(Goodbye my lady)
October 30, 2018
Habang nanonood ako ng Showtime nafefeel ko na may mangyayari dahil sa sobrang saya ako sa mga oras na ito. Binalewala ko nalang ang nararadaman ko at pinagpatuloy nalang ang panonood, habang nanonood kay Vice Ganda biglang pumasok sa aking isipan na buksan ang aking cellphone, at pagbukas ko ng messenger dito na nagbago ang lahat ang saya napalitan ng lungkot, ang goodvibes napalitan ng badvibes dahil sa nakita ko.
"I love you my lady goodbye..." ang nakalagay sa screen kaya minadali ko ng buksan ang message niya at dito na nagsimulang mangilid ang aking luha at pilit na tinatatagan ang aking sarili habang binabasa ang kanyang message.
"I love you so much, okay? If that time happens again na magkikita tayo ulit I will never lose the chance. Take care of yourself. You know how much I love you...Eventhough we're not gonna talk again just remember that this heart will never choose anyone, just you. This heart will never be tired of loving you. Eventhough years come, I will still love you even in my last breath. 'Coz my love to you is an everlasting love. A love that will last forever. A love that will last till I die. I love you" ang sabi niya sa akin.
Gusto ko mang replayan siya pero huli na ang lahat logout na siya, gusto ko mang ayusin at malinawan pero hindi na siya online kaya nag-leave nalang ako ng message sa kanya pinipigilan, umaasang maayos pa ang lahat ng hindi kailangan na magsakripisyo kaming pareho pero wala akong nagawa buo na ang disesyon niya na lumayo kahit mahirap.
Ginawa ko ng lahat, ginawa ko na ang alam kong paraan para pigilan siya pero nabigo ako.
"...You know me... I will do everything for you even that thing will hurt me" ang sinabi niya sa akin na pilit ko paring iniintindi ang gusto niya.
"So ibigsabihin ititigil mo na?" ang tanong ko sa kanya.
"I won't stop loving you, but I need time to fix everything babalik ako kapag tama na ang lahat. But I can't promise na I can still talk to you daily" ang pagpapaliwanag niya,
"babalik ako kapag tama na ang mali at pwede na ang hindi, kung alam mo lang kung gaano to kasakit sa akin. I need time, take care my lady I love you" ang pagdaragdag niya.
Ginawa ko na ang lahat para pigilan siya sa gusto niya pero wala akong nagawa "I've think of this decision for so many days, that's why 'di ako nagoonline" ang sabi niya sa akin at dahil dito nalaman ko na ang mga dahilan niya noong mga nakaraang araw kaya hindi niya ako kinakausap at hindi siya nagoonline.
Dahil lang kay Aubrey nagbago ang lahat. Pagkalipas ng ilang oras pinatulog ko narin naman si JakeChris kaya natapos narin ang aming pag-uusap biglang nagchat si Kyra
"Wala na kayo?' ang tanong niya sa akin.
"May sinabi ba siya sayo or nabanggit man lang? Gags, wala naman talagang kami" ang sabi ko sa kanya.
"Sesend ko sayo" ang sabi naman niya, nagintay ako ng ilang saglit at sinend na niya sa akin ang sabi sa kanya ni JakeChris.
Bago ko basahin ang nasa message pumasok muna ako sa banyo at binuksan ko ng malakas ang tubig dahil alam kong dito na tutulo ang luha ko. Habang nakaupo ako sa ilalim ng Shower binabasa ko ang message na sinend ni Kyra
"I'm just gonna leave... I can't imagine it will turn into this I had a dream of having Janella in my life but that dream will not happen anymore. I love her so much but I don't want anyone to be hurt because of me, Aubrey will not give up I know her attitude since we've met...How would it be comfortable that your love is being hurt? I can't just stand here and do nothing."
At dito na nagsumulang tumulo ang luha ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ako siguradong kaya ko pang ipagpatuloy ang pagbabasa nito dahil simula palang unti-unti ng pumapatak ang aking mga luha ng hindi ko namamalayan.
"Can you please take care of her?... I love that girl so much, Janella. I will never forget how I loved her, I will never forget how she makes me so happy. Until the day we meet again. Kyra thank you so much" ang buong nakalagay sa message.
Ang hirap sa pakiramdam na gusto mo siyang magstay pero wala kang magawa dahil alam mong lalo lang siyang mahihirapan pagpinili nyong pareho ang isa't isa. Habang tuloy parin sa pagpatak ang aking luha lalo kong nilaksan ang tubig at binitawan na ang aking cellphone. Pagkatapos kong ilabas lahat ng lungkot at kaya ko na ulit punasan ang aking luha lumabas na ako at nang makita ko ang aking sarili sa salamin kita ko na pulang-pula ang aking mga mata kaya nanghilamos ako ng maraming beses para hindi mahalata ng aking magulang na ako ay umiyak.
Pagpasok ko sa aking kwarto hindi na ako lumabas pa kaya natulog na nalang ako para hindi na nila malaman kung ano ang dahilan ng mapula kong mga mata. Hanggang sa pagpikit ng aking mga mata siya parin ang aking nakikita, siya parin ang laman ng isip ko kahit siya ang dahilan ng pagluha ng aking mga mata siya rin naman ang dahilan kung bakit sa unag pagkakataon tumibok ang puso ko.
To be Continue...
Stay safe everyone....
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.