Hindi dapat ako nagquit noon sa trabaho. Kung hindi ako nagquit sa trabaho, hindi mamatay ang aking tinuturing na ina sa sunog na nangyari sa bahay. At hindi sana ako mabubundol.
That moment wasn't supposed to happen.
Hindi dapat nangyari iyon dahil kung hindi ko ginawa iyon, kasal na sana kami ng CEO ng kompanyang iyon, sana ay buhay pa si Nay Elfina ngayon, sana ay buhay pa ako ngayon.
At sana ay nasa kasalukuyan pa rin ako.Namali ang timeline ko dahil sa pagkakamaling ginawa ko.Kung sana ay hindi ako sumuko at hindi nagquit sa trabaho ay naging tama sana ang galaw ng timeline ng buhay ko.
That moment na naging mali ay naging resulta ng maraming pagkakamali sa oras ko.
If that decision didn't come into my mind, I wouldn't be suffering right now.
"Hylia! Nasan na ang timeline sa Earth 2019 Modern Era? Babagal bagal ka na naman dyan!" Sigaw ni Chronos at hinahanap na ang E19ME.
Sa dinami ng files dito at timelines, napatunayan ko na ang oras ay hindi lang sumasakop sa isa. Hindi lang isa ang oras. Marami sila, there are infinite possibilities of time and space. And there are numerous spaces with the same people living in different times.
And yes, kaya ko rin nalaman ang pagkakamali na nagawa ko sa timeline ko ay dahil pinilit ko talaga ang sarili kong maging utusan ng God of Time.
Baka kasi sakaling bigyan niya ako ng isa pang pagkakataon para mabalik ako sa timeline ng buhay kong iyon.
I'm just going to make things right na naging mali dahil sa mga desisyon kong hindi ko dapat ginawa.
Hindi rin ako nakatira sa Earth 2019 Modern Era. Pero napansin kong ang kapanauhang iyon at setting ay halos kapareho lang din ng sa dimension ko.
Taga Eve-O 2020 Modern Era ako. Parehong-pareho lang ng time, space and world sa E19ME.
"Nabibwisit na ako sa Holocaust Era. Kapag ako nainis, buburahin ko talaga ang panahon na ito." Sambit na naman ni Chronos.
He could be destructive and he can devour the whole force of that timeline kung gugustuhin niya.
Time and space was wide.
Akala ko nga noon iisa lang ang oras at mundo.
Hindi ko naman alam na pwede palang magcoexist at sabay na gumalaw ang mga oras ng noon, ngayon at kinabukasan.
They coexist at the same time but in different space.
We just didn't know it.
Agad kong binigay ang files na hinahanap niya.
"Bobo ka ba? M87PE yung binigay mo!" Binato sa akin ni Chronos ang file.
Medieval 1587 Past Era pala yung nabigay ko.
"Sorry." Bigkas ko at agad na hinahanap ang papeles.
Kita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si Chronos habang aligagang hinahanap ang file.
Nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Rhea. Fiancé ni Chronos.
Chronos snapped his head upward at parang kahit siya naiirita sa tunog ng heels ni Rhea.
"The fuck? Hindi ba sinabi ko na sayo na magtsinelas ka lang pagpupunta ka dito? Kahoy ang lugar ko kaya-"
Rhea just shut him up using her finger.
Tinanggal ni Chronos ang kamay ni Rhea sa may bibig niya at lumayo dito. He hates her. Hindi ko alam kung bakit pero sa tinagal-tagal kong nandito ay medyo napapansin kong galit si Chronos sa lahat ng bagay at galit siya sa sa lahat ng kapwa niya Gods at pati mga tao nito.
He was always sarcastic, his mouth is always filled with unnecessary vile comments. His words are always hurtful pero nasanay na ako.
Kung ako ba naman kasi magtrabaho sa timeline ng mga tao diba? Ewan ko baka sumabog ako sa stress.
There's too much work in here.
"May meeting ang Council, pinapatawag ka sa akin. Alam mo namang may aberya sa Eve-O 2020 Modern Era."
Doon na ako napalingon kay Rhea.
Nagtaas din ng tingin sa akin si Chronos nang marinig ang era at tumaas ang kilay nito sa direksyon ko. Na parang sinasabi na dapat hindi ako nakikialam. Napakatalaga!
Pero hindi ko pinansin ang boss kong God of Time. Medyo lumapit pa nga ako kay Rhea eh.
"Someone was wreaking havoc in that era. You need to fix it."
"Bakit ako? Nandyan ang Guardians of Eras. Bakit ako na naman ang gustong niyong mag-ayos?" Nagmura pa si Chronos ng PI kaya medyo napatawa ako.
Inirapan lang ako ni Chronos at si Rhea ay napalingon lang sa gawi ko pero hindi naman ako pinansin. Lowly class being lang naman ako. Hindi ako nararapat bigyan ng tingin ng isang Goddess.
Remember, I was a dead woman who wants to reincarnate or possibly return to the time I lost.
"Oo na sige na. Umalis ka na muna sa harapan ko! Susunod ako." Di ba? Napakamainitin ng ulo niya.
Naiinis din siyang inirapan ni Rhea at umalis na nga.
Both of them doesn't like each other dahil alam ko may jowang iba to si Rhea, while boss Chronos ay talagang ayaw lang sa relasyon ata o sa babae. Ewan ko dyan baka lalaki ang gusto.
Lumapit ako sa my dear boss, Chronos. At lalong nag-init ang ulo niya sa akin.
"Pwede bang wag kang lalapit-lapit muna sa akin?"
Zist, istress na istress siya, zist!
"My dear boss Chronos, alam mo payo ko sayo. Kalma ka lang. Inhale exhale. Wag ka ring sigaw ng sigaw. Nasa labas lang nagtatrabaho ang ministry of Time, naiistress din sila." Payo ko dito.
"My dear boss ka dyan? Kilala kita Hylia, gusto mong may malalaman tungkol sa timeline mo hindi ba?"
Napaiwas ako ng tingin pero muntanga akong ngingiti-ngiti sa kanya at taas baba ang kilay ko.
"Alam mo na boss Chronos, balitaan mo ako, ha? Punta lang po ako sa kabilang building feel ko nandoon talaga ang files ng E19ME." Tinalikuran ko na siya.
"Hoy, wala kang mahahihitang impormasyon sa akin. Bahala ka."
Sinimangutan ko ang boss ko, actually si Boss Chronos ay batang-bata pa ang itsura, mga matanda lang ng konti sa akin ang itsura niya, he was one of the most respected Gods at isa sa mga Head Council dahil sa naipundar niyang kaayusan sa oras ng mga tao.
He was also one of the Gods na sobrang gwapo kahit na laging dishevelled ang ayos niya. The fairy Guardians would always say that he was 'the badboy sleeper' mukha kasi siya laging pagod, laging mukhang kagigising lang pero laging galit sa mundo.
"Edi kung ganoon, sasama nalang ako, boss Chronos!"
Napapikit ng mata si Chronos at alam kong lalo na namang nainis sa akin ito.
"Hindi! Hanapin mo muna ang E19ME! Bilisan mo!"
There was a kind of electricity when the God of Time touches me nang itinulak niya ako. Hindi ko napansin iyon pero naramdaman niya ata iyon dahil napahinto rin siya at kakaiba na ang tingin niya sa akin.
"Oo na, napakadamot mo boss Chronos!" Tinalikuran ko na siya at pumunta na nga ako sa kabilang building.
Sana nandoon talaga ang Earth 2019 Modern Era Files.
+++++
Beware of mistakes/Unedited
BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasíaShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...