(Stay away from my man!!)
October 29,2018
Ilang araw ang lumipas bumalik sa dati ang halat, walang communication at all, walang message na natatanggap kahit isa. Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung bakit hindi na siya nag-oonline, kahit ang daming tumatakbong tanong sa aking isipan hindi ko nalang pinapahalata sa aking mga kaklase at mga kaiabigan kung ano na ba ang nagyayari sa amin.
Tuloy parin ang buhay kung ano dati ipinagpatuloy ko lang kahit nag-aalala ako kung ano na ang nagyari sa kanya, kung ano ang dahilan kung bakit napapadalas ang hindi niya pag-oopen ng kanyang account. Maghapon na naman ang lumipas ngunit hindi na ulit siya nag message.
Hindi na ako nangulit pa sa kanya dahil baka marami siyang ginagawa at makaistorbo pa ako sa kanya. Habang natingin ako sa mga pictures sa Pinterest may isang message ang tumatak sa akin hindi ko naman masasabing hugot ang ang aking nakita pero tumigil lang siya sa aking isipan kaya sinave ko siya at itinaranslate ko sa ibang language para walang makaalam ng aking gustong sabihin.
Kinagabihan habang nakapost yun sa aking my day hindi ko inaasahang magchachat siya "hey my lady" ang sabi niya.
"Matulog ka na 12 palang dyan" ang sabi ko sa kanya kahit gusto ko pa siyang makausap sa sandaling ito pero ayaw ko naman na dahil lang sa akin malelate siya ng gising kinabukasan.
"Ahmm sorry if you think that I'm not able to remember you na when I'm busy, Everything I do I think of you. I'm just fixing something" ang sabi niya sa akin at bigla akong nagulat sa kanyang mga sinabi.
"I can understand Spanish and even French" ang pagpapatuloy niya.
Nagulat ako sa aking nalaman, hindi ko inaasahan na maiintindihan niya ang aking sinabi "hindi ikaw yung sinasabihan ko" ang sinabi ko sa kanya.
"Sino? May iba pa ba? May iba pa bang rason, Tell me" ang sinabi niya.
Walang iba, ikaw lang!
Ang gusto kong sabihin sa kanya sa mga oras na ito ngunit tangnging sad face lang ang sinend ko.
"So may iba nga? It's fine" ang sagot niya.
Naramdaman ko ang lungkot galing sa message niya "Wala" ang sinabi ko sa kanya.
Kahit Walang iba, oo ikaw yung tinutukoy ko sa my day ko, pero hindi mo naman ako masisi dahil ang tagal mong hindi nagmemessage, hindi mo ako masisisi kung yun ang nararamdaman ko ang gusto kong sabihin sa kanaya pero ayaw ko ng pahabain pa ang topic na toh, hindi dahil sa umiiwas ako kung hindi dahil ayaw ko pang umabot sa point na mag-aaway pa kami dahil dito.
"Matulog ka na" ang sabi ko sa kanya.
"I'm talking to someone" ang sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako nag reply sa kanya "Kanino" ang sabi ko.
"ahmmm a girl I guess" ang sabi niya "Francine" ang pagdaragdag niya.
"Okay, basta pagkatapos niyan matulog kana" ang sabi ko sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto nagchat ulit siya sa akin
"Hey gurl. Stay ayaw from my man. Stay away from JakeChris!" ang nakalagay sa message.
Nagulat ako sa message
"This is Aubrey." ang pagdaragdag.
"Oh" ang tangi kong nasabi sa kanya na napaisip kung bakit niya ako chinat gamit ang account ni JakeChris.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
FanfictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story Photo not ours...Credits to the rightful owner.