Episode 4

114 25 4
                                    

Nakita ko sila doon. Bantay si Trevo sa may border ng Middle Utopia. Si Galen naman ay sumenyas na sa aking lumapit sa kanya.

"Tara, kinakausap na ni Jesa yung kilala niya para makapasok ka sa loob."

Napatingin ako papasok doon. Parang ilalim ng bulkan at nakita ko ang kumukulong lava doon.

"Tama ba tong gagawin ko?"

Napatawa naman sa akin si Galen at hinatak na ako.

"Ngayon ka pa ba aatras? Limang taon mo ng pinagarap makabalik hindi ba? Ito na yun."

Tapos naglakad na kami papaloob. Natagpuan ko si Eisa na mapang-akit na kinakausap ang tatlong gwardiya sa pasukan. Tila ba nahypnotize na sila dahil sa taglay na ganda ni Eisa kay Aphrodite kasi siya nagtatrabaho.

Nang makarating kami doon ay tila ba nasa amin ang pabor ng kalangitan. Walang masysadong gwardiya nang makapasok kami.

Sinenyasan na ako ni Jesa at tuluyan na akong nakapasok sa loob.

Napalingon ako kay Galen.

"Teka, hindi ka babalik?"

"Hindi, sasama ako."

"Huh? Babalik ka din sa Timeline mo?"

"Oo, nakausap ko na sila, nagpaalam na din ako."

Tumango nalang din ako. Mas napanatag ako kasi may kasama ako.

Nang tuluyan ng dumilim.

"Bilis, magsisimula na." Nang makaabot kami sa hangganan ng bulkan.

Sobrang nagbabaga ito. Feel ko sobrang hapdi kapag dumampi ang balat ko doon.

"Teka, tatalon talaga tayo?"

"Oo, dahil kailangan nanggaling tayo sa baba kapag inakyat ni Hades ang mga kaluluwa pababa."

"Paano pagpumalya? Habang buhay na ako sa pandemonium ganon?" Tinatamaan na ako ng takot.

Totoong nangyayari ito. Totoo bang gagawin ko ito? Totoo bang gagawin ko ito para makasamang muli si Ylac? Para sa pagmamahal?

Gagawin ko nga ba talaga to? Binubuwis ko na ang buhay ko dito.

Talaga bang ibubuwis ko ang kaluluwa ko para sa pagmamahal?

Nasisiraan na ba ako ng ulo?

Nang walang pasintabing hinawakan ako ni Galen nang mahigpit sa kamay at bigla ba naman kaming sabay na tumalon sa bulkan.

Sumigaw ako at nagkahiwalay kami sa lakas ng force ng pagkahulog namin.

Sobrang nakakasunog ng pakiramdam ang kakaibang init ng bulkang ito! Sobra, I was already gnashing my teeth from too much heat, the heat was unbearable, the pain was too much, parang pinupunit ang balat ko na walang paghinto ang pag-agos ng luha ko.

Was loving Ylac worth this excruciating pain?

Is he worth my soul?

Sobrang lalim, sobrang haba ng pagkakahulog ko. Walang katapusan na pagkahulog sa ibaba, hindi pa rin namin nag-aabot ang dulo!

Nang malapit na kaming tumama sa nagbabagang lava ay pumikit na ako, kung papalya, didiretso ako sa impyerno.

Nang biglang tumilaok ng sobrang lakas ang manok ni Hades.

The fall stopped, like how time would, pero walang oras dito. Then the lava parted its way. Nahati ito at parang unti-unting nagbukas.

Tapos mayroon akong isang nakitang kaluluwa, nasa bungad ng nagbabagang lava, his flesh was rotten, sobrang baho and then dumami sila, nag-uunahan makaangat, they were screaming painfully, sobrang nakakatakot ang palahaw nila, it was so dreadful. Their voices were tormenting, it was hunting.

I had shivers when someone scratched my face.

And then, the Sphinx of Timelines opened up. I heard Hades laugh. He was a psychopath.

"Ascend my children, go back to the living world. Go back at bumalik kayo dito." And he laughed maniacally.

I heard the loud boom of his clap and the gates of pandemonium opened up. Napansin ko ang mga kaluluwa na hirap na hirap sila, nag-tutulakan silang makaangat. They were all rotten, some had burning flesh from face to their bodies. Hindi kami makaakyat.

Nagpapanic na ako. Then Galen grabbed my hand.

"Halika na!" Hirap na hirap siyang kontrolin ang gravity kung meron no'n dito.

Nang naramdaman kong umaangat kami. But the weight, the pull of the pandemonium world is powerful than anything else. Pero may mga napansin akong merong mga kaluluwa ang nakaangat na.

Tapos may binuksang kung ano si Galen. Nang binuksan niya iyon pinalibutan kami ng parang usok.

And then we blasted up in the sky.

Mabilis na pangyayari iyon hanggang sa nangmaabot ko na ang Sphinx of Timelines ay doon ko binanggit ang timeline ko.

"Eve-0 2020 Modern Era."

Nang biglang may sumigaw nang tuluyan ng bumukas ang portal ng Sphinx of Timelines.

"Hylia? Hylia!"

Nalintikan na! Boses ni Boss Chronos.

Inangat ko na nga ang kamay ko para higupin na ako ng portal at huling nakita ko siya ay galit na galit ang mukha niya.

Pero may isa pa akong nakita sa mukha ni Chronos.

Like he was betrayed.

I closed my eyes and let my soul go to where it wants.

Pagmulat ko nang mata ko ay napansin kong nakahiga ako sa sahig. Pero muntikan na akong mahulog nang napansin kong nasa tuktok ako ng isang mataas na building.

Umatras agad ako dahil muntikan ko ng ikamatay iyon.

Tiningnan ko ang paligid.

Did I succeed?

Pero natutuwa ako dahil nakabalik nga ako sa mundo ko. Nakita ko kasi yung isang mukha ng artista na nasa billboard.

Sumigaw ako ng malakas sa building. Sakto!

"Buhay na ulit ako! Yehey! Buhay na ulit ako! Nakabalik na ako! Nakabalik na si Hylia Dinco! Nakabalik na ako!"

Tatalon-talo pa ako sa saya nang muntikan na namang akong mapausog dahil lumakas ang simoy ng hangin. Agad akong napakapit sa bakal at nanginginig ang tuhod ko sa takot.

"Jusko! Kakabalik ko lang! Ayoko na ulit mamatay! Kalmahan natin!" Sigaw ako ng sigaw sa sobrang excitement at sa takot.

Ano na kayang mangyayari ngayong nakabalik ako?

Anong araw ba ako nakabalik?

Medyo kinakabahan ako, pero wala namang pagbabago sa mundo. Nakikita rin ako ng mga tao, pero mukhang nawiwirduhan sila sa get up ko. Sino nga naman di matatawa sa get up ko diba? Rampa pa ako sa kalye.

So tao na talaga ulit ako?

Hindi mapatid ang ngiti ko sa labi.

Nagmadali akong umuwi at nilakad ko lang iyon dahil unang-una wala akong pera.

Wala pang budget, kakabalik ko lang mula sa hukay eh.


+++++

idk irly like this story <3

Chaos with the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon