~Sorry po for super late update. Naging Busy lang this second sem...
Sana makabawi on this chapter and the next~
~Enjoy reading~
(My Love)
October 26, 2018
Ilang raw ang lumipas ng wala kami ni isang naging pag-uusap, hindi siya nag-oonline simula noong huli naming pag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya pero kahit ganoon walang negative side ang pumapasok sa aking isip. Pag pasok ko noong umaga katulad parin ng dati kakaunti palang ang tao sa classroom at napupuno pa ito ng katahimikan dahil sa mabibilang pa sa daliri ang tao dito. Pagkatapos ng flag ceremony at nakapasok na kaming lahat sa aming classroom natanong nina Marriana, Liana, Katherine at Kyra ang kaganapan sa amin ni JakeChris at nakwento ko sa kanila na hindi na ganoon kadalas ang aming pag-uusap.
Noong nalaman ng aking mga kaibigan ang nagyari kay Aubrey
"Grabe naman ang babaeng yun napaka desperada naman niya, hindi lang naman si JakeChris ang lalaki sa mundo" ang pare-parehas nilang sinasabi sa akin.
Noong napagusapan namin yung tungkol doon tanging awa lang ang naramdaman ko para kay Aubrey hindi ako nakaramdam ng galit, selos, sama ng loob kay Aubrey sino ba naman ako para maramdaman ang mga yun wala pa naman kaming relasyon ni JakeChris at higit sa lahat hindi ko siya boyfriend at hindi niya ako girlfriend para magselos sa kung ano man ang ginagawa nilang dalawa sa Milan.
"Napakasuwerte nga ni Aubrey dahil may ganoon siyang kaibigan eh" ang sabi ko sa kanila,
"Yun nga eh, hindi lang kaibigan ang tinggin niya kay JakeChris kaya yun yung ikinasasama ng loob niya" ang sabi nila sa akin.
Napatigil ako ng sandali at naalala ang sinabi dati ni Kyra "ang ganda kaya ng ex noon, pero hindi ko lang alam kung bakit sila nagbreak."
At sinabi sa kanila "Edi ganoon din si Aubrey noon, noong nagkaroon ng girlfriend si JakeChris" wala silang nasabi noong una dahil pare-parehas naman na hindi namin alam ang buong pangyayari.
"Baka" ang sabi ni Kyra sa amin.
Dumating ang 1:00 pm habang hindi pa nadating ang aming Science teacher binuksan ko na ang aming chat tiningnan kung nag-message na sya pero katulad din ng dati hindi parin siya nag-oonline. Pagkabukas ko pinindot ko nalang yung wave botton. Lumipas ang maghapon na kaming magkaklase ay magkakasama sa kainan, tawanan, harutan, kalokohan, at marami pang bagay na masasabing kapag ginawa mo ay talagang pagagalitan ka ng teachers masasabi kong kahit papaano ay hindi ko naisip na hindi na siya nag-oonline, yung parang hindi siya sumagi sa isip ko kahit konti.
Kinagabihan habang ako ay nasa aming kusina narinig ko ang tunog ng aking cellphone na para bang may natanggap na bagong message hindi ko muna yun initindi kasi iniisip kong baka sa group chat lang namin yun baka puro kalokohan lang yun ng aking mga mababait at matitinong kaklase kaya hindi ko muna tiningnan at inintindi ang aking cellphone.
Pagkalipas ng mga 10 minutes saka ko lang tiningnan kung sino ang nagchat at doon ko lang nalaman na hindi pala galing sa GC ang message, hindi pala sa mga kaklase kong maiingay lagi tuwing gabi sa GC na kala mo'y hindi nagkakasama ng limang araw sa isang linggo at sampung oras kada araw sa sobrang inggay lagi sa GC, ang message pala ay galing sa tao na inaatay kong mag-online.
Habang binubuksan ko ang messenger sa isip-isip ko aba naisipang pag-online at tiningnan ko na kung ano ang sabi niya "Hey love" ang sabi niya sa message na iniwan niya sa akin.
"Why" ang sabi ko sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto bago pa siya nakapagreply "Nagwave ka po" ang sabi niya na may happy emoji pang kasama.
Napanggiti nalang ako at sinabing "napindot lang po" na may dalawang happy emoji na kasama.
"Are you sure? Or you're missing me" ang reply niya sa akin.
Oo, miss na kita ang gusto kong sabihin sa kanya pero dahil sa kaulagaan ko na naman "Oo" lang tangi kong nasabi sa kanya.
Haha I miss you" ang reply naman niya.
Kahit gusto kong magreply ng 'I miss you' hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa, siguro natatakot lang ako na sumugal kaya hanggang ngayon hindi ko parin maamin sa kanya na may feelings na din ako para sa kanya, siguro natatakot ako na baka pagsinabi ko sa kanya na 'may gusto ako sayo' hindi niya ako masalo kahit alam ko na sa aming dalawa siya ang unang nagkagusto at unang gumawa ng paraan para makausap lang ako.
Kaya nagsend nalang ako ng happy emoji sa kanya ngunit sa likod ng happy emojing ito marami akong gustong sabihin pa sa kanya, sabihin ang tunay na nararamdaman ko kapag kausap siya yung saya na nabibigay niya kahit sa maliliit lang na bagay na ginagawa niya para lang iparamdam sa akin na ganoon ako kahalaga sa kanya. Naging mahalaga narin siya para sa akin hindi nalang siya yung normal na kachat ko araw-araw siya yung nagpapasaya, kumokompleto ng araw ko, at isa narin siya sa mga dahilan para ipagpatuloy ang buhay kahit maraming pagsubok ang makakaharap sa araw-araw.
To be continue...
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.