(Yes?)
October 23, 2018
Naging maayos para sa akin 'tong araw na ito walang nangyaring hindi maganda, lahat maayos katulad ng dati kwentuhan, tawanan, asaran at tulugan ang nangyayari sa room, hatian sa mga ulam, kanin, at mga binibili sa canteen.
Lumipas ang maghapon umuwi na agad ako at nagpahinga kasi kahit masaya ang araw na ito nandoon parin yung pagod na naramdaman ko kasi hindi na naman siya nag chat sa akin maghapon.
Kakatapos ko lang maghapunan at papasok na ako sa aking kwarto ng biglang umilaw ang cellphone ko at ang aking nakita ay "JakeChris: oo naman. How are you my lady?" ang nakalagay sa screen.
Simula ng oras na ito ngayon lang ulit humaba ang pag-uusap namin makalipas ang ilang araw na sobrang busy ng schedule niya at ganoon din yung sa akin.
Kahit ang tagal naming hindi nakapag-usap ng maayos hindi parin nawala sa message niya yung "how are you my lady?" na laging nasa unahan ng bawat message niya,
hanggang sa nagtanong siya sa akin "do you love me? Janella please" ang sabi niya, nagulat ako noong una dahil hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin niya sa akin "ba't mo naman natanong?" ang sagot ko sa kanya.
"Please answer me. Do you love me?" ang pilit niyang tinatanong sa akin ng paulit-ulit.
Dahil sa hindi ko parin alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya ang tangi ko nalang nasabi sa kanya ay "Yes?" tutal hindi na ako sanay na hindi siya nagchachat sa akin at nag-aalala ako kapag may sinasabi siyang sa akin.
Siguro ganoon na nga iyon may gusto na ako sa kanya hindi ko lang inanamin sa aking sarili. "Really?" ang sabi niya sa akin, "bakit mo naman natanong" ang reply ko sa kanya.
"I just wanna know" ang sabi niya.
"Bakit kala mo pinapaasa lang kita?" ang sabi ko sa kanya na kahit ako ay nabigla sa aking sinabi.
"Maybe yes? Coz I can't feel it" ang sagot naman niya at bigla akong napaisip
"paano ko ba ipaparamdam sa isang tao na special siya sa akin hindi naman kasi ako ganoong tao kahit nga sa mga kaklase, kaibigan, at kahit sa pamilya ko hindi ko ipinaparamdam yun sa kanila, siguro kung pede lang nilang sabihin sa akin na ang cold ko sa kanila nasabi na nila matagal na."
"Coz if you said that you didn't love me maybe I will just leave or set you free baka kasi naiilang kana na nandito ako palagi" ang pagpapatuloy ng sinabi niya.
"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kapag kausap ka" ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit may pumipigil parin sa aking sarili.
"Papayagan mo ba akong manligaw?" ang sabi niya
"You ask that to my parents, pero hindi ka pa nanliligaw sa lagay na yan ha" ang nasabi ko sa kanya.
"To your parents? I'll just fix my issues here then I will" ang sabi niya at nagulat ako noong aking nabasa.
Masasabi kong isa ito sa mga convo na gusto ko dahil dito nalaman ko kung gaano talaga siya kadesidido sa mga sinasabi niya.
"Issues?" ang sabi ko sa kanya "kay Aubrey, di sya pumapasok e" ang sabi niya sa akin.
Kahit sa huli kahit alam niyang masasaktan siya sa gagawin niya at sarili na niyang kaligayahan na ang kapalit inisip parin niya ang kapakanan ni Aubrey. Kung alam lang ni Aubrey ang lahat ng nagawang sakripisyo ni JakeChris para sa kanya kahit ayaw niyang gawin ginagawa niya kung sa ikabubuti lang ng lahat kahit sa huli siya nalang ang hindi masaya sa mga desisyon na ginagawa niya basta masaya ang mga tao sa paligid niya.
Hanggang sa nakatulog nalang ako ng wala sa oras sa kakaintay sa message niya pero katulad ng mga nakaraang-araw wala na naman akong natanggap na message galing sa kanya.
"Parang napapadalas na ang hindi niya pag-oonline, siguro may inaayos lang yun, sino ba naman ako para maagtanong sa kanya eh wala namang kami para manghimasok sa kanyang mga ginagawa" ang sabi ko nalang sa aking sarili habang nakatingin sa kalawakan noong ako ay nagising ng madaling araw iniisipparin kung ano kaya ang nangyari at hindi na si nang-oonline.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.