(Arguement)
October 20, 2018
Kinabukasan, 5:14 am ng Sabado nag chat siya sa akin at tinatanong kung ano ang gusto kong itanong sa kanya.
Hindi ko agad sinabi ang gusto kong itanong sa kanya dahil 10:14 pm na yun sa kanila at ang sinagot ko nalang sa kanya ay "mamaya na matulog ka muna" at doon ko napansin na desidido siyang malaman ang tanong ko sa kanya kaya ang sinabi niya sa akin ay "I will not sleep until you didn't say the question you wanted to ask me" hindi ko alam kung bakit hindi ko nalang sinabi yung gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi ko nalang sinabi sa kanya na mas gusto ko pa siyang makilala dahil ang tagal na naming nagkakausap hindi ko pa siya ganoong kakilala at ganoon din siya sa akin.
Kahit iyon ang nasa isip ko ang tangi ko nalang nareply sa kanya ay "matulog ka na nga muna" dahil sa sinabi ko pansin ko na malapit na siyang mainis sa akin dahil ayaw ko pang sabihin sa kanya.
"Bakit ka ba umiiwas sa sinasabi ko."
"Then, now tell me what you wanted to ask me."
Hindi ko parin nasabi sa kanya yun dahil ang iniisip ko hindi naman iyon ganoon kahalaga para pagpuyatan niya para lang masagot ang tanong ko sa kanya.
Sabihin na nating nagmatigas parin ako sa mga oras na ito hindi ko parin sinasabi sa kanya "gabi na dyan ha matulog ka na muna may pasok ka pa ata bukas" ang tangi ko nalang sabi sa kanya at pumayag na siya sa sinabi ko.
Dahil sa tingin ko nagtampo siya sa akin dahil nagmatigas ako sa kanya, dahil hindi ko siya napagbigyan hindi na ako nagmatigas pa pagkalipas ng ilang sandali nag-sorry na agad ako sa kanya nagiwan nalang ako ng message sa kanya para hindi na tumagal pa ang masasabi kong away namin.
Hindi na din kasi ako mapakali dahil hindi ko matiis na ganoon ang huli naming pag-uusap kaya nagmessage na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko, ayaw ko na nagtatampo siya hindi ako mapakali kapag ganoon.
May gusto na ba ako sa kanya? Parang ang bilis naman para magkagusto ako sa kanya, hindi ba kaya ganoon lang ako ay dahil sa mga ipinakikita niya sa akin.
Masaya ako kapag nakakausap ko siya, pero gusto ko ng klaruhin ang nararamdaman ko sa kanya baka kasi nabibigla lang ako sa mga pangyayari, wala naman pala akong gusto sa kanya at bilang kaibigan palang ang relasyon na kaya kong ibigay sa kanya.
Dahil sa totoo gusto ko munang maging kaibigan siya para mas makilala ko siya ng lubusan,pero nagkamali ako hindi na pala kailangan na maging kaibigan ko siya para mas makilala pa, habang kami ay nag-uusap mas nakikilala ko siya, mas may pinatutunayan siya sa akin at kita ko na tinototoo niya ang sinabi niyang "If you think I'm one of them, you're wrong..." sa una hindi kapani-paniwala dahil halos lahat na ng mga kwento na aking napapanood at naranasan ng aking mga kaibigan at kakilala sabi nila mga ganoon ding mga salita ang unang sinabi sa kanila.
Sa una mahirap sumugal lalo na sa mga taong katulad ko na bago palang sa ganitong stage, nandoon yung takot na baka niloloko ka lang niya, takot na mafall sa kanya dahil baka hindi siya handa na saluhin ka, pero kahit ganoon ang mga nararamdaman ng lahat ng tao sa love marami parin ang sumusugal at hindi natatakot mag-mahal kahit ilang beses pang masaktan at umiyak, babalik at susubok parin tayong mag-mahal kahit nga yung tao na nasaktan na tayo noong una bibigyan parin natin ng isa pang chance dahil umaasa tayo na nagbago na siya at hindi na nila uulitin yung nangyari dati.
Kahit ilang sabunot at sampal ng ating mga kaibigan, kahit ilang beses silang magsalita ng masasakit hindi parin natin sinusunod ang sinasabi nila tapos kapag nasaktan ulit tayo sa kanila, sa mga kaibigan parin tayo tatakbo para umiyak, magmaktol, kahit inis na inis nandoon parin sila sa tabi natin dadamayan parin nila tayo sa ating kalungkutan na nararamdaman tapos sila din yung gagawa ng paraan para mapasaya lang ang sawi nilang kaibigan at minsan na namang naging t*nga pagdating sa love.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.