(Goodbye...My Love)
October 31, 2018
Pagbukas ng aking mga mata nandoon parin yung lungkot na nadarama ko hindi parin maalis ang sakit. Sa maghapon na ito ayaw ko man na ipahalata sa aking mga magulang ang aking lungkot na nararamdaman at ayaw ko na makita nila ang aking mata dahil sabi nga nila hindi makakapagsinungaling ang mata, kaya paggising ko ng 5 am tumayo na agad ako at tiningnan ko kung hindi na mapula ang aking mga mata ngunit hindi parin siya bumabalik sa dati kaya ayaw kong umiyak eh matagal mawala ng pula kaya ginawa ko na ang mga gawain ko tuwing umaga habang tulog pa sila para hindi na nila ako makita pa.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng trabaho ko sa bahay pumasok na ulit ako sa aking kwarto at muling humiga at pinikit muli ang aking mga mata hanggang sa magising na sina mama at nagkunwari nalang akong tulog para hindi nila mapuna ang aking mata. Inantay kong umalis na sina mama sa bahay para hindi nila ako makita. Noong nakaalis na sila nakahinga na ako ng maluwag at malaya na akong nakakalabas ng aking kwarto.
Sa araw na ito mas pinipili kong mag-iisa para makapag-isip at matanggap ang lahat ng nangyari kahapon. Kinagabihan habang ako ay nakaupo sa labas ng aming bahay binuksan ko ang convorsation sa aming Group Chat
Sakto namang send ni Mikyla ng picture "parang may pinagdadaanan si Janella" ang sabi niya.
"Guys may tanong ako doon sa nakakachat niya alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko, may nasasbi ba siya sa inyo?" ang tanong ko sa kanila.
"Sakin meron" ang sabi ni Yeyzen
"Pa pm nalang ako ha kung meron man" ang sabi ko sa kanila.
"Gagawa ako ng gc doon lang sa mga nakakaalam para mapagusapan na din natin kung ano ang magandang gawain" ang sabi naman ni Francine.
Doon sa gc nakita ko ang ilan sa mga napagusapan nila kasama si JakeChris, "Yaan yung sabi niya noong isang araw noong kami ay nag-usap" ang sabi ni Francine.
"Oo nga sabi nga din niya sa akin noon na kausap ka niya gawa ng pinag-off ko na siya noon eh sabi niya mamaya nalang at kausap ka pa niya" ang sagot ko naman kay Francine.
"Guys, kung kayo ang nasa situation, ano ang gagawin nyo?" ang tanong ni Francine.
"Kung hiningi niya na palayain mo siya wala tayong magagwa dun" ang pagtutuloy ni Francine.
"Oo nga boy, Palayain mo na @Janella Maxine Bermudez" ang sabi naman ni Maddison.
"Dahil kahit ipagpilitan natin wala din naman tayong magagawa desisyon niya yun at kailangan nating irespeto yun kahit nasasaktan ka na, gusto niyo ga add natin dito?" ang sabi naman ni Francine.
"Iadd niyo dito nang magkausap-usap kayo" ang sabi ni Kenzie.
At ilang saglit lang ay umilaw ang cellphone ko at may nagnotification sa akin 'Maddison Malary added JakeChris Villegas.
"Guys? This group is for what?" ang pagtatanong ni JakeChris.
"For you, yieeeeeeeee" ang pabirong sagot nina Francine at Maddison.
"Guysss, video call" ang sabi ni Francine.
"Hey guys take it seriously, I'm at school 'di ko masasagot calls nyo, anong pag-uusap dito guys?" ang sabi ni JakeChris.
Dahil narin napaka loko ng aking mga kasama sa GC kahit napakabigat na ng aking nararamdaman kahit konti nakakangiti na ako.
"Wait lang chachat ko lang ang bebe ko" ang palokong sabi ni Maddison.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.