim, hindi ko alam kung sakop niya ba ang weather, o baka may iba pang god ang incharge doon. Pero nandoon siya sa harap ng bintana, sipping on his wine, looking deeply outside.

"Boss Chronos! Kamusta?"

Medyo nagulat ako sa hindi niya paglingon sa akin. Kasi kahit konting kibot ko ay napapansin niya. Aawayin niya ako. At sasarkastikuhin niya.

Ngayon himala ay tahimik siya.

"Boss?" Tawag ko sa kanya at lumapit na nga. Pumunta ako sa may tapat niya.

Nang makita ko siya ay seryoso siya. Taliwas sa laging nakakunot at laging istress na mukha.

"Boss, anong balita sa Eve-0 2020 Modern Era?" Tanong ko.

Tiningnan niya lang ako na para siyang galit sa akin.

"Boss? Hello, are you there?"

Nang inirapan niya ako ay doon ko na siya sinimulang kulitin.

"Boss, ano na bang balita sa timeline ko?"

Hinihintay ko lang siya magsalita dahil ang tagal niya magsalita.

"I will shatter that timeline. Let the black hole devour it."

Huminto ang mundo ko sa sinabi niya.

"D-devour? Boss, hindi pwede. Boss, alam mong babalik pa ako sa timeline na iyon. May mga bagay pa akong dapat itama. Wag mong gawin iyon!"

Nanghina ako sa sinabi niya at napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Kung gagawin niya iyon, mga kaibigan ko, pati si Ylac, mawawala na, na parang abo.

His eyes were blank. Nasaktan ako.

"Wag mong gawin iyon please." Halos magmakaawa ako.

He sipped again on his wine at hinarap ako.

"You can't do anything about it. Masyadong magulo ang nangyayari sa timeline na iyon. I don't want more workloads. The soul catchers can't even kill that man, dahil apparently he was a demigod. They can't break the rules, they can never stop him dahil may dugo siya ng kauri ko."

Nanahimik ako at napayuko.

"Please, baka naman masolve mo kung anong problema ng taong iyon."

"My answer is no."

Sa sinabi niyang iyon, agad na pumasok sa utak ko na wala na rin naman palang silbi ang buhay ko. I am partly alive dahil gusto kong makabalik sa timeline kong iyon. Kung sisirain niya rin naman ang timeline kung saan ako galing, wala ding kwenta ang pagtatrabaho ko sa kanya.

Ilang taon na rin naman akong nagpapakahirap dito. Limang taon na ba? O sobra pa sa taong iyon? Hindi ko alam, wala namang kalendaryo at oras dito.

Edi mas mabuting tuluyan na rin akong mawala.

"Then, kung desidido ka na talaga. Wala naman akong magagawa hindi ba?" Sobrang lungkot ko na talaga. Siguro nga katapusan ko na talaga ito.

Mariin lang siyang nakatingin sa akin.

"Kung ganoon, magreresign na ako dito. Magpapasa na rin ako ng appointment sa Ministry of Dead Souls. Siguro oras na talaga para harapin ko si Hades."

Daldal na talaga ako ng daldal kasi ang sakit na talaga ng puso ko.

Gusto ko na talagang umiyak.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Inis niyang sabi sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay na parang hindi niya pa gets ang sinasabi ko.

"Malamang, magreresign na ako. Hello, alam mo namang kaya kita pinilit na pagtrabahuhin ako dito ay dahil gusto kong bumalik sa timeline ko hindi ba? Kung wawasakin mo na din naman iyon, ano pang silbi ko dito diba?" Inis kong sabi sa kanya.

Napatayo siya sa pagkakadantay niya sa desk niya.

"Anong sinabi mo?"

Natakot ako nang magdilim na ang mata niya. His eyes were so green, like the forest, sobrang ganda nito pagnatapat sa araw.

"Wag mong sabihing nakalimutan mo ang rason ko kung bakit ako nandito?" Gulat kong tanong sa kanya.

"No, hindi ko nakalimutan. Pero hindi mo sinabi sa akin na kapag winasak ko ang timeline mo, aalis ka!" Sinigaw niya ang huli salita na kinagulat ko.

"Bakit ka nagagalit dyan? Ano pang purpose ko diba? Pagwinasak mo iyon, hindi na rin kami magkakatuluyan ni Ylac."

Tumawa siyang sarkastiko. "Kaya pala, kaya ka pala nagpaalila sa trabahong ito dahil sa lalaking iyon. Dahil lang sa lalaki, Hylia."

Nanggigil ako sa sinabi niya. "Ano bang alam mo? Wala diba? Hindi ka tao, kaya di mo alam ang nararamdaman ko." Galit kong sabi at tumalikod na.

Hindi ako natuwa sa sinabi niya.

Kaya umalis na ako dahil baka masaktan ko pa siya.

+++++

I'll be publishing stories cause no one reads them only I do.

Chaos with the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon