Nang may humablot sa akin at bigla ba namang nawala ako sa lugar na kinatatayuan ko.
Napadpad ako sa di ko maexplain na lugar kasi mukhang casino ito na may festival sa loob at galit na galit ang mukha ni Chronos na hawak pa rin ako. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Yare ka Hylia. Yare.
"Paanong?" Nakasuot siya ng normal niyang suit na talaga namang sobrang gwapo tingnan. Kahit yung nga naggagandang babae sa paligid ay humahaba ang leeg makita lang siya.
Hinila niya ako dahil napansin niyang gumagawa na ng komosyon ang kagwapuhan niya.
Nang hinarap niya ako ay binitawan niya ako at mukhang problemado siya.
"You dared defy the laws of time, Hylia. Now what do you what me to do?"
Hala naman bakit naman nag-eenglish na si Boss Chronos. Seryoso na siyang tunay.
"Hayaan mo nalang ako?"
Tiningnan niya ako na parang isa akong malaking sumpa sa kuko niya.
"Is this really about that man?" Yung boses niya ang lalim na medyo napatigil na ako.
Actually hindi lang medyo, takot talaga ako sa kanya. Kasi duh Boss yan eh. At saka kahit naman napakagwapo ng mukha niyan eh laging galit yung ekspresyon niya dahil sa stress.
"Oo-" Napatigil ako nang maaalala ko yung pinag-uusapan nila nung babae kanina. Ni Ylac. At kung paano nila ako pinatay, ginamit para sa pansarili.
Ngayon lang nagsink in sa akin yung narinig ko kaya nagtubig ang mga mata ko. Imaginin mo, ilang taon akong nagtrabaho para kay Boss Chronos na ubod ng bugnutin para makabalik sa timeline ko at makasama si Ylac. Imaginin mo yung kailangan kong tiisin ang lagi niyang galit na utos para lang makabalik tapos ganito?
Tapos maririnig ko yon? Na ginamit niya lang ako dahil ako ata ang susunod na tagapagmana ng kung anong kompanya? Potaena.
Ang sarap chopchopin ng bayag niya tapos ipakaen sa dinousar potaena.
Pota talaga.
Ang sakit. Mas masakit yung wala akong maalala sa nangyari.
Nang makita ni Boss Chronos na tahimik akong umiiyak dahil sa sakit ng narinig ko ay para bang lumambot ang ekspresyon niya.
Alam mo kikiligin sana ako kung hindi ko siya kilala. Di lang ako umiiyak dahil broken ako. Umiiyak din ako kasi wala na nga akong bahay, wala pa akong datung. Pota ang sarap maghukay tapos ihihiga ko sarili ko tapos ako na rin mismo maglilibing sa sarili ko para wala ng problema si Chronos depunggal talagang kaluluwa ko.
He grabbed my face. Wow napapikit na ako dahil iuuntog niya na ata ako sa pader sa inis sa lahat ng kalokohan ko nang naramdaman kong gamit ang mga palad niya ay pinunasan niya ang mga luha ko. Litiral na parang gusto niya nang burahin ang mukha ko.
Potaena talaga.
"Yung mukha ko baka mabura, punyeta!" Tampal ko sa kamay niya.
Nagpamaywang siya at tinaasan ako ng noo. "I need to kill you."
Medyo nashook ako sa hayop na to.
"Seryoso po ba?" Takot ako tanga. Naiihi na ako sa takot pero wala pa naman akong kain ni inom ng tubig uhaw na uhaw ako. Kaloka ganito pala maging tao ulit.
"Yes really, I will kill you."
"Dahil ba sa sobrang stress mo? Or trip mo lang? O kase wala ka na talagang magawa?"
Para na siyang nagpipigil na bunutin isa-isa ang hibla ng buhok ko sa inis. Jusko siya ata unang mamatay samin sa stress sa akin. Gusto ko siyang tawanan sa inis.
"Zeus wanted you dead. The Council of Lives wanted you gnashing on the deepest pits of hell. Hades will gladly welcome you. He reserved the boiling prison for you. The most painful and deepest of hell. At ako ang executioner mo. Whether you like it or not you're gonna die on my hands."
Napalunok ako. Naiiyak na naman ako at napaupo na ako sa sahig. Nanghina ako. Walang halong joke na pero seryoso na talaga ang mukha niya.
Never naman siyang nagjoke tsaka kung iisipin nakakatakot kung magjojoke yan si Boss. Napakaimposible.
Hanggang sa maalalala kong may balak na rin naman palang wasakin ni Chronos tong timeline na to di ba? Siguro pwede pa naman akong humingi ng last wish? Bago niya ako ipadala kay Hades na sobrang gwapo. Balita ko fave place niya yung pinakamainit na part kaya baka makita ko siya always? Kaso pawisan ako lagi doon? Mainit eh langya, Hylia. Utak mo kung saan na napunta.
"Kung ganon ibalik mo muna saglit yung alala-alala ko. Wawasakin mo na rin naman tong timeline na to diba? Baka naman pwedeng timepers pagbigyan mo ko sa huli kong wish. Nagtrabaho naman ako sayo di ba? Kahit yun nalang yung kapalit. Last wish before you murder me. Please Boss pinakagwapo sa balat ng mundo mo."
Napapikit siya sa inis sa akin. Sana pumayag siya. Please, please. Pumayag ka na tangang to tandaan mo nagpakahirap ako na magtrabaho sayo nilunok ko yang pangit mong ugali! Tiniis ko ang pagiging masungit mo dahil single ka since the beginning of time kaya pumayag ka kundi kakagatin yan ng dinousar sige. Di ka na magkakaanak talagang hayop na to. Di ko talaga mapigilang murahin siya sa utak ko.
"Hylia, you know I can read your mind right?" May pagtitimpi na sa boses niya.
Medyo napalunok naman ako dahil nasight ko yung kanyang collarbones na medyo nagagalit na sa akin.
"Pumayag ka na please. Akin na yung memorya ko nung buhay pa ako."
"Tapos anong gagawin mo?"
"Sisirain mo na rin naman tong timeline na to di ba? Edi hayaan mo akong maghiganti kung talagang sadya yung pagkamatay ko."
This time di na ako nagjojoke. Hindi niya na ako sineseryoso eh.
"Kahit ito manlang ibigay mo na sakin."
He stared at me. Sobrang haba na nangamatis na ako dahil kahit gaano kasalbahe ang mukha niya. God yan eh, malamang patok na patok ang mukha at pigura niyan. Titigan ka ba naman nang sobrang gwapo di ka mailang.
Ang tagal mag-isip ng hayop nauubos ang oras. Sabagay pwede niya pala ienjoy ang oras kasi kanya pala yon. God of Time nga pala siya..
Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa mata ko at mukhang iniisip kung anong gagawin niya."Please po, God of Time. Please. Last na to tapos ipadala mo na ako sa impyerno oks lang. Please." Nginitian ko siya yung creepy para mairita.
Napapikit siya at bigla nalang kaming napadpad ulit sa dating kinatatayuan ng bahay ko. Di ba sabi ko kakademolish lang nito? Ngayon napapanood ko kung paano itinaas ni Chronos ang kamay niya at gamit ang bato at buhangin ay ginawan niya muli ako ng bahay. Napanganga ako dahil uti-unting gumawa ng bahay.
Wow, basic lang sa kanya to? Grabe sana all may powers.
Nang mabuo ang bahay ko ay mabilis niya akong hinatak papasok doon. Pero ang cute mukhang malaking igloo yung bahay ko. Anak ka nang pwede na maging tourist spot. Ano bang trip netong si Chronos.
+++++

BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasiShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...