CHAPTER 15 (Last Time)
November 03, 2018
Gumising ako nang maayos at tanggap na ang lahat ng mga pangayayari. Kaagad ko nang ginawa ang aking daily routine at pagkatapos ng lahat pumunta na agad kami ni Mama sa SM.
Habang nagwiwindow shopping kami ni Mama, niyaya ko siya sa National Bookstore at naningin na ng libro. Pagkatapos kong bumili sa National Bookstore niyaya ko na si mama sa baba para kumain, pagkatapos dumetrso kami sa Watson at tumingin ako ng mga accessories for my face. Pagkalabas namin sa Watson at patungo na kami sa direksyon ng Cinema biglang tumunog ang cellphone ko.
Wala naman akong iaasahang text or chat ngayong araw kaya binuksan ko nalang ang cellphone ko noong nandoon na kami sa Cinema. Pagkakuha ko sa aking cellphone nakita ko agad ang nakalagay sa screen "JakeChris: Grezie Janella. Ora puoi essere felice" na may kasama happy emoji sa dulo.
Dahil hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi, sakto namang wala akong pang data, at wala din akong makitang friend ko sa mga oras na ito na online, ay hindi ko na muna siya nireplayan.
Dahil sa nangyari niyaya ko na agad si mama na umuwi nalang at wag ng ituloy ang panunuod ng Cine "Ma, tayo nalang umuwi, pagod nadin kasi ako next time nalang natin ituloy ang panonood, isama na din natin si Papa" ang sinabi ko kay Mama.
Pag punta namin sa parking area ay pumunta na agad kami sa aming sasakyan at umuwi. Habang nasa biyahe iniisip ko parin kung ano ang ibig sabihin ng niya, kainaman na itong lalaking ito eh, magsasabi ng ganoon alam namang basic lang ang alam ko, pero kahit papaano naman ay may nalalaman na din ako dahil kada magsasabi siya ng Italian word nalalaman ko yung meaning kaya may bago narin akong natututunan na wika ko na lamang sa aking sarili.
Pagkarating ko sa bahay agad kong sinerch kung ano ang ibigsabihin ng message niya. "Thank you Janella. Now you can be happy" ang nakalagay sa translator.
Agad ko siyang nireplyan ng malaman ko ang ibig sabihin ng message niya. "I don't think na magiging masaya ako" ang sabi ko sa kanya
Kasi parang sinabi ko lang naman sa kanya na pinakawalan ko siya para hindi na siya mahirapan pa dahil sa akin, kahit deep-in-side ayaw ko siyang mawala, sino ba naman ang may gustong mawala ang isang lalaking caring, loving, at mahaba ang pasensya, konti nalang ang ganan na lalaki sa mundo ngayon.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit pa siya pinakawalan ng Ex niya. "Kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit nagustuhan siya ni Aubrey mabait...gwapo...nasa kanya na lahat kaya ganoon nalang siguro ikamamatay ni Aubrey kapag nawala sa kanya si JakeChris" ang nasabi ko nalang sa aking sarili.
________________________________________________________________________________
To be continued...
Comment guysss...
Still, stay safe ;)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanficThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.