Chapter 14

25 2 0
                                    

Sorry for super duper late update dear readers.


(First Day)

November 01, 2018

Ito ang unang umaga na wala na siya. Isang umaga na wala yung happy pill ko pero kahit ganoon tuloy parin ang buhay pagsubok lang yun, hinahanda para sa magandang bukas, pilit paring nagiging positive sa kabila ng mga pangyayari. 

Habang nasabiyahe papuntang Laguna hindi ko inaasahan na magbavibrate ang aking cellphone at pagkita ko sa screen 

"JakeChris: Thank you Janella" ang aking nakita kaya mabilis kong binuksan at nagreply "welcome. Take care" ang sabi ko sa kanya. 

Ngunit matagal pa ang aking inantay para lang masend dahil sa sobrang hina ng signal sa lugar na aking pinuntahan. Kaya kahit gusto ko pa ulit siyang makausap hindi ko na nagawa dahil ilang oras pa ang aking inaantay bago ko masend ang aking message. 

Kinagabihan habang trapik pauwi biglang nagchat si Liana sa akin "Kamusta ka na?" ang sabi niya sa akin. 

"Ito maayos na nakakangiti na ng konti" ang sagot ko sa kanya. 

"Wag mo nalang isipin ang nagyari move on" ang kanyang repy. 

"Oo nga, nandoon narin ako, pero kapag pumunta yung bruhang yun dito sa Pilipinas hindi na naman yun makakabaik ng buhay sa Italy eh, sarap ibitin ng patiwarik sa puno ng Mangga na punong-puno ng langgam" ang sabi ko sa kanya. 

"Don't worry kung mangyari man yang sinasabi mo na pupunta siya dito, nandito kami nina Kyra resback mo if ever na kailangan mo. Saka hindi lang kagat ng langgam ang aabutin niya kayna Kyra kilala mo naman ang mga yun artistic" ang sagot niya na napatawa nalang ako dahil sa totoo lang mas may galit pa ang mga kaibigan ko kay Aubrey kesa sa akin kahit sa akin nangyari ang mga bagay-bagay. 

"Tanong mo nga kay Kyra kung ano ang gagawin niya if ever" ang sagot ko kay Liana. 

"Sige, Wait lang" ang sabi niya. 

Pagkalipas ng ilang minito nagchat na ulit siya at ang sabi ni Kyra ay "Kowww, makakapatay" ang nakalagay sa message na sinend ni Liana, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sila pa yung sobrang stress sa mga nagyari at ako lang yung chill lang parang walang nangyaring masama. 

Kaya ako na mismo ang nagchat kay Kyra "makakapatay ga?" ang sabi ko sa kanya. 

Maya-maya ay nagreply na siya "Oo, makakapatay. Kung sa amin lang ni Grey nangyari yan nakooooo hindi lang yun ang maabot ng babaeng iyon" ang reply niya na halatang kumukulo na ang dugo. 

"Daig mo pa ang nagkaroon ng relationship kay JakeChris eh sa gagawin mo, basta kapag pumunta yung babaeng iyon alam mo na ang gagwin mo ha" ang sabi ko sa kanya. 

"Oo, ready to rumble na tohh" ang pabiro niyang sabi sa akin.

Maya-maya lang ay nagchat narin sa akin si Maria "ako din ready to rumble na" ang nakalagay sa message. 

Isip-isip ko "bakit parang baliktad dapat ako ang nagsasabi nitong masasamang gagawin kapag nakita ko si Aubrey pero bakit hindi ko magawa tangging awa lang yung nararamdaman ko kapag nasasabi yung pangngalan niya" ang tanong ko sa aking arili at kay Liana. 

"Ang bait mo kasi masyado, siya nga hindi naaawa sa sarili niya ibang tao pa kaya" ang sagot niya sa akin. 

Sa pagtagal ng pag-usap namin ni Liana nakwento ko sa kanya yung naiisip ko tungkol kay Aubrey "Liana, alam mo minsan naiisip ko tutal malapit lang si Taylor sa Italy tapos nagkataon na nakita niya si Aubrey napagsampal na niya ito sabay sabunot" ang sabi ko sa kanya. 

"Hahahhahhah, oo nga nasa London lang eh" ang reply niya. 

Si Taylor ang aking kaibigan simula Grade 6 kami hanggang ngayon, hindi man ganoon kadalas na ang aming pag-uusap pero kapag nakapag-usap naman ay parang hindi nagkahiwalay. 

"Minsan naman ang nasa isip ko pumunta siya sa school tapos inexcuse niya ako saktong English time pa naman yun tapos noong nag-uusap na kami nakatingin sina Kyra at Maria sa may bintana at parang nag-iintay lang ng sign ko kasi sabi nga nila sa akin ready to rumble na sila" ang reply ko naman kay Liana. 

"Ako naman minsan naiimagine ko na pupunta si JakeChris sa school tapos may dalang flowers for you" ang sabi niya. 

"Hindi ko alam pero isa lang ang pumasok sa panaginip ko kasama siya yun pa ay extra sina Kyra, kasi ang nasa akin naman ay nasa mall kami naglalakad kaming dalawa yung magkasama at magkatabi pero noong nandoon kami sa may part na liliko na biglang umextra sina Kyra sa likod namain" ang sabi ko sa kanya. 

"Hahahaha grabeh may kasamang body guard eh" ang pagbibiro niya. Hanggang sa tinamaan na ako ng antok kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang kausap si Liana. Noong malapit na kami ni mama sa bahay ay ginising nalang niya ako.


________________________________________________________________________________

To be continued...

Comment guysss...

Still, stay safe ;)

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon