(Almost)
October 16, 2018
Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa din ang isip ko sa lahat ng mga pangyayaring ito. Pagpasok ko sa aming classroom ay natural padin ang lahat. Kinakamusta nila ako kung 'ayos lang ba daw kami' pero iniisip ko pa din na alin ba ang 'kami' sa aming dalawa kung di pa naman kami masyadong magkakilala.
Hanggang sa chineck ko ang messenger ko at nakitang tinagtag na niya ang nickname ko at halos naging malamig ang pakikitungo nya... Nabigla ako sa nangyari di ko man lang alam kung ano ang nangyari, bakit tila ata may nagbago?
Teka nacucurious ako... nasa isip ko nung oras nayun na huwag naman sana ngayon kasi... nasanay na ko na nandyan ka... na nakakausap kita... na ikaw palagi ang nakikita ko sa messenger ko... huwag naman sana maging tama ang naiisip ko.
Tinanong ko si Kyra kung kinausap ba sya ni JakeChris at nagulat nalang ako sa nalaman ko... Kaya pala nagkaganun siya ay dahil akala nyang hindi ko sya gusto, kaya naisip ko na baka kailangan ko na talaga sya ichat bago pa sya... mawala, nang dahil sa katorpehan ko.
Dahil nga sa kanyang iniisip marami akong nakita sa kanyang my day at dahil sa kanyang mga sinabi sa kanyang my day nagkagulo ang Group Chat ng aming klase at doon ko sa kanila na sabi na"wala naman akong sinabi na hindi ko sya gusto at wala din akong sinabi na gusto ko siya" na dahil sa kaguluhan na ng aking isip sa kung ano ang mga nangyayari dahil kahit mismo siya ay ayaw sabihin, ay nasabi ko nalang yun ng bigla at dahil narin sa aking emosyon, buti na lamang sa gitna ng mga kaguluhang dumating ay biglang nagchat sa akin si Blaire na nagpahinahon sa akin, nag-advice "walang pumipigil sayo mag lovelife, wag mong isipin ang sasabihin ng iba, may opportunity depende kung iga-grab mo, kung gagawin mo edi okay kung hindi edi okay, I support you naman always."
Dahil sa sinabi ni Blaire napaisip ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay JakeChris kung kahit konti ay nababago ang nararamdaman ko sa kanya simula ng nag-usap kami o ganun pa din, kaya sa aking pag-iisip at sa mga nangyari nawalan ako ng ganang kumain ngunit dahil din doon napagalitan ako ng aking mama, kung maaari lang talagang sabihin ang nararamdaman ko nasabi ko na.
Hindi ko alam kung bakit ako ganoong kaapektado noong nalaman ko ang ayaw nyang sabihin sa akin, ano ba itong nararamdaman ko? May gusto na ba ako sa kanya? Bakit parang ayaw ko siyang mawala? May gusto na ba ang matatawag kapag ganoon ang mga nararamdaman mo at gumugulo sa isip mo?
Ilan lamang sa madaming tanong na gumugulo sa aking isip, iniisip ko kung ano ang ginawa kong masama at naisip niya ang ganoong bagay, kung bakit ayaw pa na siya mismo ang magsabi sa akin at gusto pa niyang iba pa ang gumawa noon, para sabihin sa akin ang kanyang nararamdaman hanggang sa aking pagtulog, iniisip ko parin kung bakit umabot sa ganoon ang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.